Hanapin ang may-aring account ng iyong Chromebook

Mayroong mga dagdag na pahintulot ang may-ari ng iyong Chromebook na wala ang iba pang account na nasa Chromebook mo. Ang may-ari lang ang maaaring magbago ng ilang partikular na setting, tulad ng:

  • Time zone
  • Mga pahintulot sa pag-sign in
  • Mga kagustuhan sa Wi-Fi network

Tingnan kung ang iyong account ang may-ari

Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, ang device administrator mo ang may-ari ng iyong Chromebook. Sa ibang sitwasyon, ang unang Google Account na ginamit sa Chromebook ang may-ari.

  1. Mag-sign in sa iyong Chromebook kung hindi mo pa ito nagagawa.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  3. Piliin ang Mga Setting .
  4. Sa "Privacy at seguridad," piliin ang Pamahalaan ang ibang tao.
  5. Kung ang iyong account ang may-ari, puwede mong i-on o i-off ang mga setting na ito. Kung ibang account ang may-ari, makikita mo ang isa sa mga mensaheng ito:
    • "Ang may-ari lang ang puwedeng magbago ng mga setting na ito"
    • "Kinokontrol ng patakaran ng enterprise ang mga setting na ito"

Baguhin ang may-ari

Hindi posibleng ilipat ang mga pahintulot ng may-ari sa isa pang account sa iyong Chromebook.

Para baguhin ang may-ari ng iyong Chromebook:

  1. I-reset ang iyong Chromebook sa mga factory setting. Buburahin ng prosesong ito ang lahat ng data, file, at account sa Chromebook mo.
  2. Muling I-set up ang iyong Chromebook at mag-sign in sa account na gusto mong gawing may-ari.

Tandaan: Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, ang administrator mo ang may-ari. Hindi mo puwedeng i-reset ang iyong Chromebook o baguhin ang may-ari nito.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11632800042889355602
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false