Ganito gumawa ng bagong istilo para sa iyong mga search ad, shopping ad, at unit ng kaugnay na paghahanap:
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Mga ad para sa paghahanap, pagkatapos ay Mga istilo ng paghahanap.
- I-click ang Bagong Istilo ng Paghahanap.
- Piliin ang temang tumutugma sa iyong page ng resulta ng paghahanap.
- I-click ang Mga search ad para lagyan ng istilo ang iyong mga search ad. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga setting ng ad na may istilo ng paghahanap.
- I-click ang Mga shopping ad para lagyan ng istilo ang iyong mga shopping ad. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga setting ng mga shopping ad na may istilo ng paghahanap.
- I-click ang Mga kaugnay na paghahanap para lagyan ng istilo ang iyong mga unit ng kaugnay na paghahanap. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga setting ng kaugnay na paghahanap na may istilo ng paghahanap.
- (Opsyonal) I-on ang I-preview ang mga search at shopping ad para i-preview ang hitsura ng iyong mga ad nang magkakasama.
Tip: Puwede mo ring i-toggle ang platform at lapad para makita ang hitsura ng mga ad sa iba't ibang laki ng device.
- I-click ang I-save ang istilo o I-save at kunin ang code.
Tandaan: Sinusuri ng AdSense ang iyong istilo ng paghahanap kumpara sa mga pinakabagong panuntunan sa pag-validate ng istilo. Dapat matugunan ng iyong istilo ng paghahanap ang mga pinakabagong panuntunan para matagumpay na ma-save. Iha-highlight ng editor ang anumang setting na kailangan mong i-adjust bago i-save. Tandaang puwedeng magbago ang mga panuntunan sa pag-validate ng istilo sa paglipas ng panahon.
Paano subaybayan ang performance ng iyong mga istilo ng paghahanap
Bisitahin ang page na Mga Ulat sa AdSense, gumawa ng custom na ulat, at idagdag ang Breakdown ng "istilo ng paghahanap."
Tandaan: Ang mga sukatang hinango sa pag-click na wala pang 10 pag-click kada araw ang natatanggap ay lalabas na 0 sa iyong mga ulat sa istilo ng paghahanap.