I-customize ang iyong experience sa pagbabasa sa Chrome gamit ang Reading mode. Ang feature na ito ay madaling nahahanap sa Panel sa gilid at nakakatulong sa iyong:
- Mas madaling tumuon sa text
- Bawasan ang mga abala mula sa mga larawan at video sa screen
- Pumili ng alternatibong typeface at laki ng font
- I-adjust ang spacing ng titik at pangungusap
- Pumili ng kulay ng background
Mahalaga: Naa-apply lang ang mga setting na ito sa text na gusto mong basahin sa panel sa gilid. Hindi maa-apply ang mga ito sa anumang iba pang content sa Chrome o sa karamihan ng mga website.
Pamahalaan ang Reading mode
Kapag ginamit mo ang Reading mode sa Panel sa gilid, maa-adjust mo ang mga setting ng font para sa mas madaling pagbabasa.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa website na may text na gusto mong basahin.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Higit pang tool
Reading mode.
- Sa "Reading mode," gamitin ang toolbar para:
- I-adjust ang font: Piliin ang Font
.
- I-adjust ang laki ng font: Para palakihin o paliitin ang font, piliin ang Laki ng font
.
- Palitan ang kulay ng background ng Reading mode: Piliin ang Tema ng kulay
.
- Baguhin ang spacing sa pagitan ng mga pangungusap: Piliin ang Espasyo sa pagitan ng mga linya
.
- Baguhin ang spacing sa pagitan ng mga titik: Piliin ang Spacing ng titik
.
- I-adjust ang font: Piliin ang Font
Tip: Para i-pin ang Reading mode, sa kanang bahagi sa itaas ng panel sa gilid, piliin ang I-pin sa toolbar .