Puwede mong ilipat ang lahat ng hindi nagamit at hindi nailapat na credit sa isa pang account sa mga pagbabayad para sa parehong produkto, currency, at legal na entity ng Google. Available lang ang feature na ito para sa mga customer na siningil mula sa mga sumusunod na entity ng Google:
-
Google China (Google Advertising (Shanghai))
-
Google France SARL
-
Google Italy s.r.l.
-
Google Korea LLC
-
Google Taiwan
-
Google Turkey (Google Reklamcılık ve Pazarlama Ltd. Şti)
-
PT Google Indonesia
Tandaan: Puwede mo lang ilipat ang buong halaga ng mga hindi nagamit na credit sa isang destinasyong account sa mga pagbabayad sa bawat pagkatataon.
Ano ang feature na ito
Magkakaroon ka ng sobrang credit sa iyong account kapag ang credit na natanggap mo mula sa amin, tulad ng credit mula sa invalid na trapiko o overdelivery credit, ay mas mataas kaysa sa paggastos ng iyong account sa isang partikular na buwan. Pinapanatili naming naka-hold ang mga credit na iyon sa iyong account hanggang sa awtomatikong maubos ang mga iyon ng paggastos mo sa ibang pagkakataon.
Sa sitwasyong wala ka nang magagastos sa isang account sa mga pagbabayad na puwedeng awtomatikong umubos sa mga credit na iyon, puwede mong piliing ilipat ang mga hindi nagagamit na credit sa ibang account sa mga pagbabayad na may ilang paggastos, para awtomatikong maubos ang mga iyon nang naaayon.
Paano ko titingnan ang mga credit na ito
Simula sa Abril 2023, ipapakita ang mga credit na ito sa Statement of account sa ilalim ng Mga hindi nailapat na credit. Ililista ang mga credit na ito sa isang tab na may label na “Awtomatikong inilapat,” inayos ayon sa uri ng credit, Account ID sa mga pagbabayad, produkto, halaga, at iba pang attribute. Puwedeng ilipat ang mga iyon mula sa isang account sa mga pagbabayad papunta sa isa pa para awtomatikong magamit sa destinasyong account sa mga pagbabayad.
Tandaan: Ang mga credit na nakalista sa tab na “Manual na ilapat,” kung mayroon, ay mga credit memo na magagamit mo para bayaran ang iyong mga hindi pa bayad na invoice. Matuto pa.
Paano ko ililipat ang mga credit na ito
Makipag-ugnayan sa Ahente ng pangongolekta ng iyong account o sa collections@google.com o makipag-ugnayan sa amin para humiling ng paglipat ng credit. Susuriin namin ang iyong mga kahilingan sa paglilipat at aabisuhan ka namin kapag na-update na ang mga iyon. Kung ikaw ang pangunahing contact ng profile sa mga pagbabayad na humihiling ng paglilipat, makakatanggap ka rin ng mga naka-automate na komunikasyon sa email tungkol sa status ng paglilipat.
May mga paghihigpit na nalalapat sa paglilipat ng mga credit na ito sa ibang account sa mga pagbabayad. Maaaprubahan lang ang paglipat kung:
-
Ililipat ang mga credit mula sa isang account sa mga pagbabayad papunta sa isa pa na nauugnay sa parehong produkto, currency, at legal na entity ng Google.
-
Kailangang may patunay ng kaugnayan ng source at destinasyong account sa pagbabayad kung para sa magkaibang profile sa mga pagbabayad ang paglipat.
Tiyaking nauunawaan mo ang mga paghihigpit na ito bago mo hilingin ang paglilipat.
I-verify na nailipat ang mga credit
-
Mag-sign in sa center sa mga pagbabayad ng Google.
-
I-click ang Statement of account.
-
Hanapin ang mga hindi nailapat na credit. Pagkatapos, piliin ang tab na Awtomatikong inilapat at hanapin ang credit na nauugnay sa destinasyong Account ID sa mga pagbabayad.
Depende sa iyong mga pahintulot, posibleng hindi mo makita ang ilang feature sa Statement of account. Matuto pa tungkol sa kung paano magdagdag at mag-alis ng mga user o magbago ng mga pahintulot.