Puwede mong baguhin ang laki ng text, mga larawan, at mga video para sa isang web page o para sa lahat ng web page.
Itakda ang default na Pag-zoom sa Page para sa lahat ng web page
Gamitin ang mga opsyon sa pag-zoom para palakihin o paliitin ang lahat ng nasa web page.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Mga Setting Accessibility.
- Sa tabi ng “Default na pag-zoom,” igalaw ang slider hanggang sa kumportable mo nang nababasa ang preview na text.
- Para mag-zoom in sa mga page na pinipigilan ang pag-zoom, i-on ang I-force enable ang pag-zoom.
Para sa higit pang opsyon sa pag-zoom, alamin kung paano gamitin ang pag-magnify.
Ipakita ang Pag-zoom sa Page sa pangunahing menu
Gamitin ang Pag-zoom sa Page para i-customize ang level ng pag-zoom sa isang partikular na site.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- I-tap ang Higit pa Mga Setting Accessibility.
- I-on ang Ipakita ang opsyon sa pag-zoom sa pangunahing menu.
Gamitin ang Pag-zoom sa Page sa partikular na site
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Pumunta sa anumang web page.
- I-tap ang Higit pa Mag-zoom.
- Gamitin ang slider para mag-zoom in at mag-zoom out sa page.
Tip: Ise-save ang napiling level ng pag-zoom para sa partikular na site na ito at hindi nito maaapektuhan ang iba pang site.