Hindi makumpleto ang pagbili sa Android TV

Kapag bumili ka sa Android TV, nangangailangan ng karagdagang pag-verify ang ilang paraan ng pagbabayad. Hindi ka puwedeng mag-verify ng pagbili sa Android TV. 

Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error, magagawa mong gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad o kumpletuhin ang iyong pagbili sa ibang device, tulad ng telepono o computer.

Pumili ng ibang paraan ng pagbabayad

Puwede kang sumubok ng ibang paraan ng pagbabayad para kumpletuhin ang iyong pagbili sa Android TV mo. Hindi lahat ng paraan ng pagbabayad ay nangangailangan ng pag-verify. Alamin kung paano magdagdag ng mga paraan ng pagbabayad sa Google Pay.

Bumili ng app sa ibang device

  1. Sa isang telepono o computer, pumunta sa play.google.com.
  2. Mag-sign in gamit ang parehong account sa iyong Android TV.
  3. Hanapin ang app na gusto mong bilhin.
  4. Para kumpletuhin ang iyong pagbili, piliin ang Android TV mo sa listahan ng mga device.

Magsimula ng subscription sa ibang device

  1. Sa isang telepono o computer, pumunta sa website o buksan ang app para sa subscription na gusto mong simulan.
  2. Kumpletuhin ang iyong pagbili sa website o app.
  3. Sa iyong Android TV, piliin ang Bumalik para isara ang mensahe ng error.
    • Buksan ang app. Kung wala ang app sa iyong Android TV, i-download ito
    • Mag-sign in sa iyong account.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16483350046325121211
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
107924
false
false