Nasa ibaba ang ilan sa pinakamadadalas itanong tungkol sa Policy center.
Inayos ko ang aking site batay sa mga detalye ng pagpapatupad ng patakaran. Bakit nakakakita pa rin ako ng pagpapatupad sa aking Policy Center?
Kakailanganin mong humiling ng pagsusuri sa iyong site bago maalis ang pagpapatupad. Sundin ang mga hakbang para sa paghiling ng pagsusuri.
Kung walang ipinapakita sa Policy center na pagpapatupad ng pakataran para sa isang site, ibig bang sabihin sumusunod na ang site sa mga patakaran ng programa?
Hindi naman. Ipinapakita ng Policy center ang mga site na natukoy ng aming mga proseso ng pagsusuri na lumalabag sa isa o higit pang Patakaran ng programa. Bagama't patuloy kaming nagsusumikap na pahusayin ang mga prosesong iyon, hindi matutukoy ng mga iyon ang bawat isyu. Puwede ka naming abisuhan sa labas ng Policy center kung may matukoy kaming isyu sa pamamagitan ng ibang paraan.
Ipinapakita ba ng Policy center ang lahat ng site na napag-alamang lumalabag sa mga patakaran ng Programa ng Google?
Hindi. Ipinapakita ng Policy center ang mga lumalabag na site na bumuo ng mga kahilingan sa ad sa nakalipas na 7-10 araw. Hindi lalabas sa Policy center ang ilang partikular na site (halimbawa, mga page na may napakababang pang-araw-araw na trapiko). Responsibilidad mong tiyaking nakakasunod ang iyong mga site sa aming Mga patakaran ng programa sa lahat ng pagkakataon. Iminumungkahi naming regular mong suriin ang iyong mga site para sa pagsunod.