Tungkol sa mga grupo ng mga lokasyon negosyo

Nagbibigay ang mga grupo ng mga lokasyon negosyo ng ligtas na paraan para magbahagi ng pamamahala ng iyong mga lokasyon sa maraming user. Ang mga grupo ng mga lokasyon negosyo ay tulad ng nakabahaging folder para sa iyong mga lokasyon -- isang simpleng paraan para magbahagi ng access sa isang hanay ng mga lokasyon sa mga katrabaho.

Kung kasalukuyan mong ibinabahagi ang username at password ng iyong account sa ibang user, dapat kang lumipat sa paggamit ng grupo ng mga lokasyon negosyo bilang mas ligtas na paraan para magtrabaho nang magkakasama.

  Ang iyong Google account mga grupo ng mga lokasyon ng negosyo
Kailan gagamitin Kapag ikaw lang ang taong nangangailangan ng access upang kumatawan ng negosyo sa Google. Kapag gusto mong makakapagdagdag at makakapag-update ng hanay ng mga lokasyon ang maraming user ng Google.
Sino ang makakapag-access Ikaw lang ang may access sa account na ito. Puwedeng isa kang may-ari o manager ng isang grupo ng mga lokasyon ng negosyo. Puwede kang makakita ng tala tungkol sa antas ng access mo sa ibaba ng pangalan ng grupo ng mga lokasyon ng neogsyo (ibig sabihin, "pagmamay-ari mo" o “pinapamahalaan mo”). Ang mga manager at may-ari ay puwedeng gumawa, mag-edit, at mag-delete ng mga lokasyon sa loob ng isang grupo ng mga lokasyon ng negosyo. Matuto pa
Paano gumawa Ginawa mo at kinakailangan ng anumang produkto ng Google na humihiling ng pag-sign in. Ginawa ito sa pamamagitan ng mga hakbang na ito.
Checkmark sa pag-verify Ipinapahiwatig nito na na-verify ang user para sa lahat ng lokasyong idinagdag. Ipinapahiwatig nito na na-verify ang may-ari ng grupo ng mga lokasyon ng negosyo.

Pinakamahuhusay na kagawian sa paggawa ng mga grupo ng mga lokasyon ng negosyo

Kailan gagawa ng grupo ng mga lokasyon ng negosyo

Magandang gumawa ng grupo ng mga lokasyon ng negosyo kung:

  • Gusto mong ibahagi ang pamamahala ng lokasyon sa isang katrabaho, manager ng isa sa iyong mga brand o rehiyon, o ahensya
  • Gusto mong magpatakbo ng mga ad campaign ng lokasyon

Para bigyan ng access sa isang grupo ng mga lokasyon ang katrabaho, manager, o ahensya:

  1. Gumawa ng grupo ng mga lokasyon ng negosyo.
  2. Ilipat ang lahat ng iyong lokasyon sa account na iyon.
  3. Idagdag sa grupo ng mga lokasyon ng negosyo ang katrabaho o empleyado ng ahensya bilang isang manager o may-ari para patuloy na magkaroon ng access ang parehong partido sa lahat ng kasalukuyang lokasyon at sa anumang mga lokasyon na gagawin sa hinaharap.

Bilang ng mga grupo ng mga lokasyon ng negosyo

Pinakamainam na limitahan ang bilang ng mga grupo ng mga lokasyon ng negosyo sa isang account bawat negosyo o brand. Hindi posibleng mag-import ng isang spreadsheet sa maraming grupo ng mga lokasyon ng negosyo o mag-download ng impormasyon ng lokasyon mula sa mga grupo ng mga lokasyon ng negosyo at mapagsama-sama ito sa isang spreadsheet.

Posibleng mainam ang paggawa ng maraming grupo ng mga lokasyon ng negosyo kung nagpapatakbo ang iyong organisasyon ng maraming brand o dibisyon na nangangailangan ng iba't ibang hanay ng mga user na mayroong access.

  Pro Con
Paggamit ng isang grupo ng mga lokasyon ng negosyo Makikita ang lahat ng lokasyon sa isang dashboard at iisang spreadsheet lang ang papamahalaan. Puwedeng magkaroon ng access ang mga may-ari at manager na tingnan at i-edit ang lahat ng lokasyong makikita sa account na hindi naman nila dapat pamahalaan.
Paggamit ng maraming grupo ng mga lokasyon ng negosyo May access ang mga may-ari at manager na tingnan at i-edit ang mga lokasyon lang na makikita sa account. Para sa bawat account, kakailanganing mag-import ng hiwalay na spreadsheet, at hindi mo makikita ang lahat ng lokasyon sa isang dashboard.

Tandaan na magagawa mo pa ring manual na magdagdag ng mga may-ari at manager sa mga indibidwal na lokasyon na makikita sa isang grupo ng mga lokasyon ng negosyo.

Iba pang pagsasaalang-alang

Tandaan na magagawa mo pa ring manual na magdagdag ng mga may-ari at manager sa mga indibidwal na lokasyon na makikita sa isang grupo ng mga lokasyon ng negosyo.

Mga bagong user

Kung bago ka sa Mga Profile ng Negosyo, inirerekomenda naming gumawa ng grupo ng mga lokasyon ng negosyo at gamitin ang account na iyon para idagdag, i-verify, at pamahalaan ang iyong mga lokasyon. Sa ganoong paraan, hindi mo na kakailanganing gumawa ng account sa hinaharap kung mapagpasyahan mong bigyan ng access sa account ang iba pang user ng Google.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15319942376272347069
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false