I-troubleshoot ang pag-set up ng digital na susi ng kotse

Maghanap ng mga sagot para sa mga isyu sa pag-set up at pag-install ng digital na susi ng kotse.

Magtakda ng lock ng screen
Para mag-set up at gumamit ng digital na susi ng kotse, dapat ay may lock ng screen ka sa iyong telepono. Alamin kung paano magtakda ng lock ng screen sa iyong Android device.
Mga invalid na entry
Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error na “Maling code sa pag-activate,” ilagay ulit ang code. Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error para sa “Invalid na link sa email,” ipares ulit ang iyong telepono sa kotse mo gamit ang ibang paraan.

Mga error sa pagpapares

Mga isyu sa koneksyon
Kung makakatanggap ka ng error na “Walang koneksyon” kapag sinusubukan mong magpares, kumonekta ulit sa internet at ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi. Pagkatapos, hintaying magpares ang iyong telepono at kotse. 
Error sa profile sa trabaho
Makakatanggap ka ng error kung susubukan mong mag-sign in gamit ang iyong Workspace Account. Para gamitin ang iyong digital na susi ng kotse, mag-sign in gamit ang Google Account mo.
Inalis ang account
Hindi ka puwedeng mag-set up ng iyong susi nang wala ang Google Account mo. Kung inalis sa iyong device ang account mo pagkatapos ma-set up ang iyong digital na susi ng kotse, made-delete ang digital na susi mo. 
Hindi sinusuportahan ng iyong kotse ang telepono
Kung hindi compatible sa iyong kotse ang telepono mo, makakatanggap ka ng notification ng error.
Hindi sinusuportahan ang kotse
Kung hindi compatible ang iyong kotse sa device mo, makakatanggap ka ng notification ng error.
I-on ang Hanapin ang Aking Device
Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error na naka-off ang Hanapin ang Aking Device, mula sa kahon ng mensahe ng error, i-tap ang I-on. O kaya, sa iyong telepono, i-on ang Hanapin ang Aking Device.
Limitasyon sa bilang ng character
Ang limitasyon sa bilang ng character para sa pangalan ng digital na susi ng kotse ay 30. Kung masyadong mahaba ang inilagay mong pangalan, makakatanggap ka ng mensahe ng error para baguhin ito.
Hindi maipares
Kung makakatanggap ka ng error na “Hindi maipares,” posibleng nausog o nag-time out ang iyong device. Subukan ulit at ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi. Huwag ilipat ang iyong device hanggang sa matapos ang pagpapares. Kung nakakatanggap ka pa rin ng mensahe ng error, tingnan ang screen sa iyong telepono o sa app ng digital na susi ng kotse para sa higit pang impormasyon.

Mga error sa pag-download

Walang koneksyon sa internet o storage space
Kung hindi mo ma-download o ma-install ang app ng digital na susi ng kotse, tiyaking nakakonekta ang iyong telepono sa internet at may sapat kang storage space para mag-install ng mga bagong app.
Hindi sinusuportahan ang rehiyon
Kung makakatanggap ka ng error na “Hindi sinusuportahan ang rehiyon,” hindi available ang feature sa iyong rehiyon.
Hindi sinusuportahan ang telepono
Kung makakatanggap ka ng error na “Hindi sinusuportahan ang telepono,” hindi available ang feature sa iyong device.
I-update ang mga serbisyo ng Google Play
Kung luma na ang iyong serbisyo ng Google Play, makakatanggap ka ng mensahe ng error para i-update ito. Alamin kung paano makatanggap ng mga update sa system ng Google Play.
Nagkaproblema
Kung makakatanggap ka ng error na “Nagkaproblema” kapag sinusubukan mong i-install ang app, subukan ulit sa loob ng ilang minuto.
Naka-off ang near field communication

Para gamitin ang iyong digital na susi ng kotse, naka-on dapat ang NFC. Para i-on ang NFC:

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. Hanapin ang NFC.
  3. I-on ang Gamitin ang NFC.

Iba pang error

Puwedeng makaapekto sa iyong digital na susi ng kotse ang mga partikular na uri ng card na inilagay sa pagitan ng telepono at key reader sa isang case ng telepono. Puwede itong makaaapekto sa:

  • Pagpapares
  • Pag-lock o pag-unlock ng sasakyan
  • Pag-start ng makina

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11652428958798048761
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false