Mga kinakailangan sa image ad

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Ang mga image ad ay naglalaman ng larawan kasama ang iyong ad at available ang mga ito sa iba't ibang dimensyon. Napapailalim ang mga image ad sa karaniwang mga patakaran ng Google Ads at sa mga kinakailangan sa ibaba. Tandaang nalalapat din ang mga kinakailangang ito sa mga Overlay na image ad at HTML5 ad.

Animation sa mga image ad

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Mga animation na tumatagal nang mahigit 30 segundo

Tandaan:  Sa loob lang ng 30 segundo puwedeng mag-loop ang animation; hindi na maaaprubahan ang higit doon.

 

Hindi na sinusuportahan ang mga HD animated na gif sa Google Ads

Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset. Kung hindi mo ma-edit ang larawan para matugunan ang kinakailangang ito, mag-upload ng ibang larawan na sumusunod sa patakaran.

Mga nauugnay na patakaran at madalas na hindi pag-apruba

Ang mga sumusunod na patakaran ng Google Ads ay partikular na nauugnay sa mga image ad at kadalasang naiuugnay sa mga hindi pag-apruba. Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.

Kalidad ng larawan

Dapat matugunan ng lahat ng larawang ginagamit sa pag-advertise ang ilang partikular na pamantayan sa kalidad. Dapat ay sumusunod ang layout ng larawan sa mga pamantayan ng Google Ads at hindi maaaring malabo ang mismong larawan. Tingnan ang Patakaran sa kalidad ng larawan para sa higit pang impormasyon.

Hindi malinaw na kaugnayan

May kaugnayan dapat ang lahat ng impormasyon sa kung ano ang iyong ina-advertise. Halimbawa, iisang advertiser dapat ang kinakatawan ng lahat ng isinumiteng field ng ad at may kaugnayan dapat ang mga ito sa pino-promote na produkto. Tingnan ang patakaran sa Hindi malinaw na kaugnayan para sa higit pang impormasyon.

Nakakapanlinlang na content

Dapat tumpak at naglalarawan ang lahat ng impormasyon sa kung ano ang iyong ina-advertise. Tingnan ang Patakaran sa nakakapanlinlang na content para sa higit pang impormasyon.

Hindi puwedeng maglaman ang mga image ad ng mga larawang may hawig sa mga babala sa site o mensahe ng error, at hindi puwedeng magmukhang mahigit sa isang ad ang mga larawan.

Sekswal na content

Para mapanatiling may kaugnayan at ligtas ang mga ad para sa mga user, pinaghihigpitan ng Google ang sekswal na content sa ilang partikular na sitwasyon. Tingnan ang Patakaran sa sekswal na content para sa higit pang impormasyon.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9319713000187882111
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false