I-set up ang iyong Android TV at remote

Pagkatapos mong makuha ang iyong Android TV, kakailanganin mong i-set up ito at ikonekta ang remote mo.

Bago ka magsimula

Tiyaking mayroon kang:

  • Koneksyon sa internet sa pamamagitan ng Wi-Fi
  • Google Account

Kung walang bult-in na Android TV ang iyong TV, kakailanganin mo ng:

  • External na device na may Android TV
  • Isang TV o monitor na may mga HDMI port at sumusuporta sa HDCP 
  • Isang HDMI cable

Hakbang 1: Ikonekta ang iyong Android TV

Kung built-in sa iyong TV ang Android TV, isaksak ito at i-on, pagkatapos, lumaktaw sa hakbang 2.  

Kung mayroon kang hiwalay na Android TV device, kakailanganin mong ikonekta ito sa monitor ng iyong TV:

  1. I-off ang iyong TV o monitor.
  2. Ikonekta ang iyong Android TV device sa TV o monitor mo gamit ang HDMI cable.
  3. Isaksak ang iyong Android TV device.

Hakbang 2: Ipares ang iyong remote

  1. I-on ang iyong TV o monitor.
  2. Para piliin ang tamang input para sa iyong Android TV device, pindutin ang Source o Input. Dapat kang makakita ng larawan ng TV, remote, at timer.
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen para ipares ang iyong remote.

Kapag kumonekta ang remote sa TV, may lalabas na check mark sa screen. Kung hindi ito kokonekta agad, subukan ulit ang hakbang 3.

Hakbang 3: I-set up ang iyong Android TV

May 2 opsyon sa pag-set up ng iyong TV:

  • Quick Start gamit ang Android phone
  • Mag-set up gamit ang iyong remote

​Kung hindi mo pa nagagawa, pumili ng wika bago simulan ang proseso ng pag-sign up.

Mag-set up gamit ang Quick Start

  1. Kapag sinabi ng TV mo ang “Mabilis na i-set up ang iyong TV gamit ang Android phone mo?” gamitin ang iyong remote para piliin ang Magpatuloy o Oo.
  2. Sa iyong Android phone, buksan ang Google app Google Android TV logo.
  3. I-type o sabihin ang “i-set up ang aking device.”
  4. Sundin ang mga tagubilin sa iyong telepono hanggang sa makatanggap ka ng code. Ilagay ang code sa iyong TV.
  5. Sa iyong telepono, i-tap ang pangalan ng TV mo kapag lumabas ito.
  6. Para tapusin ang pag-set up, sundin ang mga tagubilin sa iyong TV.​

Tip: Ang iyong TV ay awtomatikong nagsa-sign in sa Google Account mo at kumokonekta sa Wi-Fi kung saan nakakonekta ang iyong telepono.

Mag-set up gamit ang iyong remote

  1. Kapag sinabi ng TV mo ang “Mabilis na i-set up ang iyong TV gamit ang Android phone mo?” Gamitin ang iyong remote para piliin ang Laktawan
  2. Kumonekta sa Wi-Fi.                                                             
    • Posibleng matagalan ang iyong system sa pag-update.
  3. Piliin ang Mag-sign in at pagkatapos ay Gamitin ang iyong remote.
  4. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  5. Para tapusin ang pag-set up, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9911151120754301276
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
107924
false
false