Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Mahalaga ang kumpyansa mo sa mga produkto at serbisyo ng Google. Gusto ka naming bigyan ng kakayahang gumawa ng mahuhusay na pasya tungkol sa mga ad na nakikita mo online.
Ang tiwala sa mga advertiser na nasa aming mga platform ay nakakatulong sa aming maghatid ng smart at kapaki-pakinabang na experience sa web para sa lahat. Ang ibig sabihin nito ay pagbibigay ng transparency tungkol sa kung sino ang aming mga advertiser, kung nasaan sila, at impormasyon tungkol sa kanilang mga campaign ng ad. Sa ilang bansa, posibleng kinakailangan din namin ayon sa batas na gawing available sa publiko sa mga user ng mga serbisyo ng Google ang ilang partikular na impormasyon tungkol sa mga campaign ng ad.
Kung saan inihahayag ang impormasyon
Ads Transparency Center
Para sa mga ad na inihahatid sa mga platform ng Google, kasama na ang Google Search at YouTube, nagbibigay ang Google ng searchable na repository ng mga advertiser at mga ad na naihatid nila sa loob ng isang partikular na panahon sa pamamagitan ng Ads Transparency Center. Magagawa mong maghanap ng advertiser at tumingin ng impormasyon tungkol sa advertiser at mga ad na pinapagana ng naturang advertiser sa panahong iyon. Magbibigay-daan ito sa iyo na matuto pa tungkol sa isang advertiser at mag-ulat ng ad kung sa palagay mo ay lumalabag ito sa aming mga patakaran.
Puwede kang maghanap ng advertiser sa pamamagitan ng Ads Transparency Center ayon sa pangalan ng advertiser o pangalan ng website, na may opsyong i-filter ang mga resulta ng paghahanap nila ayon sa hinatirang rehiyon at petsa ng paghahatid, bilang halimbawa.
Alamin ang higit pa sa pamamagitan ng pagbisita sa Ads Transparency Center dito.
Mga Pampolitikang ad at Ad ng halalan
May available na karagdagang impormasyon sa transparency para sa mga pampolitikang ad sa Ads Transparency Center para sa ilang partikular na rehiyon kung saan nalalapat ang mga Patakaran sa pampolitikang content ng Google.
Mga paghahayag ng ad
Dagdag pa rito, nagbibigay ang Google ng napapanahong impormasyon tungkol sa isang advertiser sa pamamagitan ng ad at mga paghahayag nito.
Sa pamamagitan ng “Ang Aking Ad Center,” makakakita ka na ng impormasyon tungkol sa kung bakit ipinapakita ang mga partikular na ad sa Google Search, YouTube, at Discover. Makikita mo ang pangalan at lokasyon ng pag-verify para sa advertiser na nasa likod ng napiling ad, na impormasyong ibinigay ng advertiser sa panahon ng programa para sa pag-verify ng advertiser ng Google.
Ang hitsura ng mga paghahayag sa iba't ibang format ng ad
Mga Search ad
Sa mga search ad, maa-access mo ang impormasyon sa pag-verify ng advertiser sa pamamagitan ng 3-dot icon sa desktop, o icon ng impormasyon sa mobile.
Mga Display ad
Naaabot ng mga Display ad ang karamihan ng mga user sa Internet. Kadalasan, makakakita ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa nakikita mong ad sa pamamagitan ng pag-click sa “Bakit Ipinapakita ang Ad na Ito?” na naa-access sa pamamagitan ng icon ng AdChoices . Mahahanap mo rin ito sa pamamagitan ng pag-click sa X o sa icon+ X.
YouTube
Sa YouTube, matitingnan ang paghahayag ng “Ang Aking Ad Center” sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng impormasyon o sa 3-dot icon .
Mga Pampolitikang ad at Ad ng halalan
May mga karagdagang paghahayag na kasama sa mga ad ng halalan na pinapagana ng mga na-verify na advertiser para sa halalan sa mga rehiyon kung saan nire-require ang pag-verify ng mga ad ng halalan, pati na kung saan isinasaad ng mga advertiser na ang mga ad ng halalan nila ay may content na synthetic o binago sa digital na paraan. Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa Pampolitikang content ng Google.
Anong impormasyon ang inihahayag
Impormasyon tungkol sa advertiser
Magpapakita ang Google ng impormasyon tungkol sa Google Ads o Display & Video 360 account ng mga advertiser sa mga paghahayag ng mga ad at sa Ads Transparency Center. Kasama rito ang mga advertiser na na-verify sa pamamagitan ng aming programa para sa pag-verify ng advertiser, mga advertiser na na-verify sa ilalim ng programang Pag-verify ng mga ad ng halalan, at mga advertiser na hindi pa sumasailalim o nakakatapos sa programa para sa pag-verify ng advertiser.
Para makumpleto ang programa para sa pag-verify, kinakailangang kumpletuhin ng isang advertiser ang isang serye ng mga hakbang kung saan kasama ang pagbibigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa kanilang negosyo at pagkakakilanlan, pagsusumite ng opisyal na dokumentasyon na nagpapakita ng kanilang legal na pangalan, pangalan ng trademark kapag naaangkop, address, at/o pagsusumite ng mga pansuportang dokumento na nauugnay sa business operations nila. Matuto pa tungkol sa pag-verify ng advertiser.
Para sa mga advertiser na na-verify, ipapakita ng Google ang legal na pangalan, o pangalan ng trademark at lokasyon ng advertiser, na ibinigay ng advertiser sa pamamagitan ng programa para sa pag-verify. Bibigyan ng badge na “na-verify” ang mga na-verify na advertiser sa Ads Transparency Center at mga paghahayag ng mga ad.
Para sa mga advertiser na hindi sumailalim sa pag-verify, ipapakita ng Google ang pangalan ng profile sa mga pagbabayad at lokasyon ng advertiser na ibinigay ng advertiser at bibigyan ang mga advertiser na ito ng badge na “hindi na-verify.”
Impormasyon tungkol sa mga campaign ng ad
Sa Ads Transparency Center at sa mga paghahayag ng ad, magpapakita ang Google ng impormasyon ng advertiser tulad ng pangalan, lokasyon, at mga ad na inihatid nila sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon para sa lahat ng advertiser na naghahatid ng mga ad sa mga platform ng Google (kasama ang Google Search at YouTube). Kasama rin dito ang mga advertiser na na-verify sa ilalim ng programang Pag-verify ng mga ad ng halalan at ang mga advertiser na hindi pa nave-verify ng programa para sa pag-verify ng advertiser.
Para makasunod sa mga naaangkop na batas, posibleng kailanganin din ng Google na maghayag ng ilang partikular na karagdagang impormasyon tungkol sa mga advertiser at campaign ng ad nito sa mga user ng mga serbisyo nito, depende sa bansa.
Mga Pampolitikang ad at Ad ng halalan
May mga karagdagang paghahayag na kasama sa mga ad ng halalan na pinapagana ng mga na-verify na advertiser para sa halalan sa mga rehiyon kung saan nire-require ang pag-verify ng mga ad ng halalan, pati na kung saan isinasaad ng mga advertiser na ang mga ad ng halalan nila ay may content na synthetic o binago sa digital na paraan. Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa Pampolitikang content ng Google.
Tumingin ng karagdagang impormasyon na inihahayag ayon sa lokasyon
Para sa mga ad na inihahatid sa ilang partikular na bansa o rehiyon, gagawing available ng Google ang sumusunod na karagdagang impormasyon sa Ads Transparency Center.
- Impormasyon sa pag-target
- Kabuuang bilang ng mga tatanggap para sa bawat ad
- Label ng asignatura ng ad (kung minsan ay binubuo ng Google)
Nagbibigay ang Google ng access sa API sa data tungkol sa mga ad na inihahatid sa EEA sa Ads Transparency Center. Ang pag-access at paggamit sa data sa Ads Transparency Center ay napapailalim sa mga tuntunin ng serbisyo ng Ads Transparency Center.
Puwedeng bigyan ng Google ang mga regulator at organisasyon para sa sariling pagkontrol ng access sa API sa kasalukuyang data mula sa Ads Transparency Center tungkol sa mga ad na inihatid sa labas ng EEA.