Baguhin ang mga wika sa Chrome at magsalin ng mga webpage

Magagawa mong baguhin ang ginagamit na wika sa Chrome at magpasalin ng mga webpage sa Chrome.

Magsalin ng mga webpage sa Chrome

Sa tuwing may nakikita kang page na nakasulat sa wikang hindi mo naiintindihan, maaari mong gamitin ang Chrome upang isalin ang page:

  1. Gamitin ang Chrome upang buksan ang webpage.
  2. Isalin ang page:
    • Computer: I-click ang Isalin sa itaas ng page.
    • Mobile device: I-click ang Isalin sa ibaba ng page.
  3. Isasalin ng Chrome ang webpage sa pagkakataong ito lang. 

Hindi ito gumagana? Maaari mong subukang i-refresh ang webpage. Kung hindi mo ma-click ang Isalin, maaaring hindi available ang wika sa pagsasalin. Alamin at itakda kung aling mga wika ang isasalin sa Chrome.

Baguhin ang mga setting ng pagsasalin ng wika sa Chrome

Makokontrol mo kung lalabas ang opsyong isalin sa ilang partikular na site at wika sa dalawang lugar: sa kahon ng pagsasalin at mga setting ng Chrome.

I-edit ang iyong mga setting ng pagsasalin mula sa isang webpage
  1. Magbukas ng isang page na nakasulat sa ibang wika.
  2. Isalin ang page:
    • Computer: I-click ang Mga Opsyon sa lalabas na kahon.
    • Mobile device: I-click ang Hindi sa ibaba ng page.
  3. Piliin ang iyong mga kagustuhan sa wika:
    • Piliin ang Huwag kailanman isalin ang [language] kung ayaw mong makita ang opsyong isalin para sa wikang iyong tinitingnan.
    • Piliin ang Huwag kailanman isalin ang site na ito kung ayaw mo lang makita ang opsyong isalin para sa site na iyong binibisita.
    • Piliin ang Isalin sa lahat ng pagkakataon upang awtomatikong isalin ang mga page na nakasulat sa wikang iyon.
I-edit ang iyong mga setting ng pagsasalin mula sa iyong computer o mobile device

Computer:

  1. Buksan ang Chrome sa iyong computer.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Menu Chrome menu.
  3. I-click ang Mga Setting > Ipakita ang mga advanced na setting.
  4. Sa seksyong "Mga Wika," lagyan o alisan ng check ang kahon sa tabi ng Mag-alok na magsalin ng mga page na hindi nakasulat sa isang wikang nababasa mo.
  5. Opsyonal: Upang baguhin kung aling mga wika ang gusto mong isalin, i-click ang Mga setting ng wika at input.

Android phone o tablet:

  1. Buksan ang Chrome app Chrome logo.
  2. I-tap ang Menu .
  3. I-tap ang Mga Setting > Mga setting ng site > Wika.
  4. Lagyan ng check o i-uncheck ang "Google Translate" upang i-on o i-off ang pagsasalin ng page. 
  5. Kapag tapos na, pindutin ang Bumalik 

iPhone or iPad:

  1. Buksan ang Chrome app Chrome logo.
  2. I-tap ang Menu .
  3. I-tap ang Mga Setting > Mga Setting ng Content > Google Translate.
  4. I-tap ang slider upang i-on o i-off ang pagsasalin ng page , 
  5. I-tap ang Tapos na.
Manood ng video tungkol sa pagsasalin sa Chrome (1:06)

Baguhin ang mga setting ng wika sa Chrome browser

Baguhin ang mga wika sa Chrome sa iyong computer

Ginagamit ang wika sa interface ng browser para sa mga menu at prompt sa browser. Nakabatay ito sa wikang pinili mo noong una mong na-download ang Google Chrome, o sa wika ng iyong telepono o tablet. Upang mabago ang setting na ito sa iyong computer:

  1. Buksan ang Chrome sa iyong computer.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Menu Chrome menu.
  3. I-click ang Mga Setting > Ipakita ang mga advanced na setting.
  4. Sa seksyong "Mga Wika," i-click ang Mga setting ng wika at input.
  5. Piliin ang wikang gusto mong gamitin mula sa listahan. Kung hindi nakalista ang wika, idagdag muna ito bilang isa sa iyong mga gustong wika sa webpage sa pamamagitan ng pagki-click sa Magdagdag.
  6. Sa kanang panel, i-click ang Ipakita ang Google Chrome sa wikang ito.
  7. Ganap na isara at muling buksan ang browser upang mailapat ang mga pagbabago.

Idagdag lang ang mga wikang kailangan mo, dahil maaaring gumamit ang mga mapanirang website ng magkakamukhang character mula sa iba't ibang wika upang malinlang ka tungkol sa binibisita mong address sa web. 

Sumulat sa iba't ibang wika sa Chrome

Kung kailangan mong mag-type sa wikang hindi sinusuportahan ng iyong computer, maaaring makatulong ang extension ng Chrome na Mga Input Tool ng Google.

Kung Windows ang ginagamit mo, maaaring kailanganin mong i-configure ang iyong mga setting ng wika sa Windows upang makapagdagdag ka ng mga wikang East Asian o ng mga wikang gumagamit ng mga kumplikadong script.