I-set up ang pangkalahatang tag ng site ng Analytics

Sa artikulong ito:

Mga pangunahing tagubilin

  1. Kung hindi mo pa nagagawa, gumawa ng property sa Universal Analytics para sa bawat website kung saan mo gustong mangolekta ng data.

    Kapag gumawa ng property, magkakaroon ng natatanging Tracking ID at Google tag kung saan kasama ang Tracking ID para sa property na iyon. Tingnan ang sumusunod na seksyon para sa impormasyon tungkol sa paghahanap sa iyong Tracking ID at Google tag.
  2. Kopyahin at i-paste ang Google tag pagkatapos ng pambukas na tag na <head> sa bawat page na gusto mong sukatin.

Hanapin ang iyong Tracking ID at Google tag

  1. Mag-sign in sa iyong Analytics account.
  2. I-click ang Admin.
  3. Pumili ng account mula sa menu sa column na ACCOUNT.
  4. Pumili ng property mula sa menu sa column na PROPERTY.
  5. Sa ilalim ng PROPERTY, i-click ang Impormasyon sa Pagsubaybay > Tracking Code.

    Ipinapakita ang iyong Tracking ID sa itaas ng page.

    Ipinapakita ang iyong Google tag sa ibaba pa ng page sa text box sa ilalim ng Pagsubaybay sa Website > Google tag (gtag.js)

Ang Google tag

Ang Google tag ay ilang linya ng code na kailangan mong i-paste sa bawat webpage na gusto mong sukatin:

<!-- Google tag (gtag.js) -->

... (ilang linya ng code) ...

</script>

Para idagdag ang Google tag sa iyong mga webpage:

  1. Kopyahin ang lahat ng content ng text box.
  2. I-paste ito pagkatapos ng pambukas na tag na <head> sa bawat page na gusto mong sukatin.

I-set up ang pangongolekta ng data batay sa iyong uri ng site

Nag-iiba-iba ang paraan ng pangongolekta ng data sa Analytics depende sa uri ng website na ginagamit mo:

Static na website

Ang static na website ay hindi bumubuo ng HTML gamit ang language o interface ng programming gaya ng Python o PHP. Para mangolekta ng data, kailangan mong kopyahin at i-paste ang Google tag sa source code sa bawat webpage na gusto mong sukatin.

  1. Hanapin ang Google tag para sa iyong property, at kopyahin ang eksaktong code nang hindi ito ine-edit.
  2. I-paste ang iyong code (hindi binago at nang buo) pagkatapos ng pambukas na tag na <head> sa bawat page na gusto mong sukatin.

Matuto pa tungkol sa kung paano mangolekta at magpadala ng data sa maraming property sa Analytics mula sa mga webpage.

Dynamic na website

Ang dynamic na website ay bumubuo ng HTML gamit ang language o interface ng programming gaya ng Python, PHP, atbp. Para mangolekta ng data, isama ang Google tag sa source code para sa bawat web page na gusto mong sukatin. Puwede kang gumamit ng common include o template para ilagay ang Google tag sa bawat web page sa dynamic na paraan.

  1. Hanapin ang Google tag para sa iyong property, at kopyahin ang eksaktong code nang hindi ito ine-edit.
  2. I-paste ang iyong Google tag sa sarili nitong include file.
  3. I-link ang include file para lumabas ang snippet pagkatapos ng pambukas na tag na <head> sa bawat page na gusto mong sukatin.

Kung gumagamit ka ng PHP:

  1. Hanapin ang Google tag para sa iyong property, at kopyahin ang eksaktong code nang hindi ito ine-edit.
  2. I-paste ang iyong Google tag sa file na may pangalang "analyticstracking.php."
  3. Isama ang analyticstracking.php file sa bawat page ng template ng PHP.
  4. Para sa bawat page ng template, pagkatapos mismo ng pambukas na tag na <body>, idagdag ang sumusunod na code:
    <?php include_once("analyticstracking.php") ?>

Tandaan na puwede mong i-update ang Google tag para sa mga dynamic na website sa mas mahusay na paraan gamit ang Google Tag Manager.

Serbisyo sa web hosting (hindi ikaw ang nagkokontrol ng code ng page)

Pinapasimple ng ilang Internet service provider o platform ng pag-host (hal., Wordpress, GoDaddy, Wix, Weebly) ang pag-install ng Google tag sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga plug-in na awtomatikong nag-i-install ng Analytics sa iyong mga web page.

Narito ang mga tagubilin sa Analyticsbimplementation para sa ilang karaniwang provider:

Tandaan na kapag gumamit ka ng plug-in para mangolekta ng data, baka wala kang opsyong magdagdag ng mga setting ng configuration para i-customize ang data na gusto mong sukatin. Kung mayroon kang mga espesyal na kinakailangan para sa pagsukat sa data, suriin kung paano magsimula sa Analytics.

Website na gumagamit ng Google Tag Manager

Ang Google Tag Manager ay isang libreng tool na nakakatulong na magdagdag at mamahala ng maraming tag ng analytics at pagsubaybay sa site. Para gamitin ang Google Tag Manager sa pag-install ng iyong Google tag, basahin ang gabay sa pag-set up at pag-install ng Google Tag Manager.

I-verify na gumagana ang iyong Google tag

Para i-verify kung gumagana ang tag, bisitahin ang iyong website, at pagkatapos ay tingnan ang mga Real-Time na ulat sa Analytics para i-verify kung nairehistro ang pagbisita mo.

Puwede mo ring gamitin ang Google Tag Assistant para tukuyin kung tama ba ang pagpapatupad sa iyong tag.

I-download ang Tag Assistant | Matuto pa tungkol sa paggamit sa Tag Assistant

Developer Guide sa gtag.js

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12667074630819164046
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false