I-set up at gamitin ang Google Assistant sa iyong Android TV

Magagawa mong magtanong at kumumpleto ng mga gawain sa iyong Android TV device.

Naka-install na ang Google Assistant sa iyong Android TV device. Puwede mo itong i-on sa unang beses na i-set up mo ang iyong device, o puwede mo itong i-on sa ibang pagkakataon.

Sa mga Android TV, available ang Google Assistant sa English, French, German, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Portuguese (Brazilian), at Spanish. Marami pang wika ang magiging available sa susunod.

Bago ka magsimula

Una, i-set up ang iyong Android TV.

Kung naka-set up na ang iyong TV, tumingin ng mga update:

  1. Sa iyong TV, piliin ang Mga Setting Mga SettingAt pagkatapos Tungkol dito.
  2. Piliin ang Pag-upgrade sa system At pagkatapos Tumingin ng upgrade At pagkatapos Tingnan ngayon.
    • Kung kailangan ng iyong system ng update, piliin ang I-download.
    • Kung hindi mo kailangan ng update, makikita mo ang, "Up to date ang iyong system."

I-set up ang iyong Assistant

  1. Sa remote ng iyong Android TV, pindutin ang button na Assistant Assistant o Mikropono Mikropono ng Assistant.
  2. Sa screen ng iyong TV, may lalabas na panimula. Sundin ang mga hakbang para matapos ang pag-set up.

Makipag-usap sa iyong Assistant

  • Sa remote ng iyong Android TV, pindutin ang button na Assistant Assistant o Mikropono Mikropono ng Assistant. Pagkatapos, magtanong. Para matiyak na maririnig ka ng Assistant, magsalita sa mikropono sa iyong remote.
  • Sa ilang device, hindi mo kailangan ang remote. Sabihin ang “Hey Google” para i-activate ang Assistant.

Para makagawa ng mas maraming bagay gamit ang Assistant sa iyong Android TV:

  • Tanungin ang Assistant, “Ano'ng kaya mong gawin?”
  • Sa iyong telepono, i-download ang Assistant app Assistant.

Kung wala kang Android TV device pero gumagana ang iyong TV sa Assistant, alamin kung paano gamitin ang Assistant sa iba pang TV

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6326087967807307090
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
107924
false
false