Puwede mong i-download at i-install ang Chrome web browser nang libre, at gamitin ito para mag-browse sa web.
Paano i-install ang Chrome
Mahalaga: Bago ka mag-download, puwede mong tingnan kung sinusuportahan ng Chrome ang iyong operating system at iba pang requirement sa system.
Windows- Sa iyong computer, i-download ang file sa pag-install.
- Para i-install ang file, sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Kung makikita mo ang mensaheng "Gusto mo bang payagan ang app na itong gumawa ng mga pagbabago sa iyong device," piliin ang Oo.
- Buksan ang Chrome.
- Windows 10 at mas bago: Kapag nakumpleto na ang pag-install, bubukas ang window ng Chrome. Puwede mong gawing Chrome ang iyong default browser.
Tip: Kung gumamit ka ng ibang browser, tulad ng Firefox, puwede mong i-import sa Chrome ang iyong mga setting.
I-install ang Chrome offline
Kung nagkakaproblema ka kapag nagda-download ka ng Chrome sa iyong Windows computer, gamitin ang alternatibong link para i-download ang Chrome sa ibang computer.
- Sa iyong computer, mag-download ng installer ng Chromepara sa ibang computer.
- Sa ibaba ng page, sa ilalim ng “Pamilya ng Chrome,” piliin ang Iba pang Platform.
- Piliin ang OS ng device kung saan mo gustong i-install ang Chrome.
- I-download ang file.
- Ilipat ang file sa computer kung saan mo gustong i-install ang Chrome.
- Para i-install, sundin ang mga tagubilin sa screen.
Para magamit ang Chrome sa Mac, kailangan mo ng macOS Big Sur 11 at mas bago.
- Sa iyong computer, i-download ang file sa pag-install.
- Buksan ang file na may pangalang "googlechrome.dmg."
- Sa bubukas na window, makikita mo ang Chrome.
- I-drag ang Chrome sa folder na Applications.
- Posibleng kailangan mong ilagay ang password ng admin.
- Kung hindi mo alam ang password ng admin, i-drag ang Chrome sa isang lugar sa iyong computer kung saan puwede kang gumawa ng mga pag-edit, tulad ng desktop mo.
Tip: Para maglinis pagkatapos ng pag-install, sa sidebar ng Finder, sa kanan ng Chrome, piliin ang Eject .
Para i-install ang Chrome, gamitin ang parehong software na nag-i-install ng mga program sa iyong computer. Kailangan mong ilagay ang password ng administrator account.
- Sa iyong computer, i-download ang file sa pag-install.
- Para buksan ang package, piliin ang OK
Install Package.
Para masigurong up-to-date ang Chrome, idaragdag ito sa iyong software manager.
Mga requirement sa system para magamit ang Chrome
Windows- Para magamit ang Chrome sa Windows na may Intel processor, kailangan mo ng:
- Windows 10 at mas bago
- Intel Pentium 4 processor o mas bago na SSE3 capable
- Para magamit ang Chrome sa Windows na may ARM processor, kailangan mo ng:
- Windows 11 at mas bago
Para magamit ang Chrome sa Mac, kailangan mo ng macOS Big Sur 11 at mas bago.
Para magamit ang Chrome sa Linux, kailangan mo ng:
- 64-bit Ubuntu 18.04+, Debian 10+, openSUSE 15.5+, o Fedora Linux 39+.
- Intel Pentium 4 processor o mas bago na SSE3 capable.