Pamahalaan ang iyong mga event mula sa Gmail

Puwede mong pamahalaan sa Google Calendar ang mga event mula sa Gmail para sa:

  • Mga reservation sa flight, train, at bus
  • Mga reservation sa hotel at restaurant
  • Mga event na may ticket gaya ng mga pelikula at concert

Para hindi na makita ang isang event na ginawa ng Gmail sa Calendar, o para mapalitan ang default na visibility nito, puwede mong baguhin ang iyong mga setting ng Calendar o puwede kang mag-delete ng iisang event.

Para ihinto ang lahat ng event na ginawa ng Gmail sa Calendar, sa mga setting ng Gmail, i-off ang Mga setting na mga smart na feature at pag-personalize.

Matuto pa tungkol sa mga kontrol sa mga smart na feature at pag-personalize.

Mahalaga: Hindi available ang Mga Event mula sa Gmail para sa:

  • Mga pampamahalaang account
  • Mga Google Account na may mga paghihigpit sa lokasyon ng data
  • Mga Google Account na walang Gmail

Makakita at mag-update ng mga event

Makita ang mga detalye ng event

Kapag binuksan mo ang iyong event sa Google Calendar sa isang browser o sa Google Calendar app, makakakita ka ng impormasyon tulad ng lokasyon ng event mo o numero ng kumpirmasyon ng iyong flight. Makakakita ka rin ng link papunta sa email kung saan ginawa ang event.

Kung isi-sync mo ang iyong mga event sa isang app o program sa computer na iba pa sa Google Calendar, makikita mo pa rin ang iyong mga event mula sa Gmail, pero hindi mo makikita ang ilang detalye ng event.

Mga update sa iyong event

Pagkatapos na maidagdag ang iyong event sa kalendaryo mo, patuloy itong maa-update ng bagong impormasyon. Halimbawa, kung makakakuha ka ng kumpirmasyon sa email na binago mo ang oras ng iyong reservation para sa hapunan, magbabago rin ang oras sa event sa kalendaryo.

Tip: Sa iyong kalendaryo lang makikita ang anumang pagbabagong gagawin mo.

Mga Notification

Makakatanggap ka ng mga notification para sa mga event mula sa Gmail batay sa iyong mga default na setting ng notification. Maaari mong baguhin ang mga setting ng notification para sa indibidwal na event, o baguhin ang iyong default na mga setting. Matuto pa tungkol sa mga notification.

Mga notification ng flight

Kung na-on mo ang mga personal na resulta para sa iyong Assistant-enabled na device, posibleng makatanggap ka ng notification na "Oras na para umalis." Ipinapalaam nito sa iyo kapag kailangan mo nang umalis para makarating sa airport sa tamang oras. Matuto pa tungkol sa mga setting ng personal na resulta para sa mga Assistant-enabled na device.

Mag-alis ng mga event sa Gmail

Puwede kang mag-delete ng iisang event mula sa iyong kalendaryo o mag-off ng mga event na awtomatikong ginawa ng Gmail.

Mag-delete ng iisang event
  1. Buksan ang Google Calendar Calendar.
  2. I-click ang event.
  3. I-click ang I-delete I-delete .
Huwag ipakita ang mga event na ginawa sa Gmail

Kapag na-off mo ang setting na ipakita ang mga event mula sa Gmail, itatago sa iyong kalendaryo ang lahat ng event na ginawa ng Gmail. Kung io-on mo ulit ang setting na ito, ipapakita ulit ang lahat ng event na ginawa ng Gmail.

  1. Buksan ang Google Calendar Calendar.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ayMga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Mga Event mula sa Gmail," i-uncheck ang kahon sa tabi ng "Ipakita sa aking kalendaryo ang mga event na awtomatikong ginawa ng Gmail."
  4. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save.

Tip: Para hindi na gumawa ang Gmail ng mga event, sa iyong mga setting ng Gmail, i-off ang Mga smart na feature at pag-personalize.

Sino ang makakakita sa iyong mga event

Bilang default, ikaw lang ang makakakita sa mga event na naidagdag mula sa Gmail – kahit na ibinahagi mo ang iyong kalendaryo sa ibang tao. Kabilang dito ang mga pinaglaanan na may access na "Gumawa ng mga pagbabago AT pamahalaan ang pagbabahagi" sa iyong kalendaryo, at mga katrabaho o kasamahan mong karaniwang nakakakita sa iyong mga event. Kung ibabahagi mo ang iyong kalendaryo, makakakita ka ng mga opsyon na baguhin kung sino ang makakakita sa iyong mga event mula sa Gmail bilang default, o sa iisang event.

Tandaan: Makikita ng sinumang may device na naka-log in sa iyong Google Account ang mga event mo sa kalendaryo, kabilang ang mga event mula sa Gmail.

Baguhin ang default na visibility

Mahalaga: Magkakaroon ka lang ng ganitong opsyon kung ibinahagi mo ang iyong kalendaryo sa kahit isang tao lang.

  1. Buksan ang Google Calendar.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa tabi ng "Mga Event mula sa Gmail," pumili ng opsyon sa visibility. Tatanungin ka kung sa mga bagong event lang ilalapat ang bagong setting ng visibility o kung sa parehong mga dati na at bagong event.
  4. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save.
Baguhin ang visibility para sa iisang event.

Mahalaga: Magkakaroon ka lang ng ganitong opsyon kung ibinahagi mo ang iyong kalendaryo sa kahit isang tao lang.

  1. Buksan ang Google Calendar.
  2. Buksan ang event.
  3. Sa tabi ng "Visibility," pumili ng opsyon.
  4. I-click ang I-save.
Mga opsyon sa visibility
  • Pribado – Ang mga tao lang na binigyan mo ng access para gumawa ng mga pagbabago sa iyong kalendaryo ang makakakita sa mga detalye ng event mo. Ang iba pa na makakakita sa iyong kalendaryo pero hindi makakagawa ng mga pagbabago ay makikita lang ang event bilang "Busy."
  • Default ng kalendaryo – Ang sinumang may access para makakuha ng mga detalye para sa mga event sa iyong default na kalendaryo ay makikita ang pangalan at oras para sa event mo mula sa Gmail. Ang mga tao lang na nakakagawa ng mga pagbabago sa iyong mga event ang makakakita sa iba pang detalye mula sa email mo tulad ng mga numero ng kumpirmasyon, status ng flight, o mga numero ng telepono.
    Mahalaga: Kung ibinabahagi mo sa publiko ang iyong kalendaryo, bibigyang-daan din ng pagpili sa opsyong ito na makita ng publiko ang mga event mo mula sa Gmail.
  • Pampubliko – Kung ibinabahagi mo sa publiko ang iyong kalendaryo, makikita ng lahat ng nakakakita sa kalendaryo mo ang iyong event. Available lang ang opsyong ito sa isang indibidwal na event, at hindi bilang default na setting.

Kung hindi ka sigurado kung paano ibinabahagi ang iyong kalendaryo, matuto pa tungkol sa mga setting ng visibility.

Pag-troubleshoot

Hindi lumalabas sa Calendar ang Mga Event mula sa Gmail

May ilang dahilan kung bakit posibleng hindi lumabas sa Calendar ang isang event mula sa Gmail.

Hindi mo direktang natanggap ang email

Hindi lalabas ang mga event kung ang email ay:

  • Ipinadala sa isang mailing list
  • Ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng cc
  • Na-redirect mula sa isa pang email account

Ang email ng kumpirmasyon ay hindi mula sa ilang partikular na uri ng mga negosyo

Idinaragdag lang ang mga event kung ang mga ito ay nasa mga email ng kumpirmasyon mula sa mga negosyong tungkol sa:

  • Mga reservation sa flight, train, at bus
  • Mga reservation sa hotel at restaurant
  • Mga event na may ticket gaya ng mga pelikula at concert

Na-off mo ang mga smart na feature at pag-personalize sa Gmail

Para makuha ang mga event mula sa Gmail, dapat mong gawin ang mga sumusunod:

Mag-ulat ng problema

Kailan dapat magpadala ng feedback

  • Hindi idinagdag ang event mula sa Gmail. Bago mo iulat ang isyu, tiyaking ang natanggap mong email ay mula sa isang negosyong tungkol sa reservation ng flight, hotel o restaurant, o event na may ticket.
  • May mali o kulang na impormasyon ang event.
  • Hindi mo pagmamay-ari ang event. Para malaman kung sa aling email nagmula ang event, buksan ang event at piliin ang Tingnan ang Pinagmulang Email (Google Calendar app) o Buksan ang URL (computer).

Paano magpadala ng feedback

Alamin kung paano mag-ulat ng mga problema sa mga event mula sa Gmail para makapagsabi sa amin ng higit pa tungkol sa problemang nararanasan mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13040926552289770454
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false