Tinutukoy ng limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos ang halagang puwedeng gastusin ng iyong Google Ads account bawat araw sa lahat ng campaign ng ad.
Sa page na ito
- Ano ang dapat kong asahan?
- Bakit naglalapat ang Google ng limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa mga account?
- Ano ang magagawa ko para maalis ang limitasyon sa paggastos?
Ano ang dapat kong asahan?
Kapag may inilapat na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa iyong account, makakatanggap ka ng mga notification sa account at email tungkol sa bagong limitasyon. Ang limitasyon sa paggastos ang ilalapat kaysa sa anumang badyet ng campaign na itinakda mo.
Hindi makakaapekto ang mga limitasyon sa paggastos sa performance ng iyong ad, pero hihinto sa paggana ang mga ad mo kapag naabot mo na ang iyong limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos. Habang may bisa ang limitasyon sa paggastos, mananatiling aktibo ang iyong mga campaign ng ad at awtomatikong babalik sa paggana sa susunod na araw.
Bakit naglalapat ang Gogole Ads ng limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa mga account?
- Ang iyong account ay bahagi ng mga pagsisikap ng Google para sa transparency kung saan lahat ng advertiser ay kukumpleto ng pag-verify ng advertiser sa huli.
- May label na potensyal na kahina-hinala ang iyong gawi sa pag-advertise o ang content ng ad mo
- Iniimbestigahan ang iyong account dahil sa kahina-hinalang aktibidad
Kapag natukoy nang ligtas ang account, aalisin ang inilapat na limitasyon sa paggastos. Matuto pa tungkol sa pansamantalang pag-pause para sa pag-iimbestiga ng account.
Ano ang magagawa ko para maalis ang limitasyon sa paggastos?
Puwedeng maalis ang limitasyon sa paggastos sa pamamagitan ng:
- Pagkumpleto sa pag-verify ng advertiser kung hinilingan kang gawin ito. Sundin ang link sa notification sa account mo para magsimula.
- Pagpapagana ng mga ad na sumusunod sa mga patakaran sa Google Ads sa panahon ng pag-iimbestiga.
Para kumpletuhin ang pag-verify ng advertiser, kakailanganin mong:
- Sumagot ng ilang tanong tungkol sa iyong organisasyon. Isumite ang iyong mga dokumento, na susuriin sa loob ng 7 araw.
- I-verify ang iyong pagkakakilanlan.
Baka kailanganin mo magbigay ng dokumentasyon na susuriin sa loob ng 5 hanggang 7 business days.
Pagkatapos mong matagumpay na makumpleto ang pag-verify ng advertiser, posibleng alisin ang limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa iyong account sa loob ng 1 business day. Maa-update ka sa pamamagitan ng notification sa account. Matuto pa tungkol sa kung paano kumpletuhin ang pag-verify ng pagkakakilanlan