Halimbawa ng pag-import ng Data ng Produkto

Alamin kung paano i-import ang mga kulay at laki ng damit mula sa iyong catalog ng produkto.

Tinutulungan ng pag-import ng metadata ng produkto na mas mapahusay ang mga insight sa pag-merchandise sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dimensyon na nauugnay sa produkto, tulad ng laki, kulay at estilo sa iyong nakolektang data sa Analytics.

Upang magamit ang feature na ito, ginagamit dapat ng iyong property ang plugin ng Pinahusay na Ecommerce.

Kailangan mo rin ang kakayahang baguhin ang iyong ecommerce code upang magpadala ng Mga SKU ng Produkto sa bawat hit mo.

Sa artikulong ito:

Sitwasyon:

Isa kang retailer ng damit na gumagamit ng ecommerce at gusto mong makita kung aling mga kulay at laki sa iyong site ang pinakasikat.

Unang Hakbang: I-tag ang iyong site gamit ang ec.js plugin

Kapag sinunod ang mga alituntunin sa I-tag ang iyong mga page gamit ang ec.js plugin, ita-tag mo ang iyong mga listahan ng produkto, page ng detalye ng produkto, internal na promosyon at iyong mga page ng shopping-cart at pag-check out.

Ikalawang Hakbang: Magpasya kung anong data ang dapat i-import

Magpapanatili ka ng file ng data sa labas ng Analytics na mag-uugnay sa bawat piraso ng damit sa isang kulay at laki at pinaplano mong i-upload ang impormasyong ito sa Analytics.

Ikatlong Hakbang: Gawin ang ang custom na dimensyon

Dahil walang kulay at sukat na mga dimensyon sa Analytics, kakailanganin mong gawin ang mga ito bilang mga custom na dimensyon.

Ikaapat na Hakbang: Gawin ang Set ng Data

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. I-click ang Admin, at mag-navigate sa property kung saan mo gustong mag-upload ng data.
  3. Sa column ng PROPERTY, i-click ang Pag-import ng Data.
  4. I-click ang Bagong Set ng Data.
  5. Piliin ang Data ng Produkto bilang Uri.
  6. Pangalanan ang Data Set: “Mga Kulay at Laki”
  7. Pumili ng isa o higit pang mga view kung saan mo gustong makita ang data na ito.
  8. Tukuyin ang Schema gamit ang halimbawa sa ibaba bilang modelo.

Halimbawa ng Schema

Bagama't hindi mo tahasang ipinapadala ang kulay at laki sa iyong data ng hit, nagpapadala ka ng product ID. Upang maisama ang product ID, pipiliin mo ang SKU ng Produkto bilang iyong Key.

Mga Setting ng Schema:

Key: SKU ng Produkto
Na-import na Data: Kulay, Laki
I-overwrite ang data ng hit: Oo

I-save ang set ng data.

Ikalimang Hakbang: Gawin ang CSV

Ang pagbuo ng iyong CSV file sa pag-upload ay isang prosesong may 2 hakbang:

1. Kunin ang header para sa CSV

Sa talahanayan ng Data Set, i-click ang Kulay at Laki upang buksan ang configuration ng data-set.

I-click ang Kunin ang schema.

Makakakita ka ng katulad ng sumusunod:

    CSV header
    ga:productSku,ga:dimension23,ga:dimension24

 

Ito ang header na dapat mong gamitin bilang unang linya ng mga na-upload mong CSV file. Tinutukoy ng talahanayan sa ibaba ang mga column:

SKU ng Produkto Kulay Laki
ga:productSku ga:dimension23 ga:dimension24

2. Gumawa ng spreadsheet at i-export ito bilang isang CSV

Gumawa ng Google spreadsheet na sumusunod sa format sa itaas. Dapat gamitin ng unang (header) row ng iyong spreadsheet ang mga internal na pangalan ng dimensyon (hal., ga:productSku sa halip na SKU ng Produkto) na nasa dialog na Kunin ang schema na ipinapakita sa itaas. Ang mga column sa ibaba ng bawat cell ng header ay dapat maglaman ng kaukulang data para sa bawat header.
 

ga:productSku ga:dimension23 ga:dimension24
12345 Pula S
12345 Pula M
23456 Puti M
23456 Asul L

 

I-export ang spreadsheet bilang isang CSV. Magiging ganito ang hitsura ng iyong file:

    ga:productSku,ga:dimension23,ga:dimension24
    12345,Red,S
    12345,Red,M
    23456,White,M
    23456,Blue,L

Ikaanim na Hakbang: I-upload ang data

Maaari mo nang i-upload ang CSV file na ginawa mo sa Analytics. May dalawa kang pagpipilian sa pag-a-upload ng iyong data: manual, gamit ang user interface ng Analytics, o sa pamamagitan ng program, gamit ang Management API.

I-upload nang manual
  1. Sa talahanayan ng Data Set, hanapin ang row para sa Mga Kulay at Laki.
  2. I-click ang Pamahalaan ang mga pag-upload para sa data set ng Mga Kulay at Laki.
  3. I-click ang I-upload ang file, piliin ang file, pagkatapos ay i-click ang I-upload.
I-upload sa pamamagitan ng Management API
  1. Sa talahanayan ng Data Set, hanapin ang row para sa Mga Kulay at Laki.
  2. I-click ang pangalan ng data-set.
  3. I-click ang Kunin ang Custom na Source ID ng Data…
  4. Gumawa ng kopya ng ID.
  5. Sundin ang mga tagubiling ito upang mag-upload sa pamamagitan ng Management API.

Ikapitong Hakbang: I-update ang iyong Ecommerce code

Pagkatapos mong i-upload ang data ng produkto, i-update mo ang iyong ecommerce code upang magpadala ng Mga SKU ng Produkto sa bawat isa sa iyong mga hit, kasama ang anumang karagdagang data na gusto mo sa iyong mga ulat, tulad ng mga custom na dimensyon o sukatan.

Tandaan: Kapag nagpapadala ng data ng ecommerce sa Analytics, walang partikular na field na may pangalang SKU ng Produkto, sa halip ay kinakatawan ito ng id field tulad ng ipinapakita sa ibaba.

// Halimbawa ng pagpapadala ng transaksyon kapag isinasama sa na-import na data ng produkto.
ga('create', 'UA-XXXX-Y');
ga('require', 'ec', 'ec.js'); // Nilo-load ang plug-in ng Pinahusay na Ecommerce. Kinakailangan.

// Ang pangalan, presyo at iba pang data ng produkto ay idaragdag sa hit na ito
// sa oras ng pagkolekta kung ang value ng id field ay tumutugma sa isang SKU ng Produkto
// na in-upload mo.
ga('ec:addImpression', {
  'id': '12345',              // Product ID/SKU (Key). Kinakailangan.
  'list': 'Search Results',
  'position': 1,
  'dimension1': 'Member'
});

ga('send', 'pageview');       // Ipadala ang impression na may hit ng pageview.

 

Ang Mga Product ID na ipinadala mula sa iyong pagpapatupad ng Pinahusay na Ecommerce ay itutugma sa Mga SKU ng Produkto sa na-import mong Set ng Data ng produkto, at awtomatikong pupunuin ang iyong mga ulat gamit ang karagdagang data ng produkto na in-upload mo.

Ikawalong Hakbang: Tingnan ang data sa mga ulat

Dahil mga custom na dimensyon ang Kulay at Sukat, hindi awtomatikong lalabas ang mga ito sa mga karaniwang ulat, ngunit maaari mong idagdag ang mga ito bilang mga pangalawang dimensyon. Halimbawa, sa ulat ng Pagganap ng Produkto, maaari mong piliin ang SKU ng Produkto bilang pangunahing dimensyon, at pagkatapos ay idagdag ang Kulay o Laki bilang pangalawang dimensyon. Maaari ka ring gumawa ng custom na ulat gamit ang anuman sa mga sukatan ng Pinahusay na Ecommerce (hal., Kita sa Produkto, Mga Natatanging Pagbili, Dami), at pagkatapos ay maaari mong idagdag ang SKU ng Produkto, Kulay at Laki bilang mga dimensyon.

Kailangang maproseso ang na-upload na data bago ito lumabas sa mga ulat. Kapag nakumpleto na ang pagpoproseso, maaaring umabot ng hanggang 24 na oras bago mailapat ang na-import na data sa papasok na hit data.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13439600648903321255
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false