Kopyahin ang mga app at data sa bagong Android device mula sa Android

Kapag sine-set up mo ang iyong bagong device, puwede mong ilipat ang iyong data mula sa luma mong Android device papunta sa iyong bagong Android device.

Mahalaga:

  • Kung naglilipat ka ng data sa Pixel 8 o Pixel 8 Pro mula sa lumang Android device, bumisita sa Help Center ng Pixel.
  • Nag-aalok ang mga Samsung device ng ilang opsyon sa paglilipat ng data. Matuto pa tungkol sa Samsung Smart Switch.
  • Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 10 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
  • Kailangan mo ng koneksyon sa internet para makapagkopya ng data mula sa isang device papunta sa isa pa. Inirerekomenda naming ikonekta mo sa Wi-Fi ang parehong device.
  • Puwede mong gamitin ang cable o wireless na opsyon sa paglilipat ng data. Sinusuportahan ng dalawang paraan ang parehong data. Kung gagamit ka ng cable, tiyaking angkop sa magkabilang device mo ang cable. Kung hindi ito naaangkop, posibleng kailanganin mong bumili ng adapter.
  • Isang beses ka lang puwedeng magsagawa ng paglilipat ng data. Inirerekomenda naming gawin mo ito habang nagse-set up dahil puwedeng hindi na maging available ang opsyon pagkatapos nito.
  • Kung pinapamahalaan ang iyong Android phone ng isang organisasyon, gaya ng negosyo o paaralan, posibleng hindi mo maililipat ang lahat ng data.

Bago ka maglipat

  • Tiyaking na-charge ang parehong telepono mo.
  • Kumuha ng tool para sa SIM card para makapaglipat ng SIM.
  • Maglaan ng kaunting oras. Puwedeng abutin ng ilang minuto hanggang ilang oras ang paglilipat ng data.
  • Tingnan ang storage sa luma at bagong device mo. Kung wala kang sapat na storage sa bagong device, puwede mong piliin kung aling data ang ililipat.
  • May ibang paraan ng pagkopya ng data mula sa luma mong telepono ang mga Samsung device. Matuto pa tungkol sa Samsung Smart Switch.
Ano ang makokopya habang nagse-set up
  • Mga app at ilang partikular na data ng app
  • Musika
  • Mga Larawan
  • Mga Video
  • Mga contact na naka-store sa iyong telepono o SIM card
  • Mga text message
  • Karamihan sa mga setting ng telepono (nag-iiba-iba ayon sa telepono at bersyon ng Android)
  • Multimedia sa mga text message
  • Wallpaper
  • History ng tawag
Ano ang hindi makokopya habang nagse-set up
  • Mga download, tulad ng mga PDF file
  • Mga larawan, mga video, at musikang naka-store sa mga nakatagong folder
  • Mga app na hindi nagmula sa Google Play Store
  • Data mula sa mga app na hindi gumagamit ng pag-back up ng Android
  • Mga account maliban sa Mga Google Account at ang data ng mga ito
  • Mga contact at kalendaryo na naka-sync sa mga serbisyo maliban sa Google
  • Mga ringtone
  • Ilang partikular na setting ng telepono (nag-iiba-iba ayon sa telepono at bersyon ng Android)

Hakbang 1: I‑on ang iyong Android device

I‑on ang iyong Android device at i-tap ang Magsimula.

Tip: Puwede mong baguhin ang mga setting ng wika o vision ng iyong telepono ngayon kung kinakailangan.

Hakbang 2: Kumonekta sa Wi-Fi o mobile network

  1. Para kumonekta sa Wi-Fi, pumili sa listahan ng mga available na network kapag na-prompt.
  2. Para i-on ang iyong data network, ipasok ang SIM card mo o i-download ang iyong eSIM mula sa carrier mo.

Tip:

  • Inirerekomenda naming gawin mo ang dalawang hakbang na ito. Gayunpaman, isa lang sa alinmang hakbang ang kailangan para sa paglilipat ng data, hangga't may internet ka.
  • Inirerekomenda naming ikonekta mo ang parehong telepono sa aktibong network ng internet kapag sine-set up ang iyong bagong Android.

Hakbang 3: Kopyahin ang mga app at data mo

Para kopyahin ang mga app at data sa bago mong Android device, i-tap ang Kopyahin.

Gamit ang cable (inirerekomenda)

Sundin ang mga tagubilin sa screen para pagkonektahin ang dalawang device gamit ang cable.

Mahalaga: Kung wala kang compatible na cable, posibleng kailangan mong gumamit ng adapter o gamitin ang wireless na paraan.

  1. Sa luma mong device, i-tap ang Kopyahin.
    • Para sa mas kumpletong paglilipat ng data, inirerekomenda naming mag-sign in ka sa iyong Google Account.
  2. Piliin ang kokopyahin.
  3. I-tap ang Kopyahin.
  4. Kapag isinasagawa ang pagkopya, ipapakita ng bago mong device ang mensaheng, “Kinokopya ang iyong data…” at kapag tapos na ito, ipapakita ng luma mong device ang mensaheng, “Tapos na ang pagkopya.”
    • Depende sa kung gaano karaming data ang ililipat mo, puwedeng abutin ang prosesong ito nang ilang minuto hanggang sa mahigit isang oras.

Tip:

  • Kung na-install mo ang WhatsApp, mare-restore mula sa Cloud ang mga chat at data pagkatapos mong mag-sign in sa bago mong Android device at buksan ang app.
  • Para i-restore ang mga chat at data mula sa WhatsApp, dapat mo munang i-on ang mga pag-back up sa WhatsApp sa iyong lumang device.
Sa pamamagitan ng koneksyon sa Wi-Fi

Kung wala kang compatible na cable o adapter, puwede mo pa ring kopyahin ang iyong mga app at data gamit ang wireless na koneksyon.

Sa iyong bagong device

  1. Kapag hiniling na maghanap ng cable, i-tap ang Walang cable.
  2. Kapag ipinakita nito ang “Maglipat nang wireless,” i-tap ang Susunod.
  3. Sa luma mong device, ilagay ang iyong PIN.

Sa iyong lumang device

  1. Sa iyong lumang device, buksan ang Google app .
  2. Hanapin ang i-set up ang aking device.
  3. I-tap ang Susunod.
  4. Kapag ipinakita nito ang “Magsimula,” i-tap ang Susunod.
  5. Tingnan kung magkakatugma sa parehong telepono ang mga hugis at numero.
  6. I-tap ang Susunod at pagkatapos Kopyahin.
    • Inirerekomenda naming mag-sign in ka sa iyong Google Account.
  7. Piliin kung aling mga app at data ang gusto mong kopyahin.
  8. Maghintay na matapos makopya ang data at makakatanggap ka ng mensaheng nagsasabing tapos na ito.

Tip:

  • Kung na-install mo ang WhatsApp, mare-restore mula sa Cloud ang mga chat at data pagkatapos mong mag-sign in sa bago mong Android device at buksan ang app.
  • Para i-restore ang mga chat at data mula sa WhatsApp, dapat mo munang i-on ang mga pag-back up sa WhatsApp sa iyong lumang device.
Mag-restore ng data mula sa Google One

Kung hindi available ang iyong lumang device, puwede mong i-restore ito mula sa nakaraang backup ng luma mong device na naka-store sa iyong Google Account. Alamin kung paano mag-back up o mag-restore ng data sa iyong Android device.

  • Kapag hiniling na kopyahin ang mga app at data, i-tap ang Susunod.
  • Kapag hiniling na ikonekta ang USB cable, sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Hindi kasya ang cable o Walang adapter?.
  • Kung mayroon kang backup mula sa maraming device, posibleng hilingin sa iyong piliin ang bersyon ng backup na gusto mo.
    1. Para kumpirmahin ang iyong pinili, posibleng hilingin sa iyong ilagay ang PIN mo para sa iyong lumang device.
    2. Piliin ang mga uri ng data na gusto mong i-restore mula sa iyong backup sa Cloud.
    3. I-tap ang I-restore.

Tip: Para makahanap ng mga backup na available para i-restore, kailangan mong i-on ang mga backup sa iyong lumang device.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8596283753081369410
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false