Gumawa at mamahala ng mga Performance Max campaign sa Shopify, Woo, GoDaddy, BigCommerce, at PrestaShop

Makakatulong sa iyo ang mga third party na platform na mag-set up at sumubaybay ng mga Performance Max campaign nang mabilis at madali. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano ikonekta ang iyong Merchant Center account sa 5 sa aming mga partner na platform: Shopify, Woo, GoDaddy, BigCommerce, at PrestaShop.


Mga Benepisyo

  • Simpleng pag-integrate: Subaybayan at i-update ang iyong mga Performance Max campaign at ang mga layunin nito kasama ng iba mo pang tool sa marketing.
  • Mga awtomatikong update: Ang mga pagbabagong ginawa mo sa iyong mga Performance Max campaign sa Shopify, Woo, GoDaddy, BigCommerce, o PrestaShop ay awtomatikong makikita sa Google Ads account mo at vice versa. Kasama rito ang iyong mga feed ng produkto.
  • Mga naka-optimize na ad: Makuha ang lahat ng husay ng mga Google Performance Max campaign nang hindi umaalis sa Shopify, Woo, GoDaddy, BigCommerce, o PrestaShop.

Ikonekta sa Shopify ang iyong account

Bago ka magsimula

Bago i-integrate ang iyong mga Performance Max campaign sa Shopify, kakailanganin mong i-set up ang Google at YouTube sa Shopify.

Kapag tapos mo na ang hakbang na ito, magka-link na ang iyong Merchant Center account at Shopify account. Palaging ino-overwrite ng impormasyon mula sa iyong Shopify account ang impormasyon sa Merchant Center account mo, kaya dapat sa iyong Shopify account lang gawin ang anumang update o iba pang pagbabago.

Pagkatapos mong ma-set up ang Google at YouTube sa Shopify at ma-set up ang pagsingil sa Google Ads, magiging handa ka nang mamahala o gumawa ng mga Performance Max campaign sa Google Merchant Center.

Alamin kung paano Gumawa ng Performance Max campaign sa Shopify.


Ikonekta ang iyong account sa Woo

Bago ka magsimula

Bago isama sa WooCommerce ang iyong mga Performance Max campaign, kakailanganin mong i-install at i-set up ang asset na Mga Listing at Ad ng Google mula sa WooCommerce Marketplace.

Mga Tagubilin

Para gumawa ng Performance Max campaign sa Woo:

  1. Buksan ang tab na Woo sa dashboard ng admin ng iyong website.
  2. Mag-navigate papunta sa seksyong "Marketing" sa sidebar menu.
  3. Piliin ang Google Listings & Ads.
  4. I-click ang Start Listing Products.
  5. Sundin ang mga tagubilin para pagkonektahin ang iyong Google Merchant Center account at Google Ads account.
  6. I-verify ang iyong site, pagkatapos ay piliin ang mga target mong audience.
  7. I-configure ang iyong mga setting ng buwis at pagpapadala.
    • Ang mga pagbabagong gagawin mo sa iyong mga setting ng buwis at shipping sa Woo ay awtomatikong gagawin sa Merchant Center account mo sa sandaling gawin mo ang mga iyon.
  8. I-click ang Add paid campaign para ikonekta ang iyong Google Ads account, piliin ang target mong audience, at itakda ang iyong pang-araw-araw na badyet at mga detalye ng pagsingil.

Kapag live na ang iyong campaign, masusubaybayan mo ang performance nito.


Ikonekta sa GoDaddy ang iyong account

Bago ka magsimula

Bago isama sa GoDaddy ang iyong mga Performance Max campaign, dapat mong ikonekta ang iyong Mga Marketplace sa Google Merchant Center, at kumonekta sa Google Ads.

Mga Tagubilin

Para gumawa ng Performance Max campaign sa GoDaddy:

  1. Pumunta sa iyong page ng produkto ng GoDaddy.
  2. Mag-scroll papunta sa "Websites + Marketing" at piliin ang iyong website o store.
  3. Sa iyong Dashboard, piliin ang Commerce > Marketplaces & Social.
  4. Pumunta sa "Google & YouTube" at piliin ang Manage.
  5. Piliin ang Enable Performance Max Campaigns.
  6. Sundin ang mga hakbang para pangalanan ang iyong campaign.
  7. Maglagay ng pang-araw-araw na badyet, at i-enable ang pagsubaybay sa mga benta.
  8. Suriin ang mga detalye ng iyong campaign bago i-click ang Finish.

Ikonekta ang iyong account sa BigCommerce

Bago ka magsimula

Para magpagana ng Google Ads sa BigCommerce, kakailanganin mong i-install ang Mga Ad at Listing sa Google app at ikonekta sa iyong storefront. Kung hindi ka merchant sa BigCommerce sa kasalukuyan, magsimula rito.

Mga Tagubilin

Para ikonekta ang iyong Google Merchant Center account at magsimulang gumawa ng mga Performance Max campaign sa BigCommerce, i-install ang Mga Ad at Listing sa Google at sundin ang simpleng prosesong may 5 hakbang:

  1. Piliin ang iyong storefront sa BigCommerce.
  2. Kumonekta sa iyong Google Account (Kumpirmahing natutugunan ang mga kinakailangan sa Google).
  3. Ikonekta ang iyong Google Merchant Center account para i-sync ang mga produkto mo.
  4. Ikonekta ang iyong Google Ads account.
  5. I-click ang Campaigns > Create campaign para itakda ang iyong badyet at gumawa ng Performance Max campaign.
Mahalaga: Dapat mong matapos ang Post Onboarding Stepper para gumana ang iyong campaign.

Ikonekta ang iyong account sa PrestaShop

Bago ka magsimula

Para tuloy-tuloy na makapagpagana ng Performance Max campaign sa iyong back office sa PrestaShop, mag-navigate sa seksyong “Marketing” sa menu sa kaliwang bahagi kung saan maa-access mo ang module na PrestaShop Marketing with Google. O kaya naman, puwede mong i-download ang module sa PrestaShop Marketplace.

Mga Tagubilin

Para gumawa ng Performance Max campaign sa PrestaShop, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-link ang iyong PrestaShop account at Pahintulot sa pagbabahagi ng data.
  2. Kumonketa sa iyong Google Account.
  3. Kumonketa sa o gumawa ng Google Merchant Center account para masimulan ang listing ng iyong mga produkto.
  4. Kumonekta sa o gumawa ng Google Ads account.
  5. Gumawa ng Performance Max campaign:
    1. I-click ang Ilunsad ang campaign.
    2. I-enable ang pag-track ng mga benta para sukatin ang performance ng iyong Ads.
    3. Sundin ang mga tagubilin sa form ng campaign para:
      1. Pangalanan ang iyong campaign.
      2. Piliin ang tagal.
      3. Piliin ang iyong target na audience.
      4. Tukuyin ang mga produktong gusto mong i-promote.
      5. Magtakda ng pang-araw-araw na badyet.

Kapag naitakda na ang mga elementong ito, handa ka nang ilunsad ang campaign mo sa pamamagitan ng pag-click sa Gumawa ng campaign.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
14697015261099127477
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false