Puwede kang tumanggap ng mga online na order para sa pickup o delivery sa Profile ng Negosyo mo mismo sa Google Search at Maps sa pamamagitan ng Order with Google. Makakakita ang mga customer mo ng mga opsyon para mag-order mula sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mga third party na provider o link na idaragdag mo. Depende kung nasaang bansa ang iyong negosyo, puwedeng lumabas ang mga opsyon sa pag-order sa iba't ibang lugar sa profile ng negosyo mo.
Mga third-party na provider
Ang mga third-party na provider na nagsasaad na mayroon silang mga awtorisadong kaugnayan sa iyong negosyo ay awtomatikong maililista sa profile mo.
Matuto pa tungkol sa mga third-party na provider at kung paano sila alisin.
Mga custom na link
Pinapadali ng mga custom na link para sa mga customer na mag-order mula sa iyong negosyo o restaurant. Puwede kang magdagdag ng mga custom na link sa iyong profile na magdadala ng mga customer sa ibang web page kung saan sila makakapag-order mula sa negosyo mo. Lumalabas ang mga link na ito sa iyong Profile ng Negosyo sa Google Search at Maps. Magdagdag ng mga link sa iyong Profile ng Negosyo.