Nakalaan din sa amin ang karapatang i-adjust ang mga kita ng publisher sa sitwasyong hindi nagbayad ang isang advertiser na nag-advertise sa website ng publusher. Posibleng gumamit ang mga advertiser na ito ng mga nakaw na credit card o hindi nagbayad. Nagsisikap nang husto ang Google para matiyak na bihira lang mangyari ang ganitong mga bagay para mapanatili ang ligtas na ecosystem para sa mga user, publisher, at advertiser.
Para mapanatili ang integridad ng aming system para sa pagtukoy ng invalid na aktibidad at para pigilan ang mga user na dayain ang system, hindi kami makakapagbigay ng mga detalye tungkol sa kung magkano ang isinaayos kada araw o sa bawat site. Ipinapatupad namin ang mga proteksyong ito laban sa invalid na aktibidad para mapanatiling ligtas at kapaki-pakinabang na kapaligiran ang aming network ng AdSense para sa mga advertiser, publisher, at user.
Gayunpaman, narito ang ilang hakbang para tulungan kang tukuyin at bawasan ang invalid na aktibidad:
- Gamitin ang Google Analytics para siyasatin ang anumang pagbabago sa mga source ng trapiko sa loob ng nakalipas na 90 araw. Bantayan ang mga spike sa trapiko/pag-download mula sa mga hindi kilalang source.
- Suriin ang gabay ng nagsisimula sa Patakaran ng AdSense. Pakitingnan ang Mga patakaran sa placement ng ad. Madalas na nagreresulta ang invalid na aktibidad sa hindi magandang pagpapatupad ng ad, na posibleng maayos mo.
- Mag-ulat ng mga invalid na pag-click o impression sa iyong mga ad sa aming mga espesyalista sa kalidad ng trapiko gamit ang form para sa invalid na aktibidad na ito. Sa iyong ulat, ibigay ang lahat ng impormasyong maibibigay. Matutulungan ng mga detalyeng ibibigay mo ang aming team para sa kalidad ng trapiko sa pagsisiyasat sa iyong account. Posibleng hindi ka makatanggap ng personal na sagot mula sa kanila, pero may idaragdag na tala sa iyong account para magsilbing sanggunian sa hinaharap.