Nagbibilang lang kami ng mga page view at impression kapag na-execute ng browser ng isang user ang aming ad code. Kaya may ilang salik na magdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng mga istatistikang inirerehistro mo sa iyong mga log at sa mga nakalista sa AdSense account mo.
Kasama sa mga instance na hindi mag-e-execute ng code ang:
- Mga spider, robot, o crawler mula sa iba pang search engine
- Mga browser kung saan hindi naka-enable ang JavaScript o na hindi sumusuporta sa JavaScript
- Mga browser na hindi sumusuporta sa tag na <iframe>
- Mga program na posibleng ni-write ng mga tao para manguha ng content ng website
Isa pang dahilan kung bakit posibleng makakita ka ng pagkakaiba sa pagitan ng iyong mga ulat sa AdSense at ng mga sarili mong istatistika ay invalid na aktibidad. Inaalis namin ang mga pag-click at impression na nakuha sa ilang anyo ng invalid na aktibidad sa aming data ng pag-uulat, kaya posibleng makapansin ka ng medyo mas matataas na value ng sukatan para sa mga pag-click at impression sa mga sarili mong istatistika.
Panoorin ang video sa ibaba para matuto pa tungkol sa iba't ibang uri ng invalid na aktibidad:
Gayundin, kung nagpapakita ang iyong mga page ng maraming unit ng ad, tandaan na nagpapakita ang AdSense ng maraming impression ng unit ng ad para sa bawat page view.