I-set up ang Pagsubaybay sa Ecommerce

Magdagdag ng Pagsubaybay sa Ecommerce sa iyong website o app.

Upang makita ang data ng Ecommerce sa iyong mga ulat ng Analytics, kailangan mong:

  • I-enable ang Ecommerce para sa bawat view kung saan mo gustong makakita ng data.
  • Magdagdag ng code sa iyong site para kolektahin ang data ng ecommerce at ipadala ito sa Analytics. Para kumpletuhin ang gawaing ito, kailangang kumportable ka sa pag-edit ng HTML at pag-code sa JavaScript, o humingi ng tulong sa may karanasang web developer.
Sa artikulong ito:

I-enable ang Ecommerce para sa isang view

Kailangan mong i-enable ang Ecommerce para sa bawat view kung saan mo gustong makakita ng data.

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. I-click ang Admin, at mag-navigate sa view na gusto mo.
  3. Sa column na VIEW, i-click ang Mga Setting ng Ecommerce.
  4. Itakda ang I-enable ang Ecommerce sa NAKA-ON.
  5. I-click ang I-save.

Pag-set up ng tracking-code sa pamamagitan ng Google Tag Manager

Kung gumagamit ka ng Google Tag Manager para pamahalaan ang iyong tracking code, basahin ang gabay sa pag-set up para sa Pagsubaybay sa Ecommerce.

Pag-setup sa tracking-code (web)

Kung hindi mo pa nase-set up ang basic na pagsubaybay sa page, gawin muna ito.

Kung gumagamit ka ng isang third-party na shopping cart, o iyong sinusubaybayan ang mga transaksyon sa mga hiwalay na domain, kakailanganin mong i-set up ang pagsubaybay na cross-domain. Kung ang iyong software ng shopping cart at site ng ecommerce ay nasa parehong domain, hindi mo kailangang magsagawa ng pagsubaybay na cross-domain.

Para makolekta ang data ng ecommerce mula sa isang website, kailangan mong magdagdag ng JavaScript sa iyong site na ipinapadala sa Analytics ang data ng transaksyon at produkto. Sumangguni sa dokumentasyon ng Pagsubaybay sa Ecommerce.

Pag-set up ng tracking-code (app)

Upang kolektahin ang data ng ecommerce mula sa isang mobile app, gamitin ang isa sa Mga Analytics SDK.

Para mangolekta ng data ng ecommerce sa isang device na nakakonekta sa Internet (halimbawa, point-of-sale na device, pero hindi website o mobile app), sumangguni sa Pagsubaybay sa Ecommerce o Pagsubaybay sa Pinahusay na Ecommerce sa developer guide para sa Protocol ng Pagsukat.

I-troubleshoot ang pagsubaybay at pag-uulat sa Ecommerce

Gamitin ang troubleshooter ng pagsubaybay at pag-uulat sa Ecommerce para tumukoy at maglutas ng mga problema.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17894661458484026364
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false