Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga Patakaran

Puwede ma-disable ang AdSense account dahil sa patakaran

Na-disable ba ang paghahatid ng ad sa account ko?

Kasalukuyang aktibo ang iyong AdSense account, pero puwedeng ma-disable ang account mo kung hindi ka gagawa ng mga pagbabago para sumunod sa aming mga patakaran ng programa.

Bakit ko natanggap ang mensahe ng babala na ito?

Sa isang kamakailang pagsusuri sa iyong account, napag-alaman ng aming mga espesyalista na hindi ito nakakasunod sa aming mga patakaran: Ang mga account ay puwedeng mabigyan ng babala sa account sa iba't ibang dahilan kasama ang, pero hindi limitado sa sumusunod:
  • May malawak na history ng mga paglabag sa patakaran at/o paulit-ulit na paglabag sa patakaran ang iyong account.
    Tandaan na responsibilidad ng mga publisher ang content sa bawat page na nagpapakita ng kanilang mga ad, kahit na iba ang gumawa sa content, gaya ng nasa mga site na may content na binuo ng user.
  • Nagpakita ng mapanlinlang na gawi ang iyong account.
    Masusing sinusubaybayan ng aming mga espesyalista ang mga pag-click at impression sa mga ad ng Google, gamit ang mga naka-automate na sytem at pagsusuri ng tao, para maprotektahan ang iyong mga interes at ang mga interes ng aming mga advertiser. Pakitandaan na tulad ng nakabalangkas sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon, gagamitin ng Google ang sarili nitong paghuhusga kapag tumutukoy ng mga instance ng aktibidad ng invalid na pag-click.
  • May nakitang site ang aming mga espesyalista sa patakaran na talagang malubha ang paglabag.
    Puwedeng kabilang sa mga ito ang, pero hindi ito limitado sa, pang-adult na content, paglabag sa copyright, pati na rin ang mga kaso ng matinding karahasan at pagdanak ng dugo.

Para matuto pa tungkol sa mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit nadi-disable ang mga account, tingnan ang aming mga nangungunang dahilan ng pagsasara ng account.

Ano ang kailangan kong gawin para maiwasang ma-disable ang aking account?

Tumugon. Naglalaman ang iyong mensahe ng babala ng mga halimbawa ng mga paglabag sa site mo, pero hinihiling naming suriin mong mabuti ang content at placement ng ad sa iyong network para matiyak na sumusunod ang lahat ng ito sa aming mga patakaran ng programa.

Nauunawaan naming dynamic ang iyong content, kaya inirerekomenda naming magpatupad ka ng maagap na mga pag-iingat para magarantiya na nananatili kang sumusunod sa mga patakaran pagdating sa mga pagbabago sa iyong content at placement ng ad sa hinaharap.

Narito ang ilang tip na puwedeng makatulong sa iyong masubaybayan ang network mo para sa mga paglabag sa patakaran:

  1. Magsagawa ng pagsusuri ng tao sa bawat site bago maglagay ng ad code sa mga page ng site.
  2. Maagap na suriin ang mga page na may mataas na bilang ng page view nang kahit man lang isang beses sa isang linggo.
  3. Mag-install ng mga filter ng mga keyword (tulad ng pang-adult na content, mga pay-to na serbisyo, hacking content, content tungkol sa pagsusugal, atbp.), lalo na sa mga page na naglalaman ng content na binuo ng user. Bagama't hindi kami makakapagbigay ng impormasyon tungkol paksang tulad ng "pag-filter ng keyword" o "pag-filter ng content," puwede mong hanapin ang impormasyong ito sa Google.
  4. Magdagdag ng link ng "Mag-ulat ng paglabag" sa lahat ng page na may content na binuo ng user.

Anong mangyayari kung gagawin ko ang mga kinakailangang pagbabago?

Kasalukuyang aktibo ang iyong AdSense account, at kung gagawin mo ang mga kinakailangang pagbabago, mananatili itong aktibo. Gayunpaman, kung patuloy kaming makakahanap ng mga problema, puwede naming i-disable ang iyong buong account.

Kailangan ba kitang abisuhan kapag ginawa ko ang mga pagbabago?

Hindi, ang pagiging tumutugon ay hindi nangangahulugang kailangan mo kaming abisuhan na gagawin mo ang mga pagbabagong ito. Malalaman naming ginawa mo ang mga kinakailangang pagbabago kung nakakasunod na ang iyong account sa aming mga patakaran.

Anong mangyayari kung hindi ko gagawin ang mga kinakailangang pagbabago at patuloy na lalabag sa mga patakaran?

Madi-disable ang iyong AdSense account.

Kailangan ko ng paglilinaw tungkol sa patakarang nilalabag ng aking site. Ano ang dapat kong gawin?

Maghanap sa Help Center na ito o bisitahin ang aming Help Forum para makahanap ng karagdagang paglilinaw sa aming mga patakaran. Kung gusto mo ng karagdagang paglilinaw o para tingnan ang mga halimbawa ng aming mga patakaran, pakibisita ang aming mga online na resource:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Iyong page sa AdSense

Ipinapakilala ang Page sa AdSense: isang bagong resource kung saan makakakita ka ng naka-personalize na impormasyon at mga bagong oportunidad sa iyong account na makakatulong para magtagumpay sa AdSense.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2575374367871093832
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false