Matuto kung paano gamitin ang Google Chat

Sa Google Chat, magagawa mong magtanong ng maiikling tanong, magpadala ng mga direktang mensahe (DM), makipag-collaborate sa mga panggrupong chat, gumawa ng mga virtual na space para sa mga proyekto ng team, at higit pa.

Sa artikulong ito

Matuto tungkol sa mga pagpapahusay sa Google Chat

Dating experience sa Chat

Kasalukuyang experience sa Chat

Sa Gmail, hinati sa mga tab na “Chat” at “Mga Space” ang mga DM at space. Sa Gmail, kasama sa tab na “Chat” ang mga DM at space. Hindi na available ang tab na “Space” sa Gmail.
Walang shortcut para maghanap ng mga kamakailang pag-uusap, mensahe na nag-mention sa iyo, o mga mensaheng naka-star sa isang lugar. Gamitin ang mga bagong shortcut na ito sa Chat para makita nang mas mabilis ang kailangan mo: Home, Mga Pag-mention, at Naka-star.
Sa mobile, puwede kang mag-navigate sa pagitan ng “Chat” at “Spaces.” Sa mobile, may lalabas na navigation bar sa ibaba kapag nagpunta ka sa tab na “Chat.” Puwede kang magpalipat-lipat sa pagitan ng home, mga DM, mga space, mga pag-mention, at naka-star, o magsimula ng bagong chat.
May iba't ibang paraan para magsimula ng bagong chat sa Chat at Chat sa Gmail. Magsimula ng pag-uusap o space gamit ang button na Bagong chat.

Mag-navigate sa Chat

Sa pangunahing menu, magagawa mong:

  • Magsimula ng bagong chat, na puwedeng DM sa isa o higit pang tao o isang space para mag-collaborate sa mga proyekto.
  • Makahabol sa iyong mga pag-uusap gamit ang iba't ibang shortcut.
  • Mahanap ang lahat ng iyong DM at space.

Isang larawan ng Home sa Chat, kung saan makikita mo ang lahat ng iyong pag-uusap sa isang lugar

Sa ibaba ng Chat app  (o kapag binuksan mo ang Chat  mula sa ibaba ng Gmail app ), i-tap ang menu ng pag-navigate sa ibaba para magpalipat-lipat sa:

Home  Hanapin ang lahat ng iyong pag-uusap at magpalipag-lipat sa pagitan ng lahat o hindi pa nababasang pag-uusap.
Mga direktang mensahe 

Mahanap ang lahat ng DM sa pagitan mo at ng ibang tao. Puwede kang magpadala ng DM sa isa o higit pang tao.

Spaces  Hanapin ang lahat ng space na ginawa o sinalihan mo. 

Mga Pag-mention 

Hanapin ang lahat ng mensahe kung saan may nag-mention sa iyo.
Bagong chat  Magsimula ng bagong pag-uusap.

Gumawa ng DM o space

Kapag na-tap mo ang Bagong chat , puwede kang magdagdag ng isa o higit pang tao para magsimula ng DM, o pumili ng iba pang opsyon sa menu:

Gumawa ng space

Gumawa ng nakatuong pag-uusap tungkol sa isang paksa, proyekto, o magkaparehong interes. Puwede mong bigyan ng natatanging pangalan at avatar ang iyong space.

Mag-browse ng mga space

Maghanap ng mga space na ginawa ng iyong organisasyon. Kung gumagamit ka ng Chat para sa trabaho, paaralan, o ibang organisasyon, makakapaghanap ka ng mga space na ginawa ng ibang tao sa iyong organisasyon.

Maghanap ng mga app

Maghanap ng mga Chat app na makakatulong na i-automate ang ginagawa mo.

Mga request para makapagmensahe

Hanapin ang mga nakabinbing request para makapagmensahe mula sa mga tao sa labas ng iyong organisasyon. Kung ginagamit mo ang Chat para sa trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, posibleng mga tao rin ito na nasa labas ng iyong organisasyon.

Magpadala ng at sumagot sa mga mensahe

Kapag magpapadala ka ng o sasagot ka sa isang mensahe, gamitin ang lugar para sa sagot sa Chat. Maraming paraan para sumagot sa mga mensahe sa Chat.

Isang larawan ng DM sa Chat, na nagpapakita ng pangkalahatang lugar ng pagsagot at pag-uusap

Kapag sumagot ka, magagawa mong:

Magpadala ng mensahe

Ipadala ang mensaheng isinulat mo.

Magbahagi ng mga file at higit pa 

Maghanap ng mga opsyon para magbahagi ng mga file sa Google Drive, mag-set up ng imbitasyon sa Calendar, at higit pa.

Magsimula ng meeting Magsimula kaagad ng video call sa ibang tao gamit ang Google Meet.
Magbahagi ng larawan  Pumili ng larawang ipapadala.
Kumuha ng larawan  Kumuha ng larawang ipapadala.
Magbahagi ng GIF

Mag-react gamit ang isang animated na GIF.

Magdagdag ng video meeting

Magdagdag ng link sa Google Meet sa isang video meeting.

Mag-iskedyul ng meeting Magdagdag ng event Magdagdag ng imbitasyon sa Google Calendar.
Magdagdag ng file sa Drive  Magdagdag ng file sa Google Drive.
Mag-format ng mga mensahe

Mag-bold o mag-italicize ng text, gumamit ng mga bullet point, o magdagdag ng kulay.

Mag-edit ng mga mensahe I-edit

Mag-edit ng naipadala nang mensahe.

Mag-delete ng mga mensahe I-delete

Mag-delete ng naipadala nang mensahe.

Mag-react sa mga mensahe

Magdagdag ng emoji.

Mag-quote ng mensahe

Para direktang sumagot, mag-quote ng naunang mensahe sa Chat.

Magsimula ng thread Sa isang space na may inline na pag-thread, gumawa ng bagong thread batay sa isang mensahe.

Maghanap ng mga mensahe

Para mahanap ang mga mensahe, gamitin ang search bar sa itaas ng Chat. Kapag naghanap ka, puwede kang mag-filter ayon sa mga mensahe:

  • Ipinadala mula sa mga partikular na tao
  • Ipinadala sa isang partikular na pag-uusap o space
  • May mga kasamang dokumento, spreadsheet, slide, at higit pa
  • Ipinadala sa panahon ng isang partikular na hanay ng petsa
  • May mga kasamang link
  • Nag-mention sa iyo
  • Mula sa mga pag-uusap na miyembro ka

Puwede mo ring pagbukud-bukurin ang iyong mga mensahe ayon sa: pinakabago o kaugnayan sa iyong mga pamantayan sa paghahanap.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5441664907422670987
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false