Para magamit ang Chrome sa iyong kotse, kailangan mo ang mga sumusunod:
- I-download ang Chrome mula sa Play Store. Alamin kung paano i-download at i-install ang Chrome.
- Isang kamakailang bersyon ng Google Chrome. Alamin kung paano i-update ang iyong Google Chrome browser.
- Isang compatible na kotseng may Built-in na Google, available sa simula para sa Volvo at Polestar. Matuto pa tungkol sa kung paano gamitin ang mga app at serbisyo ng Google na naka-built in sa iyong kotse.
Mag-sign in at mag-sync sa Chrome
Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account, puwede mong makuha ang iyong impormasyon sa lahat ng device mo at magamit ang mga karagdagang feature ng Chrome.
Dapat kang gumamit ng lock ng profile kapag nag-sign in ka, nag-on ng pag-sync, o gumamit ng autofill. Sa tulong ng lock ng profile, mapoprotektahan mo ang iyong personal na data na nasa kotse.
Mahalaga:
- Isang Google Account para sa bawat profile lang ang pinapayagan ng Chrome sa iyong kotseng may Built-in na Google. Para lumipat ng account, puwede kang mag-sign out at pagkatapos ay mag-sign in ulit sa iyong device.
- Kung aalisin mo ang iyong lock ng profile, puwedeng maalis sa device ang naka-sync na data mo.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting I-on ang pag-sync.
- Piliin ang account na gusto mong gamitin.
- I-tap ang Oo, payag ako.
- Para i-set up ang iyong lock ng profile, i-tap ang Gumawa ng lock ng profile ng kotse.
- Sundin ang mga prompt mula sa manufacturer ng iyong sasakyan. Puwede mong piliin ang alinman sa sumusunod:
- Gumamit ng pattern code
- Gumamit ng PIN code
- Gumamit ng password
Tip: Mahahanap mo ang iyong lock ng profile sa mga setting ng device mo. Para alisin, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong sasakyan. Matuto pa kung paano mag-set up ng lock sa iyong Android device.
Mag-sign out at i-off ang pag-sync- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting.
- I-tap ang iyong pangalan.
- I-tap ang Mag-sign out at i-off ang pag-sync.
- Kapag na-off mo ang pag-sync at nag-sign out ka, masa-sign out ka rin sa iba pang serbisyo ng Google, gaya ng Gmail.
- Makakapag-sign in ka ulit nang hindi kinakailangang i-on ang pag-sync.
Para mag-delete ng naka-sync na impormasyon sa iyong Google Account:
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Pumunta sa chrome.google.com/sync.
- Mag-scroll papunta sa I-clear ang Data at i-tap ito.
Mag-save at mag-autofill ng mga address, pagbabayad, o password
Puwede mong hayaang awtomatikong punan ng Chrome ang mga form gamit ang naka-save na impormasyon, tulad ng iyong mga address o impormasyon sa pagbabayad. Bukod pa rito, kapag naglagay ka ng impormasyon sa bagong form online, posible kang tanungin ng Chrome kung gusto mo itong i-save sa iyong Google Account. Matuto pa kung paano awtomatikong punan ang mga form sa Chrome.
Puwede mo ring ipa-save sa Chrome ang iyong mga password para sa iba't ibang site. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga password sa Chrome.
Mahalaga:
- Para mag-sync ng mga address, pagbabayad, o password, kailangan mong:
- Mag-log in gamit ang isang Google Account
- Gumawa ng lock ng profile
- Para makuha ang mga naka-save na address, pagbabayad, o password, dapat i-enable mo ang pag-sync.
- Kung aalisin mo ang iyong lock ng profile, puwedeng maalis sa device ang naka-sync na data mo.
- Para mag-save ng mga password o pagbabayad sa device na gamit mo, dapat kang magtakda ng lock ng profile.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting.
- Pumili sa mga sumusunod:
- Password Manager
- Mga paraan ng pagbabayad
- Mga address at higit pa
- Pumili sa mga sumusunod:
Tip: Para mahanap o mag-autofill ng naka-save na impormasyon, posibleng hilingin sa iyong mag-authenticate ulit o gamitin ang iyong lock ng profile.