Katugmang parirala: Kahulugan

Tandaan: Nalalapat lang ang kahulugang ito sa pag-target ng positibong keyword. Iba ang pagkilos ng mga negatibong keyword na katugma ng parirala kaysa sa mga keyword na katugma ng parirala. Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa pagtutugma ng keyword

Nagbibigay-daan sa iyo ang uri ng pagtutugma ng keyword na ipakita ang mga ad mo sa mga paghahanap kung saan kasama ang kahulugan ng iyong keyword. Puwedeng ipinapahiwatig ang kahulugan ng keyword, at puwedeng mas partikular na anyo ng kahulugan ang mga paghahanap ng user. Nagbibbigay-daan ito sa iyong maabot ang mas maraming paghahanap kaysa sa eksaktong tugma at mas kaunting paghahanap kaysa sa malawak na tugma.

Para maunawaan kung paano gumagana ang katugmang parirala, isaalang-alang ang sumusunod na sitwasyon:

Ipagpalagay natin na idinagdag mo ang katugmang pariralang “mga serbisyo sa paglipat mula Quezon City papuntang Makati” sa iyong mga keyword. Sa katugmang parirala, puwedeng lumabas ang iyong mga ad kapag naghanap ang isang user ng “mga abot-kayang serbisyo sa paglipat mula Quezon City papuntang Makati” o “mga serbisyo sa corporate na paglipat mula Quezon City papuntang Makati.” Ang pagkakasunod-sunod ng salita (at ang karagdagang pagdiriin sa abot-kaya o corporate na paglilipat) ay hindi makakaapekto sa pagpapakita ng iyong ad dahil malinaw na nasa paghahanap ang kahulugan ng keyword: kailangan ng user ng serbisyo sa paglilipat papunta at mula sa parehong mga lungsod.

Gayunpaman, kung maghanap ang isang user ng “mga serbisyo sa paglipat mula Makati papuntang Quezon City,” kikilalanin ng katugmang parirala na hindi napanatili ang kahulugan ng keyword, kaya hindi lalabas ang iyong mga ad. Sa katugmang parirala, mahalaga lang ang pagkakasunod-sunod ng salita ng isang user kapag binago nito ang inaasahang kahulugan ng iyong keyword.

Kapag gumamit ka ng katugmang parirala, mapupunta ang iyong mga ad sa mga tamang user nang hindi gumagawa ng kumpletong listahan ng mga keyword at parirala. Kung naghahanap ka ng tulong sa pag-iisip na gaya ng isang user o sa pag-abot sa mga tamang grupo ng mga potensyal na customer, suriin ang aming mga tip para sa pagbuo ng iyong listahan ng keyword.

Matuto pa

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14577837125390893380
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false