Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
true

Mga synthetic na record

Bago ka magsimula ...

Mga record at name server

Pakitandaan na ang mga kino-configure mong record sa Google Domains ay gagana lang kapag ginagamit mo ang mga name server ng Google. Kung gumagamit ka ng mga custom na name server, lalabas ang isang mensahe sa itaas ng tab na DNS at dapat mong i-configure ang iyong mga record ng mapagkukunan at record ng wildcard sa iyong DNS provider.

 

Mga synthetic na record

Isang natatanging konsepto sa Google Domains ang mga synthetic na record. Ang mga ito ay nagsasagawa ng mga gawain na nangangailangan ng maraming record ng mapagkukunan, gaya ng pagmamapa sa domain at subdomain na kinakailangang isama sa G Suite, paggawa ng mga alias sa pagpasa ng email, o pati na rin ang pagdaragdag ng lahat ng record ng mapagkukunan na kinakailangan sa isang 3rd-party na web host. Maaari kang direktang mag-configure ng ilang synthetic na record sa tab na DNS sa Google Domains. Ang ibang synthetic na record ay awtomatiko itatakda ng Google Domains kapag nag-set up ka na pagpasa sa web, pagpasa ng email, o pagsasama sa isang 3rd-party na web host at website developer.

Ang mga synthetic na record na maaari mong gawin at i-edit nang direkta sa tab na DNS ay ang:

  • App Engine - nagdidirekta ng subdomain sa isang app na naka-host sa Google App Engine.
    Tandaan: Hindi na sinusuportahan ang mga synthetic na record ng App Engine. Kung may dati ka nang synthetic na record ng App Engine, hindi ka makakaranas ng anumang pagbabago. Maaari mong i-delete ang iyong synthetic na record ng App Engine, ngunit hindi ka makakagawa ng anumang iba pang pagbabago dito.
    Maaari mo pa ring isama ang iyong domain sa Google App Engine. Tingnan ang: Magsama sa App Engine
  • Dynamic na DNS - idinidirekta ang iyong domain o ang isang subdomain sa isang mapagkukunan na may dynamic na nakatalagang IP address (i-edit sa tab na DNS ).
    Para sa tulong, tingnan ang: Dynamic na DNS
  • G Suite - nagsasama sa G Suite (i-edit sa tab na DNS ).
    Para sa tulong, tingnan ang: Magsama sa G Suite
  • Pagpasa ng subdomain - idinidirekta ang isang subdomain sa isang may pangalang URL (i-edit sa tab na DNS ).
    Para sa tulong, tingnan ang: Pagpasa sa subdomain

Ang mga synthetic na record ng awtomatikong itinatalaga ay ang:

  • Pagpasa ng email - gumagawa ng mga alias sa email na nagpapasa sa isang dati nang email address (i-edit sa tab na Email , tingnan ang Pagpasa ng email)
  • Pagpasa sa web - idinidirekta ang www at ang iyong root domain sa isang may pangalang URL (i-edit sa tab na Website , tingnan ang Pagpasa sa web)
  • Shopify - isinasama ang iyong domain sa isang site na hino-host ng Shopify (i-edit sa tab na Website , tingnan ang Presensya sa web)
  • Squarespace - isinasama ang iyong domain sa isang site na hino-host ng Squarespace (i-edit sa tab na Website , tingnan ang Presensya sa web)
  • Weebly - isinasama ang iyong domain sa isang site na hino-host ng Weebly (i-edit sa tab na Website , tingnan ang Presensya sa web)
  • Wix - isinasama ang iyong domain sa isang site na hino-host ng Wix (i-edit sa tab na Website , tingnan ang Presensya sa web)

Upang magdagdag ng synthetic na record:

  1. Sa tab na DNS , mag-scroll pababa sa Mga synthetic na record
  2. Piliin ang App Engine, G Suite, o uri ng record na Pagpasa ng subdomain.
  3. Maglagay ng mga value para sa mga natitirang field o piliin ang mga feature at subdomain ng G Suite na gusto mo at i-click ang Idagdag.

Gagawin ng Google Domains ang mga hanay ng record ng mapagkukunan at ipapatupad nito ang synthetic na record.

Para sa mga tagubilin sa pagtatakda ng bawat uri ng synthetic na record, tingnan ang:

Maaari mong baguhin o i-delete ang record anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa I-delete o I-edit sa tabi nito sa listahan ng mga synthetic na record.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?