Magsimula sa mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel

Ang mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel ay ang pinakamadaling paraan para makapaghatid ang mga advertiser ng performance ng hotel sa lahat ng pag-aari ng Google. Gamit ang mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel, maaabot mo ang mga bisita sa hotel at makakahimok ka ng higit pang direktang booking sa buong hanay ng advertising channel at imbentaryo ng Google sa pamamagitan ng isang simpleng pag-set up. Sa pamamagitan nito, madaling nakakagawa ang mga advertiser ng mga grupo ng asset na partikular sa property at nama-maximize nila ang kanilang performance sa Google Ads. Matuto pa tungkol sa mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel

Bago ka makagawa ng Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel, kakailanganin mo munang mag-link ng Google Ads account sa Hotel Center o gumawa ng feed ng mga property ng hotel sa Google Ads.

Mga Tagubilin

I-link ang Hotel Center at Google Ads o gumawa ng feed ng mga property ng hotel sa Google Ads

Puwede mong i-link ang iyong feed sa Hotel Center para mas padaliin ang pag-populate ng mga listahan ng property sa isang campaign at ang pag-populate ng mga asset. Nagbibigay-daan ito sa iyo na maiwasang kailanganing manual na magdagdag at maghanap ng mga property.

Bago ipag-link ang Hotel Center at Google Ads:

  • Sa ngayon, limitado sa mga account na may hindi lalampas sa 100 hotel ang pag-link ng Hotel Center para sa Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel. Kung may mahigit 100 property ang iyong Hotel Center account, hindi mo magagamit ang naka-link na Hotel Center account sa isang Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel.
    • Kung mayroon kang mahigit sa 100 property na gusto mong i-link mula sa iyong Hotel Center account, gamitin ang Google Hotel API.

Matuto pa tungkol sa kung paano ipag-link ang Hotel Center at Google Ads

Gumawa ng feel ng mga property ng hotel

Puwede kang gumawa ng feed ng mga property ng hotel sa Google Ads gamit ang hotel picker o mga URL sa Google Maps.Ipinapakita ng animation na ito kung paano magdagdag ng "Feed ng mga property ng hotel" sa pamamagitan ng paggamit ng mapa sa iyong Google Ads account.

Gumawa ng feed ng mga property ng hotel gamit ang hotel picker

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang Data ng negosyo.
  3. Sa page na “Mga feed ng data,” i-click ang plus button Add, at pagkatapos ay i-click ang Feed ng mga property ng hotel sa mga opsyon sa dropdown.
  4. Piliin ang “Pumili ng mga hotel sa mapa” para gumawa ng feed ng mga property ng hotel.
  5. I-click ang Pumili ng mga hotel.
  6. Hanapin at piliin ang iyong (mga) hotel
  7. Maglagay ng pangalan sa field na “Pangalanan ang feed ng data na ito.”
  8. I-click ang I-save.
  9. Kapag napili na ang lahat ng iyong property at napangalanan na ang feed ng data, i-click ang Ilapat.
Tandaan: Pagkatapos ilapat ang mga pagbabago, puwede kang bumalik at gumawa ng bagong Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel.

Ipinapakita sa iyo ng animation na ito kung paano gumawa ng feed ng mga property ng hotel gamit ang URL ng Google Maps para sa bawat property.

Gumawa ng feed ng mga property ng hotel gamit ang mga URL sa Google Maps

  1. Magsimula sa pamamagitan ng pag-download sa template ng feed ng mga property ng hotel (CSV).
  2. Alisin ang mga halimbawang URL sa template.
  3. Gamit ang Google Maps, hanapin ang hotel na gusto mong isama sa feed.
  4. Kopyahin ang lalabas na URL (sa search bar ng iyong browser) at i-paste ito sa template.
    • Tandaan: Siguraduhing ang URL ay ang tamang URL para sa katugmang hotel. Dapat lumabas sa kaliwa ang pangalan ng partikular na hotel (ang hotel lang na iyon at hindi isang listahan ng mga hotel).
  5. Ulitin ang hakbang 3 at 4 para sa bawat hotel na gusto mong isama sa feed.
  6. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  7. I-click ang Data ng negosyo.
  8. Sa page na “Mga feed ng data,” i-click ang plus button Add, pagkatapos ay i-click ang Feed ng mga property ng hotel sa mga opsyon sa dropdown.
  9. Piliin ang “Mag-upload ng listahan ng mga hotel.”
  10. Buksan ang dropdown na “Pumili ng source” para i-upload ang iyong listahan.
  11. I-import ang iyong feed sa Google Sheets O i-upload ang CSV file.
    • Para gamitin ang Google Sheets bilang source mo:
      1. I-import ang iyong CSV file sa Google Sheets at ibahagi ito sa partner account (ipinapakita sa notification ng babala).
      2. I-click ang Mag-link ng dati nang Google Sheet at ilagay ang link sa dati nang sheet.
    • Puwede mo ring direktang i-upload ang iyong CSV file gamit ang isa sa mga sumusunod na transfer protocol: HTTP, HTTPS, FTP, SFTP.
  12. I-click ang Ilapat.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6275007285554857464
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false