Binibilang ang isang kahilingan sa ad sa tuwing hihiling ang iyong site ng ad na ihahatid, kahit na walang ibinalik na ad. Maliban na lang kung 100% ang iyong sakop, magkakaroon ka ng mas maraming kahilingan sa ad kaysa sa mga katugmang kahilingan (mga ad na ibinalik at ipinakita sa site mo), na magreresulta sa ilang walang katugmang kahilingan.
May mga column ang ilang ulat na makabuluhan lang para sa mga katugmang kahilingan. Halimbawa, ipinapakita ng ulat sa Uri ng pag-target kung paano na-target ang mga ad na ipinapakita sa iyong site. Kapag walang katugma ang isang kahilingan sa ad, walang isasaalang-alang na ad, kaya walang uri ng pag-target ang kahilingan. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa nakahiwalay na row ang mga walang katugmang kahilingan.
Halimbawa ng mga walang katugmang kahilingan sa isang ulat
- Bibisitahin ng isang user ang iyong site, na naglalaman ng 3 unit ng ad. Habang nagre-render ang page, nagpapadala ito ng 3 kahilingan sa ad.
- Nagbabalik lang kami ng 2 ad (dahil, sa halimbawang ito, na-block mo ang lahat ng nauugnay na ad para sa 1 sa mga unit ng ad).
- Kapag tinitingnan mo ang sukatan ng kahilingan sa ad para sa ulat sa Mga uri ng pag-target, makakakita ka ng:
- Ayon sa Konteksto: 1 kahilingan sa ad
- Placement: 1 kahilingan sa ad
- (Mga walang katugmang kahilingan sa ad): 1 kahilingan sa ad
Sa sitwasyong ito, papanatilihin mong nakahiwalay ang mga walang katugmang kahilingan kapag sinusuri mo ang performance ng iyong site para sa mga ad na ayon sa konteskto kumpara sa mga placement ad dahil muli, hindi rin maikakategorya ang mga walang katugmang kahilingan.
Sa aling mga ulat kasama ang sukatan ng mga walang katugmang kahilingan sa ad?
Maaasahan mong makakakita ka ng mga walang katugmang kahilingan sa mga ulat na ito:
- Mga uri ng ad
- Mga uri ng pag-target
- Mga uri ng bid
- Unit ng ad
- Laki ng ad