Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga tip sa pag-optimize para sa iyong site at sa mga ad mo

Ang pag-optimize ay ang proseso ng paggawa ng mga pagbabago para mapaganda ang kalidad ng iyong site, ang trapiko sa site mo, at ang performance ng iyong mga AdSense ad. Depende sa iyong mga layunin sa pag-optimize, posibleng ang ibig sabihin nito ay pagbago sa site mo o sa iyong pagpapatupad ng ad. Makakatulong sa iyo ang pag-optimize na palaguin ang iyong kita sa AdSense, gawing mas madaling gamitin ang site mo, at makakuha ng higit pang trapiko, atbp.

Sa ibaba, makakakita ka ng mga tip kung paano pahusayin ang performance ng iyong ad at bumuo ng mas magagandang site.

Mga tip sa pagpapatupad ng ad

  • Subukan ang mga Auto ad: pagtuunan ang iyong content at palaguin ang negosyo mo gamit ang mga Auto ad. Madaling i-set up ang mga ito at nagbibigay ang mga ito ng mga advanced na feature sa pag-customize gaya ng ad load, na nagbibigay-daan sa iyong kontrolin ang dami ng mga ad na ipinapakita mo sa iyong mga page. Nag-aalok din ang mga Auto ad ng iba't ibang format ng ad, kaya mako-customize mo ang karanasan sa ad sa iyong site:
    • Kung gusto mong dagdagan ang mga ad slot sa iyong page, pag-isipang gamitin ang in-page na format.
    • I-activate ang mga Multiplex ad kung gusto mong magrekomenda ng iba pang content sa iyong site.
    • Sumubok ng mga format gaya ng mga vignette at anchor na mahusay ang performance sa mobile at desktop at makakatulong sa pagpapahusay sa viewability ng iyong mga ad.
  • Pag-eksperimentuhan ang mga setting ng iyong AdSense account: bisitahin ang page na Pag-optimize sa account mo para mag-explore ng mga naka-customize na rekomendasyong posibleng makapagpalaki ng iyong kita.
  • Magpatakbo ng mga eksperimento para mapahusay ang mga setting ng iyong ad. Sa mga eksperimento, maihahambing mo ang isa sa iyong mga setting ng ad sa isang variation ng setting na iyon para malaman mo kung alin ang may mas mahusay na performance. Nakakatulong sa iyo ang mga eksperimento na gumawa ng tamang pasya sa kung paano iko-configure ang mga setting ng ad mo, at makakatulong ito sa iyong palakihin ang kita mo. Puwede mong hayaan ang Google na magpatakbo ng mga eksperimento sa iyong mga setting ng format ng ad at awtomatikong maglapat ng anumang pagpapahusay sa kita o karanasan ng user mo.
  • Gawing mas nakikita ang iyong mga ad gamit ang viewability. Siguraduhing paparamihin mo ang mga natitingnang ad impression sa iyong site. Malamang na humantong ito sa mas maraming pag-click at mas mataas na potensyal sa kita. Para makakuha ng rate ng viewability na 70%+ para sa iyong mga unit ng ad na nangunguna sa performance, sundin ang pinakamahuhusay na kagawian sa viewability: iklian ang page, maglagay ng mga ad sa itaas mismo ng fold, gumamit ng mga patayong ad (lalo na sa desktop), gumawa lang nang gumawa ng nakakahikayat na content, pabilisin ang page.
  • Gawing mga tumutugong unit ng ad ang iyong mga unit ng ad na hindi nagbabago ang laki sa pamamagitan ng pag-update sa ad code ng mga ito. O kaya, kung hindi mo ma-update ang iyong ad code, i-on ang setting ng pag-optimize ng mga laki ng ad.
  • Siguraduhin na wala kang bina-block na ad na hindi mo kailangang i-block. Kung masyado kang maraming iba-block na URL ng advertiser, ad network, o pangkalahatan o sensitibong kategorya, puwedeng bumaba ang performance ng ad dahil mababawasan ang mga advertiser sa auction na magbi-bid sa iyong imbentaryo. Matuto pa sa aming gabay sa pagpapahintulot at pag-block ng mga ad.
  • Mahalagang isaalang-alang ang karanasan ng user at ang Mga patakaran ng programa ng AdSense kapag naglalagay ka ng mga ad sa iyong site. Tingnan ang aming pinakamahuhusay na kagawian para sa placement ng ad.Puwede mo ring alamin ang Better Ads StandardsLubos naming hinihikayat ang mga publisher sa AdSense na tingnan ang kanilang Ulat sa Karanasan sa Ad at tugunan ang anumang natukoy na isyu.

Mga tip sa pag-optimize ng site

  • I-optimize ang pang-mobile na bersyon ng iyong site. Sa tulong partikular na ng pagdami ng mga gumagamit ng smartphone, dahil palaging nakakonekta ang mga tao, nagkaroon ng mas marami pang pagkakataong makipag-ugnayan ang mga publisher sa mga user nila. Sa pamamagitan ng diskarteng nakatuon sa multi-screen, puwedeng humantong ang mga pagkakataong ito sa mas maraming audience, at sa huli, sa mas malaking kita sa pangmatagalan. Para sa higit pang tip, tingnan ang Mga pag-optimize para sa mobile Web.
  • Gumawa ng AMP site: Kapag gumawa ka ng site kung saan inuuna ang AMP, gaganda ang performance mo - bibilis ang pag-load ng page, gaganda ang karanasan ng user sa mobile, at dadami ang pangkalahatang trapiko.
  • Suriin ang bilis ng page ng iyong site: inirerekomenda naming gamitin mo ang Google PageSpeed Insights tool para alamin ang bilis ng iyong page.
  • Bumuo ng diskarte sa trapiko: suriin ang aming mga tip sa trapiko para pataasin at i-optimize ang trapiko sa iyong site.
  • Mainam na suriin ang pag-optimize sa search engine para sa iyong site. Tingnan ang aming SEO Starter Guide.
  • Ang pag-optimize sa kalidad ng karanasan ng user ay mahalaga sa pangmatagalang tagumpay ng anumang site sa web. Ikaw man ay may-ari ng negosyo, taga-market, o developer, makakatulong sa iyo ang Web Vitals na sukatin ang karanasan sa site mo at tumukoy ng mga pagkakataong humusay. Alamin kung paano sukatin ang Web Vitals gamit ang kasalukuyan mong analytics tool.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Iyong page sa AdSense

Ipinapakilala ang Page sa AdSense: isang bagong resource kung saan makakakita ka ng naka-personalize na impormasyon at mga bagong oportunidad sa iyong account na makakatulong para magtagumpay sa AdSense.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3106780217184259386
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false