I-download at i-install ang Google Chrome

Puwede mong i-download at i-install ang Chrome web browser nang libre, at gamitin ito para mag-browse sa web.

Paano i-install ang Chrome

Mahalaga: Bago ka mag-download, puwede mong tingnan kung sinusuportahan ng Chrome ang iyong operating system at iba pang requirement sa system.

Windows
  1. Sa iyong computer, i-download ang file sa pag-install.
  2. Para i-install ang file, sundin ang mga tagubilin sa screen.
    • Kung makikita mo ang mensaheng "Gusto mo bang payagan ang app na itong gumawa ng mga pagbabago sa iyong device," piliin ang Oo.
  3. Buksan ang Chrome.

Tip: Kung gumamit ka ng ibang browser, tulad ng Firefox, puwede mong i-import sa Chrome ang iyong mga setting.

I-install ang Chrome offline

Kung nagkakaproblema ka kapag nagda-download ka ng Chrome sa iyong Windows computer, gamitin ang alternatibong link para i-download ang Chrome sa ibang computer.

  1. Sa iyong computer, mag-download ng installer ng Chromepara sa ibang computer.
  2. Sa ibaba ng page, sa ilalim ng “Pamilya ng Chrome,” piliin ang Iba pang Platform.
  3. Piliin ang OS ng device kung saan mo gustong i-install ang Chrome.
  4. I-download ang file.
  5. Ilipat ang file sa computer kung saan mo gustong i-install ang Chrome.
  6. Para i-install, sundin ang mga tagubilin sa screen.
Mac

Para magamit ang Chrome sa Mac, kailangan mo ng macOS Big Sur 11 at mas bago.

  1. Sa iyong computer, i-download ang file sa pag-install.
  2. Buksan ang file na may pangalang "googlechrome.dmg."
    • Sa bubukas na window, makikita mo ang Chrome.
  3. I-drag ang Chrome sa folder na Applications.
    • Posibleng kailangan mong ilagay ang password ng admin.
    • Kung hindi mo alam ang password ng admin, i-drag ang Chrome sa isang lugar sa iyong computer kung saan puwede kang gumawa ng mga pag-edit, tulad ng desktop mo.

Tip: Para maglinis pagkatapos ng pag-install, sa sidebar ng Finder, sa kanan ng Chrome, piliin ang Eject I-eject.

Linux

Para i-install ang Chrome, gamitin ang parehong software na nag-i-install ng mga program sa iyong computer. Kailangan mong ilagay ang password ng administrator account.

  1. Sa iyong computer, i-download ang file sa pag-install.
  2. Para buksan ang package, piliin ang OK at pagkatapos Install Package.

Para masigurong up-to-date ang Chrome, idaragdag ito sa iyong software manager.

Chromebook
Naka-preinstall ang Chrome sa lahat ng bagong Chromebooks. Alamin kung paano i-set up ang iyong Chromebook.

Mga requirement sa system para magamit ang Chrome

Windows
  • Para magamit ang Chrome sa Windows na may Intel processor, kailangan mo ng:
    • Windows 10 at mas bago
    • Intel Pentium 4 processor o mas bago na SSE3 capable
  • Para magamit ang Chrome sa Windows na may ARM processor, kailangan mo ng:
    • Windows 11 at mas bago
Mac

Para magamit ang Chrome sa Mac, kailangan mo ng macOS Big Sur 11 at mas bago.

Linux

Para magamit ang Chrome sa Linux, kailangan mo ng:

  • 64-bit Ubuntu 18.04+, Debian 10+, openSUSE 15.5+, o Fedora Linux 39+.
  • Intel Pentium 4 processor o mas bago na SSE3 capable.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9808118817828189337
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false