Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga alituntunin sa multi-screen

Mga pag-optimize para sa mobile Web

Makipag-ugnayan sa iyong mga user sa anumang device

Bukod sa pagkakaroon ng site na pang-mobile, mahalagang magbigay ng magandang karanasan ng user para sa iyong audience sa mobile. Sa pamamagitan ng pagtuon sa disenyo, content at mga placement ng ad ng iyong mobile site, makakatulong kang mapataas ang pakikipag-ugnayan ng user. Dahil dito, puwede itong humantong sa pagtaas ng iyong kita sa mobile ad nang pangmatagalan.

Mga Tip

Ito ang ilang nangungunang tip upang matulungan kang mag-optimize para sa mobile Web:

Maglagay ng 320x100 na unit ng ad sa itaas ng fold

Sa pamamagitan ng pagpili sa 320x100 na unit ng ad, hinahayaan mo ring makipagkumpitensya para lumabas ang mga 320x50 na display ad, na posibleng humantong sa mas matataas na RPM. Kapag inilagay mo ang malalaking banner na ito sa mobile sa iyong site, puwede ring lumaki ang kita mo sa pamamagitan ng mas matataas na rate ng pag-click.

Inirerekomenda naming ilagay mo ang iyong 320x100 na unit ng ad sa itaas ng fold. Ayon sa aming pananaliksik, ang pinakamagandang posisyon ng ad ay mismong sa itaas ng fold. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang The Importance of Being Seen ng Google.

Alam mo ba?

61% ng mga user ang nagsabi na kung hindi nila agad makita ang kanilang hinahanap sa isang mobile site, agad silang lumilipat sa isa pang site. Pinagkunan: What Users Want Most from Mobile Sites Today

Gamitin ang na-optimize sa mobile na 300x250 na unit ng ad sa ibaba ng fold

Gamit na gamit ng mga advetiser sa buong mundo ang laki ng ad na 300x250, na nagreresulta sa isang malaking supply ng ad at mas pinatinding kumpetisyon. Ibig sabihin nito, ang isang 300x250 na may magandang posisyon ay posibleng magkaroon ng mas mataas na RPM at posibleng makapagpalaki ng iyong kita.

Ayon sa pananaliksik ng Google, ang isang 300x250 na unit ng ad na inilagay sa ibaba mismo ng fold ay puwedeng magkaroon ng humigit-kumulang 50% rate ng viewability, na makakatulong sa iyong i-maximize ang epekto ng espasyo para sa ad mo. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang The Importance of Being Seen ng Google.

Alam mo ba?

Makakatulong sa iyo ang data ng Aktibong View na tukuyin at i-maximize ang mahalagang imbentaryo mo sa ibaba ng fold. Source: The Importance of Being Seen

Pabilisin ang pag-load ng iyong mobile page

Sa isang kamakailang poll ng Google na may 570 respondent, halos kalahati ang nagsabi na ang pinakakinaiinisan nila kapag nagba-browse sa mobile Web ay ang paghihintay na mag-load ang mababagal na page. Ngayong mas marami nang paghahanap sa Google ang ginagawa sa mga mobile device sa halip na sa mga computer, napakahalagang magkaroon ng mabilis na mobile page.

Para makatulong na pabilisin ang pag-load ng iyong page, inirerekomenda naming gawin mo ang mga sumusunod:

Alam mo ba?

Iiwanan ng 40% ng mga tao ang isang website na lampas tatlong segundo kung mag-load. Source: Mobile Apps: What Consumers Really Need and Want.

Paa sa mga tip sa pag-optimize sa multi-screen, bisitahin ang aming Gabay sa Pagpapatupad ng Multi-Screen.
Halimbawa ng mga pag-optimize para sa one-pager ng iyong pang-mobile na site. Mga simpleng pag-optimize para sa iyong pang-mobile na site
Para sa karagdagang tulong sa pag-optimize sa iyong pang-mobile na site, i-download ang aming one-pager ng mga tip at pinakamahuhusay na kagawian: Simple optimizations for your mobile site

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Iyong page sa AdSense

Ipinapakilala ang Page sa AdSense: isang bagong resource kung saan makakakita ka ng naka-personalize na impormasyon at mga bagong oportunidad sa iyong account na makakatulong para magtagumpay sa AdSense.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7519435866066357026
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false