Gamitin ang touchscreen ng Chromebook

Kung may touchscreen ang iyong Chromebook, narito ang ilang pagkilos na puwede mong gawin dito:

  • Mag-click: Mag-tap kung saan mo gustong mag-click.
  • Mag-right click: Pindutin nang matagal ang bahagi kung saan mo gustong mag-right click.
  • Mag-scroll: I-drag ang iyong daliri pataas, pababa, pakanan, o pakaliwa.
  • Pumunta sa isang nakaraang page sa iyong browser: Para bumalik, i-swipe ang iyong daliri mula kaliwa pakanan. Para magpatuloy, mag-swipe mula kanan pakaliwa.
  • Mag-zoom in o mag-zoom out: Pindutin nang matagal ang isang bahagi gamit ang 2 daliri.
    • Para mag-zoom in, paglayuin ang mga ito.
    • Para mag-zoom out, paglapitin ang mga ito.
  • Ipakita ang iyong row ng mga app (shelf): Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
  • Itago ang iyong row ng mga app (shelf): Pindutin nang matagal ang row ng mga app sa ibaba ng screen.
  • Tingnan ang dalawang app sa magkabilang gilid: Kung nakikita mo ang lahat ng iyong nakabukas na window sa screen, mag-drag ng app pakaliwa o pakanan para magamit ito sa tabi ng isa pang app.

Magbukas at magsara ng mga window at tab

  • Magbukas ng bagong window: Sa kanang sulok sa itaas ng window, i-tap ang Higit pa at pagkatapos ay Bagong window.
  • Magbukas ng bagong tab: Sa tabi ng iyong bukas na tab, i-tap ang Bagong Tab .
  • Magsara ng window o tab: Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen para makita ang lahat ng iyong nakabukas na window. Pagkatapos ay mag-swipe pababa sa isang window para isara ito.
  • Muling magbukas ng window o tab na isinara mo: Sa itaas, sa tabi ng tab, mag-tap nang matagal. Piliin ang Magbukas ulit ng isinarang tab.

Tingnan ang dalawang window nang sabay

  1. Mula sa itaas ng screen, mag-swipe pababa para makakita ng overview ng iyong mga window.
  2. Mag-drag ng isa sa mga window na gusto mong gamitin, papunta sa kanan o papunta sa kaliwang bahagi ng screen.
  3. I-tap ang isa pang window na gusto mong gamitin.
  4. Para i-adjust ang laki ng dalawang window, i-drag ang linya sa gitna ng split screen.
  5. Para alisin ang split screen, i-drag ang linya sa gitna ng split screen papunta sa alinmang bahagi. Tip: Sa kanang bahagi sa ibaba, puwede mo ring pindutin nang matagal ang Overview .

Muling mag-ayos, maglipat o mag-pin ng mga tab

Maaari mong pagsamahin ang mga tab na may kaugnayan, o ilipat ang isang tab sa loob o labas ng isang window. Gayundin, kung may webpage na gusto mong palaging nakabukas, tulad ng iyong email, maaari mong padaliin ang paghanap sa tab na iyon sa pamamagitan ng pag-pin dito.

  • Muling ayusin ang mga tab na nasa parehong window: I-drag ang tab sa ibang posisyon sa itaas ng window ng browser.
  • Maglipat ng tab sa bagong window: I-drag ang tab palayo sa window.
  • Maglipat ng tab sa bagong window: Mula sa itaas ng tab, i-drag pababa ang iyong darili para ma-split ang tab sa bagong window. Pagkatapos, mula sa itaas ng bagong window, i-drag ang tab sa window kung saan mo ito gustong idagdag. Kapag binitawan mo ang tab, magme-merge ito sa kasalukuyang window.
  • Maglipat ng tab mula sa isang split screen na window papunta sa isa pa: Kapag nasa split screen, i-drag ang tab palayo sa window at papunta sa kabilang bahagi ng screen. Maaari itong idagdag sa kasalukuyang window ng Chrome, o maging bagong split screen na window.
  • Mag-pin ng tab sa pwesto: I-tap nang matagal ang tab na gusto mong i-pin para makita ang menu. Piliin ang I-pin ang tab. Lumalabas ang mga naka-pin na tab sa kaliwang bahagi ng iyong window ng browser, at mas maliliit ito.

Mag-ayos ng mga problema sa touchscreen

Kung hindi gumagana ang iyong touchscreen, subukan ang mga hakbang na ito. Subukan pagkatapos ng bawat hakbang para makita kung gumagana ang iyong touchscreen.

  1. Punasan ang anumang alikabok o dumi sa iyong touchscreen.
  2. I-reset ang hardware ng iyong Chromebook.
  3. I-reset ang iyong Chromebook sa mga factory setting.

Kung hindi maaayos ng mga hakbang na ito ang problema, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong Chromebook.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12632232054744305955
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false