Pag-advertise ng Mga Serbisyong Pampinansyal sa Australia, Singapore and Taiwan (June 2022)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Ipinapakilala ang mgma Bagong KInakailangan sa Pag-verify para sa Mga Partikular na Advertiser ng Mga Serbisyong Pampinansyal

Sa Agosto 30, 2022, ia-update ng Google ang patakaran sa mga produkto at serbisyong pampinansyal nito para magpakilala ng mga bagong kinakailangan sa pag-verify para sa mga advertiser na nagta-target sa Australia, Singapore, at Taiwan. Hindi na papayagang magpakita ng mga ad sa mga serbisyong pampinansyal sa Australia, Singapore, at Taiwan, kung saan naaangkop, ang mga advertisers na hindi matagumpay na nakapagkumpleto sa bagong proseso ng pag-verify bago ang Agosto 30, 2022. Ipinakilala noon ng Google ang pag-verify ng mga serbisyong pampinansyal para sa mga ad sa serbisyong pampinansyal sa UK.

Para mag-advertise ng mga serbisyong pampinansyal, ang mga advertiser ay dapat na (1) makakuha ng pag-verify ng third party sa pamamagitan ng aming external na partner sa pagsunod, G2, at pagkatapos ay (2) mag-apply para sa pag-verify ng mga serbisyong pampinansyal sa Google.  Bilang bahagi ng proseso ng pag-verify ng third party ng G2, itatanong ng G2 sa mga advertiser ang tungkol sa mga uri ng mga serbisyong pampinansyal na ibinibigay nila, kung may lisensya silang magbigay ng mga serbisyong iyon, at ang registration number nila, pati na rin ang iba pang bagay. Dapat ipakita ng mga advertiser na direkta silang binibigyan ng pahintulot ng nauugnay na pambansang regulator ng mga serbisyong pampinansyal na magsagawa ng mga aktibidad ng mga serbisyong pampinansyal o na hindi sila kasama sa kinakailangang ito. Kapag naisagawa na ang pag-verify ng third party ng G2, kakailanganing mag-apply ng mga advertiser sa Google para sa pag-verify ng mga serbisyong pampinansyal ng gamit ang natatanging code sa pag-verify ng third party na makukuha nila sa G2. Sisimulan ng G2, ang aming partner sa pagsunod, ang pagpoproseso sa mga aplikasyon sa Hunyo 27, 2022.  

Para matuto pa tungkol sa bagong pag-verify ng Mga Serbisyong Pampinansyal at simulan ang pag-verify, pakisundan ang mga link sa ibaba. 

Pakisuri ang update na ito sa patakaran para matukoy kung napapailalim sa saklaw ng patakaran ang alinman sa iyong mga ad, at kung oo, simulan at kumpletuhin ang pag-verify o alisin ang mga ad na iyon bago magsimula ang pagpapatupad. 

Hindi hahantong ang mga paglabag sa patakarang ito sa agarang pagsususpinde ng account nang walang paunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa pitong araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account dito.

 

(Na-post noong Hunyo 27, 2022)


 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15201548107897082095
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false