Mga kinakailangang dokumento para sa pag-verify ng advertiser

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Inaatasan ng Google ang mga advertiser na tapusin ang pag-verify ng pagkakakilanlan bilang bahagi ng programa para sa pag-verify ng advertiser.

Para sa pag-verify ng pagkakakilanlan, posibleng atasan ang mga advertiser na magsumite ng isa sa mga tinatanggap na dokumentong nakalista sa ibaba batay sa lokasyon kung saan nakarehistro ang kanilang organisasyon, o kung saan sila residente kung indibidwal sila.

Tandaan: Ang mga kinakailangang dokumento ay batay sa uri ng iyong account na “organisasyon” o “Indibidwal.” Puwede mong tingnan ang iyong “Uri ng account” sa profile sa mga pagbabayad mo sa Google Ads sa pamamagitan ng page na “Mga Setting” para sa “Pagsingil at Mga Pagbabayad.” Kung “Indibidwal” ang iyong “Uri ng account,” pero kailangan mong mag-verify bilang organisasyon o vice versa, makipag-ugnayan sa amin bago simulan ang proseso ng pag-verify. Required ang mga dokumentong ito para matagumpay na makumpleto ang proseso ng pag-verify.

Kapag magsusumite ka ng photo ID na bigay ng gobyerno, siguraduhin na:

  • Valid (hindi expired) ang ID
  • Colored, hindi black and white, ang larawan
  • Malinaw at maliwanag ang larawan
  • Hindi dapat photocopy ang larawan

Hindi ibabahagi ang personal na data at mga dokumento sa anumang third party, alinsunod sa Patakaran ng Google sa proteksyon ng data.

Mga tinatanggap na dokumento ayon sa lokasyon

For advertisers in South Sudan, learn more about Document requirements for advertiser verification in South Sudan.

Inaatasan ang mga organisasyon na magsumite ng isa sa mga sumusunod na dokumento ng pagpaparehistro para sa pag-verify ng pagkakakilanlan ng advertiser. Kabilang sa mga tinatanggap na dokumento ang:

  • Certificate ng Pagpaparehistro ng Negosyo

Kailangan ng mga indibidwal at awtorisadong kinatawan ang kanilang mobile phone para tapusin ang pag-verify ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mobile carrier nila.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6126029806941529545
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false