Mag-download ng file

Para mag-save ng file o larawan sa iyong computer o device, i-download ito. Ise-save ang file sa iyong default na lokasyon ng pag-download.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa site kung saan mo gustong i-download ang file.
  3. I-save ang file:
    • Karamihan ng mga file: I-click ang link sa pag-download. Puwede ka ring mag-right click sa file at piliin ang I-save bilang.
    • Mga Larawan: Mag-right click sa larawan at piliin ang I-save ang Larawan Bilang.
    • Mga Video:Itapat ang cursor sa video. I-click ang I-download . Kung hindi mo ito magawa, pinigilan ng may-ari ng video o nagho-host na site ang mga pag-download.
    • Mga PDF:Mag-right click sa file at piliin ang I-save ang Link Bilang.
      • Kapag ginamit mo ang Chrome PDF viewer para mag-access ng mga PDF, awtomatikong iko-convert ang mga na-scan na PDF ng mga pisikal na dokumento para maging searchable at selectable ang mga ito gamit ang Optical Character Recognition (OCR). Pagkatapos ng pag-convert, puwede kang mag-highlight, maghanap, kumopya, mag-paste, at maghanap ng text sa dokumento. Matatapos ang pag-convert sa iyong device nang hindi nagpapadala ng anumang data sa Google o mga third party.
    • Mga web page: Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Higit pang Tool at pagkatapos I-save ang Page Bilang.
  4. Kapag tinanong, piliin kung saan mo gustong i-save ang file, pagkatapos ay i-click ang I-save.
    • Mga nae-execute na file (.exe, .dll, .bat): Kung pinagkakatiwalaan mo ang file, i-click ang I-save. Kung hindi ka sigurado tungkol sa mga content ng download, i-click ang I-discard.
  5. Kapag nagsimula ka ng pag-download, may lalabas na icon ng Kasalukuyang nagda-download sa kanang bahagi sa itaas sa tabi ng address bar. Kapag natapos na ang pag-download, bubukas ang tray ng Download .
  6. Para buksan ang iyong file, i-click ang Magbukas ng bago .
    • Puwede mo ring i-click ang file para buksan ito.
Mga Tip:
  • Para magpakita ng mga karagdagang pagkilos gaya ng Ipakita sa Folder , itapat ang cursor sa filename.
  • Kung magda-download ka ng file, o kung nag-download ka kamakailan ng file, lalabas ang tray ng Download . Lalabas ang mga kamakailang na-download na file sa kanan ng address bar.
  • Para tingnan ang lahat ng download kung wala ang tray ng Download sa kanan ng address bar, i-click ang Higit pa at pagkatapos Mga Download.
  • Puwede kang mag-drag ng na-download na file sa ibang folder, program, o website. Para maglipat ng na-download na file, sa tray ng Download , i-click ang file at i-drag ito papunta sa target na lokasyon.
  • Kung may ilang page ang na-scan na PDF, posibleng matagalan ang pag-convert gamit ang OCR. Kapag nag-load ang PDF, makakatanggap ka ng notification na “Ine-extract ang text mula sa PDF…”

Matutunan kung paano mag-ayos ng mga error sa pag-download ng file.

Baguhin ang iyong mga default na mga pahintulot sa pag-download
Puwede mong piliing payagan ang mga site na binibisita mo na sabay-sabay na i-download ang mga kaugnay na file.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-click ang Privacy at seguridad at pagkatapos Mga Setting ng Site.
  4. I-click ang Mga karagdagang pahintulot at pagkatapos Mga awtomatikong pag-download.
  5. Piliin ang opsyong gusto mo bilang iyong default na setting.
Mag-pause o magkansela ng pag-download
  1. Sa kanang bahagi sa itaas, hanapin ang dina-download na file na ipo-pause o kakanselahin.
  2. Itapat ang cursor sa filename.
  3. I-click ang I-pause , Ipagpatuloy , o Kanselahin.
Makakita ng listahan ng mga file na na-download mo
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Download.
    • Para magbukas ng file, i-click ang pangalan nito. Magbubukas ito sa default na application ng iyong computer para sa uri ng file.
    • Para mag-alis ng download sa iyong history, sa kanan ng file, i-click ang Alisin Alisin. Maaalis ang file sa page mo na Mga Download sa Chrome, hindi sa iyong computer.
Baguhin ang mga default na pahintulot sa pag-download ng PDF
Puwede mong piliin kung mada-download o mabubuksan ang mga PDF sa Chrome kapag pumunta ka sa isang site.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-click ang Privacy at seguridad at pagkatapos Mga Setting ng Site.
  4. I-click ang Mga karagdagang setting ng content at pagkatapos Mga PDF na dokumento.
  5. Piliin ang opsyong gusto mo bilang iyong default na setting.
Mag-download ng na-edit na PDF

Puwede kang mag-edit ng PDF online at pagkatapos ay i-save ang na-edit na bersyon sa iyong computer.

  1. Pumunta sa isang online na PDF form.
  2. Mag-type sa PDF form.
  3. Piliin ang I-download at pagkatapos Na-edit.
    • Kapag ginamit mo ang Chrome PDF viewer para mag-access ng mga PDF, awtomatikong iko-convert ang mga na-scan na PDF ng mga pisikal na dokumento para maging searchable at selectable ang mga ito gamit ang Optical Character Recognition (OCR). Pagkatapos ng pag-convert, puwede kang mag-highlight, maghanap, kumopya, mag-paste, at maghanap ng text sa dokumento. Matatapos ang pag-convert sa iyong device nang hindi nagpapadala ng anumang data sa Google o mga third party.

Tip: Puwede mong buksan ang iyong na-save na na-edit na PDF at ipagpatuloy ang pag-edit.

Baguhin ang mga lokasyon ng pag-download

Puwede kang pumili ng lokasyon sa iyong computer kung saan dapat ma-save bilang default ang mga pag-download o pumili ng partikular na destinasyon para sa bawat pag-download.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Mga Download.
  3. I-adjust ang iyong mga setting ng pag-download:
    • Para baguhin ang default na lokasyon ng pag-download, i-click ang Baguhin at piliin kung saan ise-save ang iyong mga file.
    • Kung mas gusto mo namang pumili ng partikular na lokasyon para sa bawat pag-download, i-on ang Magtanong kung saan ise-save ang bawat file bago i-download.
Mga default na lokasyon ng pag-download

Kung hindi mo binago ang iyong default na lokasyon ng pag-download, ida-download ng Google Chrome ang mga file sa mga sumusunod na lokasyon:

  • Windows 10 at mas bago: \Users\<username>\Downloads
  • Mac: /Users/<username>/Downloads
  • Linux: /home/<username>/Downloads

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
17920436887345571310
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false