Pagsusugal at mga laro

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

Sinusuportahan namin ang pag-advertise ng responsableng pagsusugal at sumusunod kami sa mga lokal na batas sa pagsusugal at pamantayan sa industriya, kaya hindi namin pinapayagan ang ilang partikular na uri ng pag-advertise na nauugnay sa pagsusugal. Pinapayagan ang mga ad na nauugnay sa pagsusugal kung nakakasunod ang mga ito sa mga patakaran sa ibaba at kung nakatanggap ang advertiser ng tamang certification sa Google Ads. Ang mga ad tungkol sa pagsusugal ay dapat na nagta-target ng mga naaprubahang bansa, may landing page na nagpapakita ng impormasyon tungkol sa responsableng pagsusugal, at hindi kailanman nagta-target ng mga menor de edad. Tingnan ang mga lokal na regulasyon para sa mga lugar na gusto mong i-target.

Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng content na nauugnay sa pagsusugal na pinapayagan lang namin sa ilalim ng ilang partikular na kundisyon.

Offline na pagsusugal

Pag-promote ng mga establisimiyento sa pagsusugal na gumagamit ng tunay na pera

Mga Halimbawa: Mga "brick and mortar casino” sa Las Vegas o Macau, entertainment event sa mga casino, streaming ng mga offline na poker tournament

Online na pagsusugal

Kung gusto mong mag-advertise para sa online na pagsusugal, dapat ay certified ka ng Google. Alamin kung paano mag-apply para sa certification.

Pag-promote ng online na pagsusugal na gumagamit ng totoong pera

Mga Halimbawa: Mga online na casino o bookmaker, mga site o app ng bingo o slots, online na pagbili ng ticket ng lotto o scratch card, online na pagpusta sa sports, mga larong ginagamitan ng mga virtual na currency o item na may halaga sa totoong buhay

Pag-promote ng mga site na naglalaman o nagli-link sa content na nauugnay sa online na pagsusugal

Mga Halimbawa: Mga pampromosyong produkto tulad ng mga voucher o bonus code; mga kagamitan sa pag-aaral gaya ng mga tutorial o e-book; software tulad ng mga poker odds calculator; iba pang impormasyong nauugnay sa pagsusugal kabilang ang mga tip, odd, pagha-handicap, at sports pick; mga site ng aggregator o affiliate na nagpo-promote ng content na nauugnay sa pagsusugal

Mga online na larong hindi pang-casino

Anumang laro na nakabase sa internet kung saan pera o iba pang mahalagang item ang ibinabayad o ipinupusta kapalit ng pagkakataong manalo ng tunay na pera o premyo base sa kahihinatnan ng laro

Mga halimbawa: Fantasy sports, online na paligsahan sa chess, o "match-three" na mga video game na nilalaro para sa pera o mga premyo

Mga social na larong pang-casino

Pinapayagan ang mga ad ng social na larong pang-casino kung nakakasunod ang mga ito sa mga patakaran sa ibaba at natanggap ng advertiser ang naaangkop na certification sa Google Ads. Mga naaprubahang bansa dapat ang i-target ng mga ad ng social na larong pang-casino at hindi dapat humikayat ng mga menor de edad ang mga ito. Tingnan ang mga lokal na regulasyon para sa mga lugar na gusto mong i-target.

Pag-promote ng mga social na larong pang-casino, na mga online na simulated na laro ng pagsusugal kung saan walang pagkakataong manalo ng anumang may halaga, tulad ng pera o mga papremyo.

Para sa mga ad at destinasyon ng social na larong pang-casino, hindi pinapayagan ang mga sumusunod:

Mga destinasyon ng social na larong pang-casino na nag-aalok ng pagsusugal o mga laro kung saan may pagkakataong manalo ng totoong pera o mga papremyo batay sa resulta ng laro. 

Pag-promote ng mga destinasyon ng "pagsusugal na gumagamit ng totoong pera." Kasama rito ang mga advertisement na may kaugnayan sa pagsusugal na lumalabas sa iyong destinasyon ng mga social na larong pang-casino.

Mga paghihigpit sa bansa para sa pagsusugal

Bukod sa mga kinakailangan sa itaas, puwedeng mayroon pang mga karagdagang paghihigpit batay sa kung aling mga bansa ang tina-target ng iyong campaign. Tingnan ang mga paghihigpit ayon sa bansa sa ibaba. Kung hindi nakalista ang isang bansa, nangangahulugan itong hindi kasalukuyang sinusuportahan ng Google Ads ang pag-advertise ng pagsusugal sa bansang iyon. 

Tingnan ang mga kinakailangan sa bansa
Asia-Pacific
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Mahjong Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-promote ng Mahjong kapag may sangkot na palitan ng pera.
Australia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay isang lisensyadong operator na nakarehistro sa isang naaangkop na Australian State o Territory at magbibigay ng valid na lisensya:
  • Pagtaya sa sports
  • Mga Lotto
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Impormasyon sa online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong nauugnay sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay isang lisensyadong operator na nakarehistro sa isang naaangkop na Australian State o Territory at magbibigay ng valid na lisensya:

  • Mga materyal sa pag-promote na nauugnay sa pagsusugal gaya ng mga voucher at bonus code
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Austria
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produkto ng online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay lisensyado ng Austrian Ministry of Finance alinsunod sa lahat ng naaangkop na regulasyon sa Austria at, pagdating sa pagtaya sa sports, magbibigay rin siya ng valid na numero ng pahintulot sa pagtaya sa sports na ibinigay ng pamahalaan ng estado sa kahit man lang isang Estado ng Austria alinsunod sa lahat ng naaangkop na regulasyon sa Austria.
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay lisensyado alinsunod sa lahat ng naaangkop na regulasyon sa Austria at, pagdating sa pagtaya sa sports, magbibigay siya ng valid na numero ng pahintulot sa pagtaya sa sports na ibinigay ng pamahalaan ng estado sa kahit man lang isang Estado ng Austria alinsunod sa lahat ng naaangkop na regulasyon sa Austria.

  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Belgium
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na mga produkto ng online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay isang kumpanyang nakarehistro sa Belgium, at kung nangangailangan ng lisensya ang aktibidad ng online na pagsusugal, magbibigay ang advertiser ng valid na numero ng lisensya:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino
  • Mga site ng paghahambing ng online na pagsusugal hangga't walang nangyayaring online na pagsusugal sa aggregator site

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay isang kumpanyang nakarehistro sa Belgium, at kung nangangailangan ng lisensya ang kaugnay na aktibidad ng online na pagsusugal, magbibigay siya ng valid na numero ng lisensya:

  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Brazil
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Brazil:
  • Mga Lotto
  • Karera ng kabayo
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng iba pang serbisyo sa pagsusugal na lisensyado sa Brazil, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga site na ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o hindi kontrolado ng aggregator.
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Bulgaria
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Bulgaria:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Mga online na larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Bulgaria:
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Canada
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produkto ng online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:

  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

China
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
  • Pisikal na kagamitan sa pagsusugal
Mga online na larong hindi pang-casino Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga.
Colombia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Pinapayagan Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't nakarehistro ang advertiser sa Colijuegos at magbibigay siya ng valid na lisensya:
  • Mga slot o chance machine
  • Roleta
  • Black Jack
  • Baccarat
  • Bingo
  • Poker
  • Pagtaya sa sports at mga larong fantasy sports
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa -- o ng paghahambing ng -- iba pang serbisyo sa pagsusugal na lisensyado sa Colombia, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o kinokontrol ng aggregator.
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Croatia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Croatia:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Mga online na larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng iba pang serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga site na ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o hindi kontrolado ng aggregator.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Croatia:
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Czechia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Czechia:
  • Online na bingo
  • Mga Lotto
  • Mga online na larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Denmark
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad para sa mga sumusunod na uri ng online na pagsusugal hangga't ang operator ay lisensyado ng Danish Gambling Authority:
  • Pagsusugal na nakabase sa lokasyon
  • Mga online na larong pang-casino
  • Online na pagtaya
  • Pagtaya sa sports
  • Mga paligsahang fantasy sports
  • Mga slot machine
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Puwede ring mag-apply ang mga advertiser na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, mga serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya, kundi dapat na mag-link lang sa mga site ng mga lisensyadong operator.

Online na pagsusugal na pinapatakbo ng estado Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga lisensyadong operator sa estado na i-advertise ang mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal
  • Mga Paligsahan/Sweepstake
  • Mga scratch game
  • Bingo
  • Karera ng kabayo
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Puwede ring mag-apply ang mga advertiser na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, mga serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya, kundi dapat na mag-link lang sa mga site ng mga lisensyadong operator.

Egypt
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
Estonia

Finland
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

France
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa ARJEL (Autorité de Régulation des Jeux En Ligne), magbibigay ng valid na numero ng lisensya sa pagpapatakbo, nagpapatakbo sa domain na ".fr," at nagpa-publish ng babala sa landing page at gayundin ng anumang image ad laban sa labis o pathological na paglalaro pati na rin ng mensaheng tumutukoy sa tulong at system ng impormasyon gaya ng inaasahan ng mga batas sa pagsusugal:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino
  • Mga Lotto

Ang mga aggregator ng pagsusugal ay mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwede lang magbigay ang mga ito ng mga link sa mga site ng pagsusugal na may lisensya sa pagpapatakbo ng ARJEL, pero hindi pinapatakbo o hindi kontrolado ng aggregator. Dapat magpakita ang mga aggregator ng mensahe sa landing page na nagbibigay ng babala laban sa sobra-sobra o pathological na paglalaro.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa ARJEL (Autorité de Régulation des Jeux En Ligne), magbibigay ng valid na numero ng lisensya sa pagpapatakbo, nagpapatakbo sa domain na ".fr," at nagpa-publish ng babala sa landing page at gayundin ng anumang image ad laban sa labis o pathological na paglalaro pati na rin ng mensaheng tumutukoy sa tulong at system ng impormasyon gaya ng inaasahan ng mga batas sa pagsusugal:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Germany
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Pagtaya sa sports, pagtaya sa karera ng kabayo, mga lotto Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad para sa mga sumunod na online na pagsusugal sa kundisyong may hawak ang operator o tagapamagitan ng isang valid na lisensya ng operator ng pagsusugal o lisensya ng tagapamagitan at pahintulot ng advertisement, na parehong ibinigay ng mga kwalipikadong awtoridad ng Germany.
  • Pagtaya sa sports
  • Pagtaya sa karera ng kabayo
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply. Dapat ding sundin ng lahat ng advertiser ang mga alituntunin sa advertisement na makikita sa recht.nrw.de.

Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang anumang "larong suwertihan" (Glücksspiel sa German) gaya ng mga raffle.
Greece
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang operator ay naaangkop na pinapahintulutan ng mga awtoridad sa Greece:
  • Mga larong pang-casino
  • Bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad para sa mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't may naaangkop na pahintulot ang operator mula sa mga awtoridad sa Greece:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Hong Kong
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal, kapag pinapatakbo ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa sports

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Hungary
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga online na larong pang-casino at pagtaya sa sports hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa naaangkop na Hungarian Gambling Authority o sa State Tax Authority at magbibigay siya ng valid na lisensya.

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:

  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong nauugnay sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa naaangkop na Hungarian Gambling Authority o sa State Tax Authority at magbibigay ng valid na lisensya:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

India
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na nauugnay sa pagsusugal:
  • Pagsusugal na batay sa lokasyon o "brick-and-mortar"
Mga online na larong hindi pang-casino Pinapayagan

Pinapayagan ng Google ang pag-promote ng Pang-araw-araw na Fantasy Sports hangga't hindi nagpo-promote ng anupamang uri ng online na pagsusugal ang advertisement. Hindi puwedeng i-target ng mga ad ng Pang-araw-araw na Fantasy Sports ang mga sumusunod na estado:

  • Andhra Pradesh, Assam, Nagaland, Odisha, Sikkim, Tamil Nadu, at Telangana.
Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Mga online na larong pang-casino Pinapayagan

Hindi pinapayagan ng Google ang pag-promote ng anumang online na larong pang-casino maliban sa Rummy.

Pinapayagan ng Google Ads ang mga advertisement ng Rummy na i-target ang India hangga't hindi nagpo-promote ang advertisement ng anupamang uri ng online na pagsusugal. Hindi puwedeng i-target ng mga Rummy ad ang mga sumusunod na estado:  

  • Andhra Pradesh, Assam, Nagaland, Odisha, Sikkim, Tamil Nadu, at Telangana. 
Indonesia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
Mga online na larong hindi pang-casino Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga.
Republic of Ireland (hindi kasama ang Northern Ireland)
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro bilang isang bookmaker sa Revenue Commissioners at magbibigay siya ng valid na numero ng lisensya:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino
  • Mga site ng paghahambing ng online na pagsusugal hangga't walang nangyayaring online na pagsusugal sa aggregator site

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong nauugnay sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro bilang isang bookmaker sa Revenue Commissioners at magbibigay siya ng valid na numero ng lisensya:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Israel
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Italy
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Mga ad lang na nagpo-promote ng mga lotto na may deferred drawing mula sa mga entity na pinapatakbo ng estado ang pinapayagan ng Google. Hindi pinapayagan ang mga ad na nagpo-promote ng mga brick-and-mortar na casino at online na pagsusugal.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Japan
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang pagsusugal na kinokontrol ng pamahalaan (karera ng kabayo, motorboat, bisikleta, at sasakyan), pero mga anunsyo lang mula sa mga organizer ng event. Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa pagsusugal online sa mga event.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Kenya
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na Pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng awtoridad sa pagsusugal sa Kenya:
  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa Sports
  • Mga Online na Larong Pang-casino
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Korea
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo o lisensyado ng estado:
  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa sports

Dapat certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Latvia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Lithuania
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Lithuania:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Mga online na larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Malaysia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
Mga online na larong hindi pang-casino Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga.
Mexico
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng online na pagsusugal hangga't mapapatunayan ng advertiser na ang kaugnay na landing page ay pinapatakbo ng isang operator na nakarehistro sa Secretaria de Gobernacion at magbibigay siya ng valid na numero ng lisensya, o pinapatakbo ito ng Pronósticos para la Asistencia Pública at magbibigay ito ng kopya ng valid na kasunduang nagpapatunay sa katangian nito bilang ahensya (comisionista) o partner sa pag-promote (socio promocional):
  • Mga online na larong pang-casino (kasama ang mga slot machine)
  • Bingo
  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa sports
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwede lang magbigay ang mga ito ng mga link sa mga site ng pagsusugal na may valid na lisensya sa pagpapatakbo sa Mexico, pero hindi pinapatakbo o hindi kontrolado ng aggregator. 

Ang mga advertiser o operator ay dapat mag-publish ng babala sa kanilang landing page at pati na rin sa mga ad nila na nagsasaad na hindi para sa mga menor de edad ang pagsusugal (tulad ng "prohibido para menores" at naglalaman dapat ang mga ito ng mga mensaheng humihimok sa mga tao na maglaro sa responsableng paraan (tulad ng "juega responsablemente").

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Morocco
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
Netherlands
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

New Zealand

Nigeria
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na Pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng awtoridad sa pagsusugal sa Nigeria:
  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa Sports
  • Mga Online na Larong Pang-casino
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Northern Ireland
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Offline na pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang content ng offline na pagsusugal, kasama ang mga brick-and-mortar na casino.
Online na pagsusugal Hindi pinapayagan (bukod sa mga lotto) Hindi pinapayagan ng Google ang content ng online na pagsusugal, kasama ang:
  • Mga larong pang-casino
  • Bingo
  • Pagtaya sa sports

Tandaan: Pinapayagan ang mga lotto na pagmamay-ari ng Estado o lisensyado ng pamahalaan ng UK.

Norway
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Peru
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang content ng online na pagsusugal, kasama ang:
  • Mga larong pang-casino
  • Bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga Lotto
Pilipinas
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:
  • Mga larong pang-casino
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga online na larong hindi pang-casino Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga.
Portugal
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa Portugal:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa — o ng paghahambing ng — iba pang serbisyo sa pagsusugal na lisensyado sa Portugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o kinokontrol ng aggregator.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa Portugal:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Romania
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa naaangkop na awtoridad at magsusumite ng valid na lisensya:
  • Mga larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports
  • Bingo
  • Mga Lotto
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o kinokontrol ng aggregator.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa naaangkop na awtoridad at magsusumite ng valid na lisensya:

Russia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
  • Mga larong walang kaugnayan sa casino/pagsusugal para sa pera
Mga pambansa o pang-estadong lottery Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga pambansa o pang-estadong lottery. Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Serbia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa naaangkop na awtoridad at magsusumite ng valid na lisensya:
  • Mga larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports
  • Bingo
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o kinokontrol ng aggregator.

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:

  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa naaangkop na awtoridad at magsusumite ng valid na lisensya:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Singapore
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
  • Online na pagsusugal
Slovakia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa Slovakia:
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Mga online na larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal hangga't lisensyado ang mga ito ng mga awtoridad sa Slovakia:
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Slovenia
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:
  • Mga Lotto
Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
South Africa
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:

  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa Sports
Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.
Spain
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng online na pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa awtoridad sa pagsusugal sa Spain at magbibigay ng mga valid na lisensya:
  • Mga larong pang-casino
  • Pagtaya sa sports
  • Bingo
  • Mga Raffle
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong nauugnay sa pagsusugal hangga't ang advertiser ay nakarehistro sa awtoridad sa pagsusugal sa Spain at magbibigay ng mga valid na lisensya:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Sweden
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga operator na lisensyado ng Spelinspektionen:
  • Mga Lotto
  • Online na pagsusugal
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga operator na lisensyado ng Spelinspektionen:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Switzerland
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga Lotto
  • Mga online na larong pang-casino

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:

  • Pagtaya sa sports

Para sa parehong nasa itaas, certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Taiwan
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Thailand

  • Pagtaya sa sports (karera ng kabayo lang)
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga online na larong hindi pang-casino Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga.
Turkey
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga Lotto
  • Pagtaya sa sports

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping
  • Mga lotto na may kaugnayan sa pagsusugal

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser.

Ukraine
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Nakabase sa lokasyon o "brick-and-mortar" na pagsusugal
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:
  • Mga Lotto

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

United Arab Emirates
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
United Kingdom
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng sumusunod na content ng online na pagsusugal hangga't nakarehistro ang advertiser sa Gambling Commission at magbibigay ng valid na numero ng lisensya sa pagpapatakbo.
  • Online na bingo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na larong pang-casino
  • Mga Lotto
  • Mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal, pero hindi sila ang mismong nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwedeng magbigay ang mga ito ng mga link sa mga serbisyo sa pagsusugal na hindi pinapatakbo o kinokontrol ng aggregator.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Tandaan: Hindi pinapayagan ng Google ang content ng online na pagsusugal sa Northern Ireland.

Mga produktong may kaugnayan sa pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na produktong may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga pampromosyong produkto na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga voucher, bonus code na may kaugnayan sa pagsusugal, atbp.
  • Mga materyal para sa pagtuturo at pag-aaral na may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga aklat at e-book
  • Impormasyong may kaugnayan sa pagsusugal gaya ng mga tip, odd, at handicapping

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Tandaan: Hindi pinapayagan ng Google ang content ng online na pagsusugal sa Northern Ireland.

United States
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Mga online na larong hindi pang-casino Pinapayagan nang may mga limitasyon Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga, maliban sa Pang-araw-araw na Fantasy Sports sa ilang partikular na estado kung saan ito legal.

Dapat matugunan ng mga advertiser ng Pang-araw-araw na Fantasy Sports ang mga sumusunod na kinakailangan, bukod pa sa pagkakaroon ng lisensya sa estado kapag kinakailangan:

  • Hindi puwedeng i-target ng mga ad ang mga menor de edad (wala pang 18 taong gulang).
  • Dapat magtampok sa landing page ng isang disclaimer na nagpapaliwanag na para lang sa mga nasa hustong gulang na user ang serbisyo.
  • Dapat ay nasa creative ng ad at/o sa landing page ang impormasyon para sa mga may problema sa pagsusugal.
  • Hindi puwedeng ipahiwatig ng mga advertiser na may affiliation sila sa mga paaralan o unibersidad.

Kung tina-target ng mga advertiser ang mga ad nila sa isang estado kung saan hindi kailangan ng lisensya, lisensyado dapat ang advertiser sa kahit isa pang estado kung saan kailangan ng lisensya para makapagpatakbo.

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply rito.

Online na pagsusugal Pinapayagan nang may mga limitasyon
Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na online na pagsusugal ng mga entity na pinapatakbo ng estado:
  • Mga Lotto

Pinapayagan ng Google ang mga ad na nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng online na pagsusugal ng mga entity na lisensyado ng estado kung saan ito legal:

  • Karera ng kabayo
  • Pagtaya sa sports
  • Mga online na casino
  • Ang mga advertiser ay dapat (1) hindi mag-target ng mga user na wala pang 21 o user sa labas ng (mga) estado kung saan lisensyado sila, at (2) maglagay ng babala laban sa mga panganib ng nakakahumaling at hindi mapigilang pagsusugal at impormasyon sa kaugnay na tulong sa landing page o sa creative

Dapat ding certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Vietnam
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Content na nauugnay sa pagsusugal Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang sumusunod na content na may kaugnayan sa pagsusugal:
  • Mga brick and mortar na casino
Mga online na larong hindi pang-casino Hindi pinapayagan Hindi pinapayagan ng Google ang pag-advertise para sa mga larong nakabatay sa Internet na gumagamit ng pera o iba pang item na may halaga bilang pambayad o pantaya para manalo ng mas malaking halaga ng pera o iba pang item na may halaga.

Mga paghihigpit sa bansa para sa mga social na larong pang-casino

Maaari lang mag-target ng mga ad ng social na casino ang mga Google Ads account sa mga bansang nakalista sa dalawang pangkat sa ibaba. Dahil sa mga pagkakaiba sa mga kinakailangang legal at teknikal, hindi maaaring mag-target ng mga bansa mula sa dalawang pangkat ang isang Google Ads account. Dapat gumawa ng hiwalay na account para sa bawat pangkat ang mga advertiser na gustong mag-target sa dalawang pangkat ng mga bansa.

Pangkat 1

Australia, Austria, Brazil, Bulgaria, Canada, Colombia, Czech Republic, Denmark, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Israel, Italy, Japan, Latvia, Lithuania, Mexico, Netherlands, New Zealand, Norway, Peru, Portugal, Romania, Russia, Serbia, Slovakia, South Africa, Spain, Sweden, Switzerland, United Kingdom, United States

Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Mga social na larong pang-casino Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad ng social na larong pang-casino kung: 
  • Ang advertiser ay ang operator (o isang ahensyang kumakatawan sa operator) ng mga social na larong pang-casino (hindi tatanggapin ang mga aggregator at affiliate)
  • Ang advertiser ay may valid na lokal na lisensya para sa pamamahagi ng kanyang mga laro sa mga tina-target na bansa, kapag naaangkop
  • Hindi gumagamit ng mga logo, pangalan, o marka ng pagsusugal na gumagamit ng totoong pera ang mga ad, site, o app

Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply

Pangkat 2

Pangkat 2

Hong Kong, India, Korea, Malaysia, Taiwan, Thailand, Vietnam
 
Produkto Pinapayagan? Mga Detalye
Mga social na larong pang-casino Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang mga ad ng social na larong pang-casino kung: 
  • Ang advertiser ay ang operator (o isang ahensyang kumakatawan sa operator) ng mga social na larong pang-casino (hindi tatanggapin ang mga aggregator at affiliate)
  • Ang advertiser ay may valid na lokal na lisensya para sa pamamahagi ng kanyang mga laro sa mga tina-target na bansa, kapag naaangkop
  • Hindi gumagamit ng mga logo, pangalan, o marka ng pagsusugal na gumagamit ng totoong pera ang mga ad, site, o app

Dapat ding maging certified sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply

Paano mag-ayos ng paglabag

Narito ang higit pang detalye tungkol sa bawat paglabag at kung ano ang maaari mong gawin kung hindi naaprubahan ang iyong ad.

Tina-target ng ad sa pagsusugal ang isang pinaghihigpitang bansa
  1. Basahin ang patakaran sa itaas upang makita ang mga uri ng content na nauugnay sa pagsusugal na hindi namin pinapayagan at ang mga paghihigpit na partikular sa bansa para sa mga lugar na tina-target ng iyong campaign. Kung hindi wasto ang iyong lisensya upang mag-promote ng pagsusugal, hindi ka makakapagpatakbo ng mga ad na nagpo-promote ng content na nauugnay sa pagsusugal.
    Tingnan ang mga kinakailangan sa bansa

    Kung natutugunan mo ang mga kinakailangan:
  2. Mag-apply upang ma-certify ng Google. Kung hindi mo pa nagagawa, ipadala sa amin ang iyong opisyal na impormasyon ng lisensya sa pagsusugal -- tingnan kung paano mag-apply. Kailangan mong kumpletuhin ang application form para sa bawat bansa na gusto mong i-target. Kung maaprubahan ang iyong application, mangyaring humiling ng pagsusuri ng iyong mga hindi naaprubahang ad upang makapagsimulang tumakbo ang mga iyon.
  3. I-target ang iyong na-certify na lokasyon. Kung wasto ang iyong lisensya at na-certify na ng Google, i-edit ang iyong pagta-target sa lokasyon upang i-target lang ang mga bansa kung saan ka nagsumite ng hiling sa certification. Kung gusto mong mag-target ng bagong lokasyon, kailangan mong mag-apply muli partikular sa bansang iyon. Kapag nagta-target ka na lang ng mga bansa kung saan na-certify ka ng Google, mangyaring humiling ng pagsusuri sa iyong mga hindi naaprubahang ad upang makapagsimulang tumakbo ang mga iyon.

    Kung hindi mo natutugunan ang mga kinakailangan:
  4. Mag-target ng ibang lokasyon. Kung natutugunan ng iyong ad ang mga pangunahing kinakailangan sa patakaran ngunit hindi ang mga para sa mga bansang tina-target ng iyong campaign, maaari mong piliin na i-edit ang iyong pagta-target sa lokasyon upang mapatakbo ang iyong mga ad sa ibang lugar kung saan nakakatugon ang mga ito sa aming mga kinakailangan. Sa sandaling na-target mo na ang iyong mga campaign sa mga tinatanggap na lokasyon lang, mangyaring humiling ng pagsusuri sa iyong mga hindi naaprubahang ad, at susuriin namin kung maaari nang magsimulang tumakbo ang mga ito:
    Humiling ng pagsusuri
  5. Baguhin ang landing page ng iyong ad. Kung humahantong ang iyong ad sa content na lumalabag sa patakarang ito, i-edit ang landing page upang makasunod ito. Sa sandaling naayos mo na ang paglabag, muling isumite ang iyong ad gamit ang mga hakbang sa ibaba.

    O kaya, maaari mong baguhin ang iyong final URL upang tumuro sa panibagong bahagi ng iyong website o app na hindi lumalabag sa patakarang ito.
  6. Alisin ang content na iyon mula sa iyong ad.Kung lumalabag ang iyong ad sa patakarang ito, paki-edit ito upang makasunod ito.
    Dalhin ako sa aking account
    • Sa iyong tab na Mga Ad, mag-hover sa ad na gusto mong i-edit.
    • I-click ang icon na lapis sa tabi ng iyong ad upang i-edit ito.
    • I-click ang I-save kapag tapos ka na.
    Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad, ipapadala ito sa amin para masuri. Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng 1 araw ng negosyo, bagama't maaaring mas magtagal ang ilan kung kailangan ng mga iyon ng mas kumplikadong pagsusuri. Kung malaman naming inalis mo na ang di-katanggap-tanggap na content sa iyong ad at landing page, maaari naming aprubahan ang iyong ad upang magsimulang gumana ito. Kung nagsagawa ka na ng mga pagbabago upang ayusin ang ilang partikular na uri ng mga paglabag, maaari mong isumiteng muli ang buo mong campaign para sa pagsusuri.
    • Sa iyong tab na Mga Ad, tingnan ang column na "Status." Mag-hover sa puting speech bubble Bubble ng hindi pag-apruba sa ad sa tabi ng "Hindi Naaprubahan."
    • I-click ang "Muling isumite ang aking campaign para sa pagsusuri." Tandaan na lalabas lang ang link na ito kung hindi naaprubahan ang iyong ad dahil sa ilang partikular na paglabag.
    • Sundin ang mga tagubilin sa screen upang muling isumite ang mga kwalipikadong hindi naaprubahang ad sa iyong campaign.
Kung hindi mo magagawang ayusin ang mga paglabag na ito, o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, pakialis ang iyong ad upang makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad.
Kailangan ng certificate sa pagsusugal

Hindi tumutugma ang URL sa certificate sa pagsusugal
Kapag nag-apply ka para sa certification upang magpatakbo ng mga ad na nauugnay sa pagsusugal, limitado ang iyong certificate sa partikular na website na isinama mo sa iyong application. Tanging ang naaprubahang website lang na iyon ang magagamit ng iyong mga ad sa pagsusugal. Narito ang iyong mga opsyon:
  1. Mag-apply upang magkaroon ng isa pang website na na-certify ng Google. Kung gusto mong mag-promote ng ibang website kaysa sa nasa orihinal mong pag-apply, magsumite ng isa pang application -- tingnan ang kung paano mag-apply. Kailangan mong kumpletuhin ang application form para sa bawat bansa na gusto mong i-target. Kung maaprubahan ang iyong application, mangyaring humiling ng pagsusuri ng iyong mga hindi naaprubahang ad upang makapagsimulang tumakbo ang mga iyon.
  2. Gamitin ang naaprubahang website para sa iyong ad. I-edit ang URL ng iyong ad upang tumugma sa isinumite mo sa iyong application sa certification.
    Dalhin ako sa aking account
    • Sa iyong tab na Mga Ad, mag-hover sa ad na gusto mong i-edit.
    • I-click ang icon na lapis sa tabi ng iyong ad upang i-edit ang URL ng iyong ad.
    • I-click ang I-save kapag tapos ka na.
    Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad, ipapadala ito sa amin para masuri. Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng 1 araw ng negosyo, bagamat maaaring mas magtagal ang ilan kung kailangan ng mga iyon ng mas kumplikadong pagsusuri. Kung makita namin na inalis mo na ang hindi katanggap-tanggap na content mula sa iyong ad at landing page, maaari naming aprubahan ang iyong ad upang magsimulang tumakbo.
Kung hindi mo magagawang ayusin ang mga paglabag na ito, o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, pakialis ang iyong ad upang makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad.

Mag-apply para sa certification upang mag-promote ng pagsusugal

  1. Tingnan ang patakaran at mga kinakailangang partikular sa bansa, at kumpirmahin na natutugunan mo ang mga kinakailangang iyon.
  2. Mag-apply para sa certification:
    • Kung isa kang pribadong lisensyadong operator sa isa sa mga bansa kung saan pinapahintulutan namin ang content na pagsusugal online, mangyaring punan ang application form sa pagsusugal online sa Help Center ng Google Ads. Upang makatulong na maiwasan ang mga hindi kinakailangang pagkaantala, tiyaking ibigay ang lahat ng hinihiling na impormasyon.
    • Kung nagpapatakbo ka sa isa sa mga bansa kung saan mga entity lang na pinapatakbo ng pamahalaan ang pinapayagan namin, pakigamit ang form na ito. Kapag kinukumpleto ang form:
      • Sa Buod ng isyu: Tandaan na humihiling ka ng certification upang mag-advertise bilang isang entity ng pagsusugal na pinapatakbo ng pamahalaan, at ibigay ang URL ng iyong website.
      • Sa Pangalan ng campaign at Pangalan ng ad group: Ilagay ang N/A kung hindi ka pa nakakapag-set up ng campaign o ad group.
    • Kung isa kang operator ng social na larong pang-casino, pakigamit ang form na ito upang isumite ang URL ng website mo o ang iyong app, Google Ads customer ID, at ang pangkat ng bansang tina-target mo. 
  3. Kung mahigit sa isang bansa ang gusto mong i-target, magsumite ng hiwalay na form ng aplikasyon para sa bawat bansa.

Epekto ng patakaran

Kung natutugunan ng iyong ad ang mga kinakailangan sa itaas at kwalipikado ito, narito ang mga detalye kung paano ito puwedeng gumana:

Certification
Kailangang mag-apply para sa certification mula sa Google ng mga advertiser para makapagpagana ng ilang partikular na uri ng ad na nauugnay sa pagsusugal. Tumingin pa ng mga detalye sa itaas.
Bansa
Tingnan ang mga kinakailangan sa itaas para malaman kung saan puwede at hindi puwedeng gumana ang ilang uri ng ad sa pagsusugal.
  • Kung tina-target ng iyong campaign ng ad ang mga bansa lang kung saan hindi namin pinapayagan ang mga ad na ito, bibigyan ang iyong ad ng label na "Hindi naaprubahan" at hindi talaga ito tatakbo.
  • Kung tina-target ng iyong campaign ng ad ang mga pinapayagan at hindi pinapayagang bansa, bibigyan ang iyong ad ng label na "Naaprubahan (limitado)" at hindi tatakbo sa mga hindi pinapayagang bansa (ngunit maaaring tumakbo sa mga pinapayagang bansa).
Platform ng ad
Makakapagpagana ng mga ad sa pagsusugal:
  • Google Ads at AdWords Express
  • Google Display Network
  • YouTube (Kung gusto ng mga advertiser ng pagsusugal na gumamit ng limitasyon sa edad sa kanilang homepage, brand channel, at/o video, puwede nila itong gawin alinsunod sa aming mga patakaran sa limitasyon sa edad)
  • AdMob
Hindi makakapagpagana ng mga ad sa pagsusugal:
  • Google Ad Manager
Ad Network
Google Search: Puwedeng lumabas ang mga ad sa pagsusugal sa Google at sa aming Search Network. Gayunpaman, kung may nag-enable sa feature na SafeSearch, hindi niya makikita ang ganitong uri ng ad.

Display Network: Puwedeng lumabas ang mga ad sa pagsusugal sa mga partner na site na nag-opt in para magpakita ng ganoong content. Puwedeng lumabas sa mga partner na site ang mga ad ng social na larong pang-casino, pero hindi sa mga nag-opt out para magpakita ng ganoong content.
Google Ad Manager Network: Hindi pinapayagan ang mga ad sa pagsusugal na lumabas sa mga partner na site na ito.
Mga Format ng Ad
Maaaring mag-iba ang mga katanggap-tanggap na format ng ad depende sa mga salik gaya ng platform na ginagamit mo, ang status ng iyong ad, at kung nag-opt in na magpakita ng mga ganoong ad ang isang publisher o partner. Nalalapat din ang patakaran sa Naka-personalize na pag-advertise sa lahat ng naka-personalize na ad. Narito ang ilang karaniwang halimbawa, bagama't maaaring mag-iba ang mga iyon:
Hindi makakapag-promote ng pagsusugal:
  • Mga ad sa Gmail
  • Mga Shopping ad
  • Mga display ad ng reservation
  • Mga anotasyon sa mga rating ng consumer

Ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran

Hindi pag-apruba sa ad o extension: Maaaring hindi aprubahan ang mga ad at extension na hindi nakakasunod sa patakarang ito. Hindi gagana ang isang hindi naaprubahang ad hanggang sa maayos ang paglabag sa patakaran at maaprubahan ang ad.

Pagsususpinde ng account: Maaaring masuspinde ang isang account kung marami kang paglabag o kung may malubha kang paglabag. Kung mangyari ito, hihinto sa pagtakbo ang lahat ng ad sa nasuspindeng account, at maaaring hindi na kami tumanggap ng pag-advertise mula sa iyo. Maaari ding permanenteng masuspinde ang anumang mga nauugnay na account at maaaring awtomatikong masuspinde ang mga bago mong account habang sine-set up. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

Sundin ang mga lokal na batas: Upang makatiyak ng ligtas at positibong karanasan para sa mga user, hinihiling ng Google na sumunod ang mga advertiser sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon bilang karagdagan sa mga patakaran ng Google Ads. Mahalaga na maging pamilyar ka at nakatuon sa mga bagong kaalaman tungkol sa mga kinakailangang ito para sa mga lugar kung saan tumatakbo ang iyong negosyo, gayundin sa anumang iba pang mga lugar kung saan lumalabas ang iyong mga ad. Kapag nakahanap kami ng nilalamang lumalabag sa mga kinakailangang ito, maaari namin itong i-block upang hindi lumabas, at sa mga sitwasyon ng paulit-ulit o malalang mga paglabag, maaaring hindi mo na magagawang mag-advertise sa Google.

Kailangan mo ba ng tulong?

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, ipaalam sa amin: Makipag-ugnayan sa Suporta ng Google Ads

Ipaalam sa amin ang iyong opinyon

I-rate kung gaano kapaki-pakinabang ang page na ito at ibahagi sa amin ang iyong feedback:
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?