Gumawa ng Catch-all Campaign para sa mga Shopping ad

Nag-aalok ang mga catch-all campaign ng saklaw ng bid para sa mga produktong hindi kasama sa iba pang campaign na may mga nakalapat na filter ng imbentaryo at custom na label. Tinitiyak ng mga ito na naka-target ang 100% ng mga naaprubhahang produkto sa iyong account, at kinukuha ng mga ito ang anumang bagong produktong idaragdag sa feed mo.

Pinakamahuhusay na kagawian habang nagse-set up o pagkatapos mag-set up ng campaign

  1. Gumawa ng panlahat na campaign o Performance Max campaign na may isang grupo ng produkto na “Lahat ng Produkto” at isang bid.
  2. Puwedeng maglapat ng karagdagang granularity na gumagamit ng mga attribute na Uri ng Produkto o Kategorya ng Produkto ng Google (Google Product Category o GPC) para sa mga pag-subdivide kung naka-target ang panlahat na campaign sa maraming produktong hindi hinati sa isa pang campaign.
  3. Pumili ng strategy sa pag-bid na naaayon sa gustong strategy sa pag-bid ng iyong Shopping campaign. Inirerekomenda ng Google ang paggamit ng “Pag-maximize ng halaga ng conversion” para sa mga Performance Max, “Target na return on ad spend” para sa mga Standard Shopping na campaign na sumusubaybay ng mga conversion, at “Pag-maximize sa mga pag-click” para sa mga Standard Shopping na campaign na hindi sumusubaybay ng mga conversion. Matuto pa tungkol sa mga strategy sa pag-bid para sa mga Shopping campaign
  4. Tiyaking hindi nalilimitahan ng badyet ang campaign.
  5. Itakda sa mababa ang priyoridad ng campaign (kung gumagamit ka ng mga Standard Shopping na campaign).
  6. Huwag maglapat ng mga filter o pagbubukod ng imbentaryo sa campaign.

O kaya naman, puwede kang magdagdag ng anumang hindi naka-target na produkto sa iyong mga kasalukuyang campaign.

Kung ang iyong mga pangunahing Shopping campaign ay mga Performance Max campaign, inirerekomenda naming gumawa ka ng Performance Max campaign bilang panlahat na campaign na may mas mababang badyet at mas mataas na target na ROAS.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17404826459643928338
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false