Magsimula o mamahala ng subscription sa iyong Android TV

Puwede kang mag-subscribe sa ilang serbisyo ng streaming sa iyong Android TV.

Magsimula ng subscription

  1. Sa iyong Android TV, buksan ang Play Store Google Play.
  2. Hanapin ang app para sa serbisyo ng subscription na gusto mo.
  3. I-download ang app. Depende sa app, mapipili mong:
    • Mag-install: Pagkatapos ay buksan ang app para gumawa ng account at simulan ang iyong subscription.
    • Mag-subscribe at mag-install: Sundin ang mga tagubilin para kumpletuhin ang iyong pagbili ng subscription. Awtomatikong gagawa ng account para sa serbisyo gamit ang Gmail address sa iyong TV. Posibleng makatanggap ka ng email mula sa serbisyo para mag-set up ng password o profile.

Mag-sign in sa dati nang subscription 

Kung naka-subscribe ka na sa serbisyo at gusto mong i-access ang content na iyon sa iyong TV:

  1. Sa iyong Android TV, buksan ang Play Store Google Play.
  2. Hanapin ang app para sa serbisyo ng subscription na gusto mo.
  3. Piliin ang I-install.
  4. Buksan ang app at mag-sign in sa iyong account.

Mamahala o magkansela ng subscription

Mahalaga: Hindi makakansela ang iyong subscription kapag nag-uninstall ng app sa Android TV mo.

Para magbago o magkansela ng subscription, kailangan mo ng telepono o computer.

  1. Sa telepono o computer, pumunta sa g.co/play/subscriptions.
  2. Piliin ang subscription na gusto mong kanselahin.
  3. Piliin ang Kanselahin ang subscription.
  4. Sundin ang mga tagubilin.

Puwede mo ring pamahalaan ang iyong subscription sa pamamagitan ng site o app ng serbisyo.

Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga subscription.

Mag-redeem ng promosyon

Posibleng kwalipikado ka para sa mga promosyong puwede mong i-redeem sa iyong Android TV.

  1. Sa home screen, piliin ang Mga App.
  2. Mag-scroll sa banner para sa promosyong gusto mong i-redeem.
  3. Piliin ang banner.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Kung mayroon kang pampromosyong code, alamin kung paano mag-redeem ng mga code sa Google Play.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12235487099358487655
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
107924
false
false