Mga patakaran ng Profile ng Negosyo sa third party

Para makatulong sa pagpapanatili ng mga positibong experience kapag gumagamit ang mga negosyo ng mga third party para pamahalaan ang kanilang Profile ng Negosyo sa Google, mayroon kaming mga patakaran sa third party. Mahalagang pamilyar at updated ka sa mga patakaran sa third party ng Google. Kung naniniwala kaming lumalabag ka sa aming mga patakaran, puwede kaming makipag-ugnayan sa iyo para magsagawa ng detalyadong pagsusuri at humiling ng pagkilos para sa pagwawasto. Sa mga sitwasyon kung saan paulit-ulit o malala ang mga paglabag, puwede ka naming pigilang mamahala ng Profile ng Negosyo at puwede kaming makipag-ugnayan sa iyong mga customer para abisuhan sila nang naaayon.

Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa Profile ng Negosyo sa Google.

Mga Kahulugan

Ang "Third party (3P)" ay isang awtorisadong ahensyang namamahala ng impormasyon ng negosyo sa isang Profile ng Negosyo para sa negosyong hindi nila pagmamay-ari. Kasama sa mga halimbawa ang:

  • Isang ahensya ng digital na marketing.
  • Isang third party na kumpanya ng SEO/SEM.
  • Isang provider ng pag-order, pag-iskedyul, o pag-book online.
  • Isang affiliate na provider ng network.

Ang mga "end customer" / "kliyente" ay mga negosyong nakikipagkasundo ayon sa kontrata sa isang third party para pamahalaan ang impormasyon ng kanilang negosyo sa Profile ng Negosyo sa Google.

Mga kinakailangang sa transparency

Para ganap na mapakinabangan ng mga negosyo ang kakayahan nilang mahanap sa Google, kailangan nilang magkaroon ng tamang impormasyon para makabuo ng mahuhusay na pasya. Samakatuwid, inaatasan namin ang lahat ng third party at/o awtorisadong kinatawan na maging transparent sa impormasyong nakakaapekto sa mga pasyang ito. Dagdag pa sa pagtugon sa mga kinakailangang nakabalangkas sa ibaba, dapat ding magsikap ang mga third party sa makatuwirang paraan para magbigay ng iba pang nauugnay na impormasyon sa mga end customer kapag hiniling.

Ipaalam ang lahat ng pagbabago

Siguraduhing maipapaalam sa mga end customer ang lahat ng pagbabago at pag-edit sa profile nila. Ipinagbabawal ang mga pagbabago o pag-disable ng mga feature ng profile nang walang pahintulot ng may-ari ng negosyo. Dapat ding siguraduhin ng mga third party na nauunawaan ng mga end customer kung ano ang Profile ng Negosyo sa Google at kung saan ginagamit ang data ng Profile ng Negosyo nila.

Tanggapin ang mga kahilingan sa pagmamay-ari

Maagap dapat na ipaalam ng mga third party at awtorisadong kinatawan sa mga negosyo ang tungkol sa kanilang mga opsyon sa pagmamay-ari at pamamahala. May karapatan ang mga negosyo na tukuyin kung ang isang partner ay dapat magkaroon ng access ng Co-Owner, Manager, o kung hindi dapat siya magkaroon ng access. Gayundin, dapat laging manatili sa lahat ng end customer ang pagmamay-ari o co-ownership sa Profile ng Negosyo nila.

Pagwawakas ng ugnayan sa end customer

Dapat mabigyan ang iyong end customer ng mabilis at madaling paraan para ihinto ang serbisyo mo. Sa loob ng 7 business days mula nang makatanggap ng abiso mula sa isang end customer, dapat mong bigyan ang kliyenteng iyon ng kakayahang alisin ang Google Account na ginamit sa pamamahala sa kanyang Profile ng Negosyo sa iyong mga serbisyo at magkaroon ulit ng eksklusibong kontrol dito. Kung may pahintulot kang pamahalaan o baguhin ang account ng end customer, dapat mo ring isuko at alisin ang mga pahintulot na iyon nang naaayon. Matuto pa tungkol sa paglipat ng pagmamay-ari.

Mga bayarin sa pamamahala

Kadalasang naniningil ang mga third party ng bayarin sa pamamahala para sa mahahalagang serbisyong ibinibigay nila, at dapat malaman ng mga end customer kung sisingilin sila ng mga ganitong bayarin. Kung maniningil ka ng bayarin sa pamamahala, dapat mong ipaalam sa mga end customer na ang Profile ng Negosyo ay isang serbisyong ibinibigay nang walang dagdag na bayad. Sa minimum, dapat mong ipaalam sa mga bagong customer sa paraang pasulat bago mo pamahalaan ang kanilang profile at ihayag ang pagkakaroon ng ganitong bayarin sa mga invoice ng customer. Iwasan ang biglaan o masyadong malalaking pagbabago sa iyong mga bayarin.

Ibahagi ang abiso sa paghahayag

Partikular na mahalaga para sa mga maliit at katamtamang negosyo—na posibleng walang mga resource o kakayahan ng malalaking negosyo—na malaman kung ano ang puwede nilang asahan kapag nakikipagtulungan sila sa isang third party na partner. Samakatuwid, kailangang ibahagi ng lahat ng third party na pangunahing nagbibigay ng serbisyo sa mga maliit at katamtamang negosyo ang abiso sa paghahayag na "Pakikipagtulungan sa third party" sa lahat ng customer nila.

Magkaroon ng link papunta sa abiso sa paghahayag sa isang napakadaling makitang lokasyon sa iyong website. Kasama sa mga katanggap-tanggap na lokasyon ang footer ng iyong homepage, ang dashboard mo para sa pag-uulat, at ang seksyon ng mga produkto at serbisyo ng iyong site. Dagdag pa rito, kapag namahala ka ng bagong negosyo o ni-renew mo ang iyong ugnayan sa isang kasalukuyang negosyo, ipaalam sa mga customer mo ang tungkol sa pagkakaroon ng abiso sa paghahayag sa iyong website sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng email o sulat.

Mga Insight

Dapat kang magbigay ng tumpak na impormasyon sa iyong mga end customer tungkol sa Profile ng Negosyo sa Google, kasama ang kakayahang tukuyin ang pagkakaiba ng data sa Profile ng Negosyo at data mula sa iba pang platform. Kung nagbibigay ang iyong serbisyo ng data ng pag-uulat mula sa iba pang platform ng pamamahala ng profile, dapat mong hiwalay na iulat ang data sa Profile ng Negosyo mula sa data na hindi sa Profile ng Negosyo. Kung ang data na partikular sa Profile ng Negosyo ay ibinigay rin sa isang lugar na madaling ma-access, puwede kang mag-ulat ng pinagsama-samang data ng performance (pinagsama ang data sa Profile ng Negosyo at ang data na hindi sa Profile ng Negosyo). Hindi mo dapat ihambing o ibahagi sa iba mo pang customer ang data ng isang customer na partikular sa Profile ng Negosyo.

Kung nagbibigay ng data ng performance ayon sa heograpikong lokasyon ang iyong tool sa maraming platform (halimbawa, Yelp, Yahoo, Bing, atbp.), dapat din nitong ibigay nang hiwalay ang ulat sa performance ayon sa lokasyon sa Profile ng Negosyo sa Google at ang mga kinakailangang field nito.

Ibahagi ang iyong mga ulat sa performance at gastusin sa pamamahala sa Profile ng Negosyo sa paraang magpapadali para sa iyong mga customer na i-access ang mga ulat, gaya ng sa pamamagitan ng email o sa website mo. O kaya naman, para matugunan ang kinakailangang ito, payagan ang iyong mga customer na direktang mag-sign in sa Google Account na ginagamit para pamahalaan ang kanilang Profile ng Negosyo para ma-access ang kanilang data ng performance.

Bawal ang panghihimasok sa pagsubaybay o pag-audit

Para matiyak ang pagsunod sa lahat ng naaangkop na patakaran at tuntunin, posibleng subaybayan at i-audit ng Google ang anumang aktibidad sa Profile ng Negosyo. Hindi ka pinapayagang manghimasok sa nasabing pagsubaybay o pag-audit at hindi mo dapat itago sa Google ang iyong aktibidad sa Profile ng Negosyo. Ang anumang panghihimasok ay ituturing na paglabag sa mga patakarang ito.

Mga ipinagbabawal na kagawian

Huwag mag-claim ng negosyo nang walang pahintulot

Puwede mo lang i-claim at pamahalaan ang isang Profile ng Negosyo kung nakuha mo ang hayagang pahintulot ng may-ari ng negosyo alinsunod sa iniaatas ng naaangkop na batas. Ang pahintulot ay puwedeng nakasulat o pagpapahiwatig ng isang anyo ng positibong pagkilos gaya ng paglalagay ng check sa kahon sa isang form. Para makasagot sa mga review para sa end customer, dapat mayroon kang hayagang pag-apruba. Hindi sapat ang pasalitang pahintulot. Kung may salungatan sa pagitan ng third party at merchant, dapat kang magbigay ng nakasulat o digital na patunay ng pahintulot. Huwag pangunahan ang pag-claim ng profile para hikayatin, kumbinsihin, o piliting maging customer ang isang negosyo. Ipinagbabawal ang mga pagsisikap na magmanipula, magpanggap, at kumuha ng access sa Mga Profile ng Negosyo kung saan wala kang direkta at nakasulat na awtorisasyon na pamahalaan. Ang mga pattern ng pang-aabuso, spam, o anumang hindi lehitimong aktibidad ay posibleng humantong sa pagsususpinde sa iyong account.

Mga mali, mapanlinlang, o hindi makatotohanang pahayag

Gusto naming magpasya ang mga negosyo batay sa kaalaman tungkol sa pakikipagtulungan sa mga third party na partner, na nangangahulugang kailangan mong maging malinaw at matapat kapag inilalarawan ang iyong kumpanya, ang mga serbisyo mo, ang mga gastusing nauugnay sa mga serbisyong iyon, at ang mga resultang puwedeng asahan ng mga customer. Huwag gumawa ng mga mali, mapanlinlang, o hindi makatotohanang pahayag.

Mga Halimbawa:

  • Misrepresentasyon bilang Google sa pamamagitan ng mga robocall (mga tawag na gumagamit ng naka-record na boses) o iba pang technique.
  • Paggarantiya na makukuha ang nangungunang placement sa Google.
  • Pagsasabi na palaging lalabas ang mga profile sa Google Search o Google Maps.
  • Paglalarawan sa mga walang singil na produkto ng Google bilang mga produktong pay-for-insertion.
  • Misrepresentasyon bilang Google, o bilang party na direktang affiliate ng Google, sa pamamagitan ng mga nakakapanlinlang na pangalan ng account ng organisasyon. Kasama rito ang, pero hindi ito limitado sa, paggamit ng mga pangalan ng account na bumabanggit sa Google o mga kaugnay na entity nito, gaya ng "Google," "Google Cloud," "Alphabet," "Google certified," at "Google support team."

Dapat tama at nakakasunod sa lahat ng patakaran sa content ang anumang pagbabago o pag-edit na gagawin mo sa Profile ng Negosyo.

Nanliligalig, mapang-abuso, o hindi mapagkakatiwalaang gawi

Dapat makuha ng mga negosyo ang parehong napakahusay na serbisyo sa isang third party na partner na siya ring makukuha nila kapag direkta silang nakipagtulungan sa Google. Kaya huwag manligalig, mang-abuso, o gumamit ng mga hindi mapagkakatiwalaang diskarte sa mga potensyal o kasalukuyang customer.

Mga Halimbawa:

  • Labis na pag-cold call nang hindi iginagalang ang mga listahan ng huwag tawagan.
  • Hindi makatuwirang pagtulak sa isang customer na mag-sign up o manatili sa ahensya.
  • Pagbabantang mawawalan ng profile ang mga kliyente kung hindi sila magsa-sign up sa ahensya.
  • Pang-iipit ng profile kapalit ng pera.
  • Pagsasagawa ng phishing.

Awtomatikong pag-revert ng mga update at iminumungkahing pag-edit ng Google

Para matiyak na pinakatumpak na impormasyon ang na-publish para sa mga merchant at user, gumagamit ang Google ng maraming source ng data, kasama ang content na binuo ng user at iba pang data ng third party. Kapag nagsagawa ka ng mga naka-automate na pagkilos para i-discard ang mga iminungkahing update nang hindi kumokonsulta sa merchant, nilalabag mo ang aming mga tuntunin. Dapat kumonsulta ang mga third party sa merchant para i-verify na tumpak pa rin ang data. Kapag hindi ito ginawa, baka magresulta ito sa pagkilos sa pagpapatupad, na puwedeng kinabibilangan ng pagbabawas ng quota ng API.

Pag-set up ng account

Malaking tungkulin ang pagiging may-ari o miyembro ng isang organisasyon. Limitahan ito sa ilan lang sa mga pinakapinagkakatiwalaan mong empleyado. Matuto pa tungkol sa mga organisasyon at user group.

Responsibilidad mong siguraduhin ang integridad at seguridad ng mga kredensyal ng account ng iyong mga end customer. Narito ang ilang pinakamagagandang kagawian para sa pamamahala ng profile, account, at password:

  • Kapag nakagawa na ng profile para sa isang kliyente, itakda ang may-ari ng negosyo bilang may-ari ng profile, at itakda ang sarili mo bilang manager ng profile.
  • Kung mayroon nang Profile ng Negosyo ang isang kliyente, hilingin sa kanyang imbitahan ka bilang manager, hindi may-ari.
  • Huwag magbahagi ng mga password sa iyong mga kliyente.
  • Kung hindi mo na pinapamahalaan ang isang profile, alisin ang profile sa iyong account.

Ano ang mangyayari kung lalabag ka sa patakaran

Pagsusuri sa pagsunod: Puwede naming suriin ang iyong negosyo para sa pagsunod sa patakaran sa third party anumang oras. Kung makikipag-ugnayan kami sa iyo para humiling ng impormasyong may kaugnayan sa pagsunod, kinakailangan mong sumagot agad at gawin agad ang anumang pagwawastong kailangan para makasunod sa aming mga patakaran. Puwede rin kaming makipag-ugnayan sa iyong mga customer para ma-verify ang pagsunod.

Notification ng hindi pagsunod: Kung naniniwala kaming may nilabag kang patakaran sa third party, makikipag-ugnayan kami sa iyo para humiling ng pagwawasto. Kung hindi mo magagawa ang mga hinihiling na pagwawasto sa loob ng ibinigay na yugto ng panahon, puwede kaming magsagawa ng pagkilos sa pagpapatupad. Sa mga sitwasyon kung saan malala o paulit-ulit ang mga paglabag, puwede kaming kumilos nang agaran at walang abiso.

Pagsususpinde ng programa ng third party: Ang paglahok mo sa ibang programa ng third party sa Google, gaya ng Google Partners o Premier SMB Partners, ay nakadepende sa pagsunod sa patakarang ito sa third party at puwede itong malimitahan o masuspinde kung mapag-aalaman naming lumalabag ka sa aming mga patakaran o kung hindi ka makikipagtulungan sa pagsisikap naming suriin ang iyong negosyo para sa pagsunod.

Pagsususpinde ng account: Puwede naming suspindihin ang isang Profile ng Negosyo at/o ang Google Account na ginagamit mo para pamahalaan ang Profile ng Negosyo kung gagawa ka ng matinding paglabag sa patakaran. Sa mga sitwasyon ng mga paulit-ulit o napakalalang paglabag sa patakaran, posibleng hindi mo na mapamahalaan ang isang Profile ng Negosyo. Dagdag pa rito, puwede kaming makipag-ugnayan sa iyong mga customer para abisuhan sila nang naaayon.

Mag-ulat ng paglabag sa patakaran sa third party

Sa palagay mo ba ay lumalabag ang isang third party na partner sa patakarang ito? Ipagbigay-alam sa amin: mag-ulat ng paglabag sa patakaran sa third party.

Bagama't baka hindi kami makatugon nang personal kapag nakipag-ugnayan ka sa amin tungkol sa isang third party, sisiyasatin namin ang iyong mga komento at, kung kinakailangan, kikilos kami nang naaayon.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17998045523022649759
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false