Ipaalis ang mga larawan ng customer

Kung napansin mong lumalabag sa mga patakaran sa larawan ng Google Maps ang isang larawang na-upload ng customer, puwede mo itong ipaalis. Susuriin ang larawan at puwede itong maalis sa iyong Business Profile. Puwede umabot ng ilang araw bago masuri ang isang larawan.

Tip: Kung may napansin kang content sa Google na posibleng lumalabag sa batas, puwede mo itong ipaalam sa amin. Pagkatapos naming suriin ang materyal, pag-iisipan namin kung iba-block, aalisin, o paghihigpitan ang pagiging available nito sa publiko. 

Ipaalis ang mga larawan ng customer sa Google Search

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Piliin ang Mga Larawan at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng larawan.
  3. Piliin ang mga larawang gusto mong alisin.
  4. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang Mag-ulat ng problema Mag-ulat ng problema.
  5. Piliin ang uri ng paglabag na gusto mong iulat.
  6. Piliin ang Isumite.

Ipaalis ang mga larawan ng customer sa Google Maps

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Piliin ang Tingnan ang Profile ng Negosyo at pagkatapos ay Mga Larawan.
  3. Piliin ang mga larawang gusto mong alisin.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Iulat ang larawang ito.
  5. Piliin ang uri ng paglabag na gusto mong iulat.
  6. Piliin ang Isumite.

Tip: May opsyon ka ring mag-ulat ng user sa Maps. Para mag-ulat ng user, piliin ang user name at pagkatapos ay Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Iulat.

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17470469770695243047
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false