Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Pamahalaan ang iyong mga site

Ano ang dapat gawin kapag hindi handang magpakita ng mga ad ang iyong site

May ilang dahilan kung bakit posibleng hindi handang magpakita ng mga ad ang iyong site. Alamin kung ano ang kailangan mong ayusin at kung paano gumawa ng site na handa sa AdSense.

Pumunta sa: Wala o hindi kumpleto ang iyong ad code | Hindi maabot ang iyong site | Walang sapat na natatanging content ang iyong site o magbigay ng magandang karanasan ng user | May mga paglabag sa pakataran ang iyong site | Isumite ang iyong site para sa pagsusuri

Paano ipaapruba ang iyong site?

Gray na icon ng code. Wala o kulang ang iyong ad code

  • Na-paste mo ba ang code sa HTML ng iyong site? Suriin ang aming gabay sa pagpapatupad ng code.
  • Na-paste mo ba ang code sa pagitan ng mga tag na <head> at </head>?
  • Na-paste mo ba ang code sa site na ginamit mo para mag-sign up sa AdSense?

Google AdSense Site Ownership and Basic Checks

Isa pang paraan para ikonekta ang iyong site sa AdSense

Kung mas gusto mong huwag i-paste ang code sa pagitan ng mga tag na <head> at </head> ng iyong site o gumawa ng ads.txt file, puwede mong i-verify ang pagmamay-ari ng site mo sa Search Console. Kung natukoy naming na-verify mo na ang iyong site sa Search Console, magpapatuloy kami para suriin kung handa nang magpakita ng mga ad ang site mo.

Hindi maabot ang iyong site

  • Tama ba ang URL na iyong ibinigay? Kung nagkamali ka, alisin ang site sa iyong listahan ng mga site at magdagdag ng bagong site gamit ang tamang URL.
  • Gumagana ba ang iyong site? Tiyaking naka-publish at live sa web ang iyong site.
  • Maa-access ba ng AdSense ang iyong site nang walang password? Kung pinoprotektahan ng password ang iyong site, isaalang-alang na pansamantalang alisin ang pag-log in para maabot namin ang site mo. Tandaan na pagkatapos ma-activate nang matagumpay ang iyong account, puwede kang gumawa ng login ng crawler para ipakita ang mga Google ad sa mga page mo na pinoprotektahan ng pag-log in.
  • Puwede bang i-access ng crawler ng AdSense ang iyong site? Tiyaking hindi mo bina-block ang aming crawler sa iyong robots.txt file. Suriin kung paano ayusin ang mga isyu sa crawler ng AdSense.
  • Mayroon bang valid na SSL Certificate ang iyong site mula sa isang kinikilalang awtoridad sa certification (hindi self-signed na certificate) at nire-redirect din ba nito ang HTTP sa HTTPS? (Naaangkop lang kung gumagamit ka ng HTTPS.)

Walang sapat na natatanging content ang iyong site o hindi ito nagbibigay ng magandang karanasan ng user

Bago mo masimulang i-monetize ang isang site sa pamamagitan ng AdSense, mahalagang nagbibigay ang iyong site ng sapat na mahalagang content sa mga user at mayroon itong magandang karanasan ng user at mga element ng pag-navigate.

Google AdSense Quality content

Suriin ang aming mga tip sa kung paano gumawa ng site na may mataas na kalidad at maghatid ng magandang karanasan ng user.

Gray na icon ng patakaran. May mga paglabag sa patakaran ang iyong site

May mga paglabag sa patakaran sa iyong site na kailangang lutasin bago maging handa ang site mo. Para sa higit pang impormasyon, suriin ang aming Mga patakaran ng programa o alamin kung paano lutasin ang mga isyu sa patakaran sa iyong Policy center.

Google AdSense Good and Bad Traffic

Isumite ang iyong site para sa pagsusuri

Kailangan ng pagsisikap at oras sa paggawa ng site na may mataas na kalidad. Kapag natugunan mo na ang mga punto sa itaas, isumite ang iyong site para sa pagsusuri sa pamamagitan ng page na Mga Site sa iyong AdSense account.

  1. Mag-sign in sa iyong AdSense account.
  2. I-click ang Mga Site.
  3. Sa listahan ng mga site, i-click ang site na kailangan ng pagsusuri.
  4. Kumpirmahing inilagay mo ang AdSense code sa iyong site. Matuto pa tungkol sa pag-paste ng ad code sa aming gabay sa pagpapatupad ng code.
  5. I-click ang Susunod.
  6. I-click ang Humiling ng pagsusuri.

    Karaniwang tumatagal ang proseso ng pagsusuri nang ilang araw, pero sa ilang sitwasyon, puwede itong umabot nang 2-4 na linggo. Ipapaalam namin sa iyo kapag nakumpleto na namin ang mga pagsusuri at kapag handa nang magpakita ng mga ad ang site mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15351665535124467796
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false