Tungkol sa mga text ad

Mahalaga
  • Simula Hunyo 30, 2022, hindi ka na makakagawa o makakapag-edit ng pinalawak na mga text ad.
  • Patuloy na ihahatid ang pinalawak na mga text ad, at makikita mo pa rin ang mga ulat sa performance ng mga ito sa hinaharap.
  • Puwede mo pa ring i-pause at ipatuloy ang iyong pinalawak na mga text ad, o alisin ang mga ito kung kinakailangan.
  • Lubos ka naming hinihikayat na lumipat sa mga responsive na search ad.
  • Matuto pa tungkol sa pagbabagong ito sa pinalawak na mga text ad
Kamakailan, gumawa kami ng mga pagbabago sa mga pinalawak na text ad para magkaroon ka ng mas malaking espasyo para maiparating ang iyong mensahe sa mga customer. Ngayon, magagawa mo nang:
  • Magdagdag ng pangatlong headline
  • Magdagdag ng pangalawang paglalarawan
  • Gumamit ng hanggang 90 character para sa bawat paglalarawan

Lumalabas ang mga text ad sa Search Network sa itaas at sa ibaba ng mga resulta ng paghahanap sa Google. Mayroon itong 3 bahagi: isang display URL, text ng headline, at text ng paglalarawan.

Ad · www.example.com/insurance

Komprehensibong Insurance | Abot-kayang Insurance Mo | Kumuha ng Libreng Quote Ngayon

Magkaroon ng mura at maaasahang insurance. 10% diskwento sa lahat ng online quote. Madaling maghambing ng mga insurance plan sa loob lang ng ilang segundo.

Bakit posibleng hindi mo makita ang iyong mga search ad

Posibleng walang ad sa lahat ng resulta ng paghahanap, maging sa mga query kung saan nagbi-bid ang mga advertiser. Baka madalas mong mapansing walang ad sa isang page, kahit na nagbi-bid ang isang advertiser sa mga termino para sa paghahanap na bumuo sa mga resultang iyon.
 
Para matiyak na mataas ang kalidad ng content ng ad sa mga resulta ng paghahanap, hinihiling ng Google na matugunan ng lahat ng ad ang isang partikular na antas ng kalidad. Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi talaga maipakita ang mga ad na mababa ang kalidad (kahit na mataas ang mga bid ng mga ito). Matuto pa tungkol sa kalidad ng ad.

Headline

Mas malamang na mapansin ng mga tao ang text sa headline ng iyong ad, kaya pag-isipang magsama ng mga salitang maaaring inilagay ng mga tao sa kanilang paghahanap sa Google. Ang iyong text ad ay binubuo ng tatlong headline kung saan maaari kang maglagay ng hanggang 30 character sa bawat isa para i-promote ang produkto o serbisyo mo. Ang mga headline ay pinaghihiwa-hiwalay ng vertical pipe ("|") at posibleng iba't iba ang kalabasan ng mga ito batay sa device na ginagamit ng isang tao kapag tiningnan niya ang iyong ad.

Display URL

Ipinapakita ng display URL, na karaniwan ay kulay berde, ang address ng iyong website. Binubuo ang display URL na ito ng domain mula sa iyong final URL at ng text sa opsyonal na mga field na ”Path.” Dinisenyo ang mga field na ito upang tulungan ang mga taong nakakakita sa iyong ad na magkaroon ng mas magandang ideya sa kung saan sila dadalhin kapag na-click nila ito. Ang text ng iyong pat ay hindi kailangang tumugma sa eksaktong wika ng iyong display URL.

Paglalarawan

Gamitin ang mga field ng paglalarawan para mag-highlight ng mga detalye tungkol sa iyong produkto o serbisyo. Magandang ideya ang magsama ng “call to action”—ang pagkilos na gusto mong gawin ng iyong customer. Kung isa kang online na tindahan ng sapatos, puwedeng kasama sa iyong paglalarawan ang “Bumili na” o “Bumili ng na ng sapatos.” Kung nag-aalok ka ng serbisyo, puwede kang magdagdag paglalarawang gaya ng “Makakuha ng instant na quote online” o “Tingnan ang pagpepresyo.”

Mga limitasyon sa haba

Field Max na haba
Headline ng Ad 1 30 character
Headline ng Ad 2 30 character
Headline 3 30 character
Paglalarawan 1 90 character
Paglalarawan 2 90 character
Path (2) 15 character bawat isa


Sa pinalawak na mga text ad, magkakapareho ang mga limitasyon sa haba sa lahat ng wika. Ang bawat character sa mga double-width na wika tulad ng Korean, Japanese o Chinese ay dalawa ang katumbas na bilang sa limitasyon sa halip na isa lang.

Para makita kung ano ang hitsura ng mga ad mo sa page ng resulta ng paghahanap sa Google nang hindi naaapektuhan ang iyong mga istatistika ng ad, gamitin ang tool sa Pag-preview ng Ad at Diagnosis.

Tip

Puwede kang magbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong negosyo, tulad ng lokasyon nito, numero ng telepono o mga karagdagang deep link sa website mo, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga asset sa iyong mga text ad. Matuto pa tungkol sa mga asset ng ad

Puwede ka ring gumamit ng dynamic na text para i-customize ang iyong ad sa bawat tao. Matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng mga text ad na may naka-customize na text

Paggamit ng mga espesyal na character sa iyong mga ad

Ang karamihan sa mga character na hindi English, kasama na ang mga tilde, umlaut at cedilla, ay lalabas nang tama sa iyong mga ad, pati na sa display URL.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3517755770072420070
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false