Sa iyong Profile ng Negosyo sa pamamagitan ng Google Search, mapapamahalaan mo ang iyong mga detalye ng ticket admission. Ang iyong mga detalye ng admission ay puwedeng makatulong sa mga customer mo na makagawa ng mas matatalinong desisyon. Sa tabi ng iyong ticket, lalabas ang badge na “Opisyal na site.” Mahahanap ng mga customer ang impormasyong ito sa tab na "Mga Ticket" ng iyong Profile ng Negosyo.
Pagiging Kwalipikado
- Lahat ng mga negosyong pasyalan. Kung naniniwala kang kwalipikado dapat ang iyong Profile ng Negosyo, makipag-ugnayan sa amin.
- Tiyaking sinusunod mo ang mga pangkalahatang patakaran at mga patakaran sa presyo ng Mga puwedeng gawin ng Google.
Idagdag, i-edit, o alisin ang iyong mga detalye ng ticket admission
Puwede mong palitan ang iyong mga detalye ng ticket, hayaan an gmga customer na bumili ng mga ticket mula mismo sa website mo, at ipaalam sa mga cusstomer kung ano pa ang isinama mo.
Mahalaga: Lumalabas ang mga detalye ng admission ng mga partner sa booking bago ang impormasyon mo. Matuto pa tungkol sa mga partner sa booking.
1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
2. Piliin ang I-edit ang profile Mga Admission.
Tip: Sa iyong computer, gamit ang Google Search, piliin ang Mga Ticket.
3. Magdagdag, mag-edit, o mag-alis:
- Para magdagdag: Piliin ang Magsimula. Ilagay ang iyong mga detalye ng admission o gawin ang mga pag-edit mo. Piliin ang I-save Tapos na.
- Para mag-edit: Piliin ang Magsimula. Isagawa ang iyong mga pag-edit. Piliin ang I-save Tapos na.
- Para mag-alis: Piliin ang I-edit . Piliin ang I-delete I-delete.
Tip: Para magdagdag ng isa pang ticket, piliin ang Magdagdag ng isa pang uri ng ticket.