Sa Google Chat, puwede mong markahang hindi pa nababasa ang mga pag-uusap para mabalikan ang mga ito sa ibang pagkakataon. Puwede mo ring markahang nabasa na ang isang pag-uusap nang hindi ito binubuksan.
Kapag minarkahan mong hindi pa nababasa ang isang pag-uusap, may lalabas na tuldok sa tabi nito sa iyong listahan ng pag-uusap.
Gawing nabasa na o hindi pa nababasa ang isang pag-uusap
-
Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chat app o Gmail app .
-
Sa Gmail: Sa ibaba, i-tap ang Chat .
-
- Sa iyong listahan ng pag-uusap, i-tap at i-hold ang pag-uusap.
- I-tap ang Markahang nabasa na o Markahang hindi pa nababasa.
Mga Tip: Kabilang ang mga sumusunod sa iba pang paraan para markahang nabasa na o hindi pa nababasa ang isang pag-uusap:
- Sa itaas ng DM o space, i-tap ang pangalan ng pag-uusap Markahang nabasa na o Markahang hindi pa nababasa.
- Para sa mga indibidwal na mensahe sa isang pag-uusap, i-tap at i-hold ang mensahe Markahang hindi pa nababasa. Nagdaragdag ito ng linyang “Hindi pa nababasa” sa itaas ng mensahe sa pag-uusap.
Hanapin ang iyong mga hindi pa nababasang pag-uusap
-
Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chat app o Gmail app .
-
Sa Gmail: Sa ibaba, i-tap ang Chat .
-
- Sa menu ng pag-navigate sa ibaba, i-tap ang Home .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Hindi pa nababasa.