Tinutukoy ng mga breakdown, kasama ng mga sukatan at filter, kung anong data ang ipapakita sa iyong mga ulat. Nakakatulong sa iyo ang mga breakdown na hati-hatiin ang data sa ulat mo ayon sa mga partikular na attribute, gaya ng format ng ad o platform kung saan tiningnan ang ad.
Nakadepende ang pagkakasunod-sunod ng mga breakdown sa ulat sa pagkakasunod-sunod ng pagdaragdag mo sa mga ito. Puwede kang magbago, magdagdag, o mag-alis ng mga breakdown.
Ano ang ginagawa ng mga breakdown?
Tinutukoy ng mga breakdown kung paano inaayos ang iyong ulat. Halimbawa, kung gusto mong makitang nakadetalye ang iyong mga kita ayon sa site, puwede mong idagdag ang breakdown ng Site. Puwede kang maglagay ng mga karagdagang breakdown para mas ayusin at pinuhin pa ang iyong data.
Nasaan ang mga breakdown sa isang ulat?
Para i-access ang listahan ng mga available na breakdown, i-click ang Pababang arrow sa tabi ng "I-break down ayon sa" sa itaas ng bahagi ng chart.
Magbago ng kasalukuyang breakdown
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Pababang arrow sa tabi ng "I-break down ayon sa."
- Pumili ng bagong breakdown sa drop-down na listahan.
Maglagay ng mga karagdagang breakdown
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang + Magdagdag.
- Pumili ng ibang breakdown sa drop-down na listahan.
- Para maglagay ng isa pang breakdown, i-click ang + Magdagdag at pumili ulit.
Mag-alis ng mga karagdagang breakdown
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Pababang arrow ng breakdown na gusto mong alisin.
- I-click ang Alisin ang breakdown.