Sa artikulong ito
- Tungkol sa mga ad sa Google
- Tungkol sa mga ad sa mga site at app ng partner
- I-on o i-off ang mga naka-personalize na ad
- Kontrolin ang data na na-save mula sa mga site ng partner sa iyong Google Account
Tungkol sa mga ad sa Google
Habang gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube, puwede kang makakita ng mga ad. Nakakatulong ang mga ad na mapanatiling available ang maraming serbisyo ng Google nang walang singil. Ang mga ad na nakikita mo sa Google ay naka-personalize, gamit ang mga salik na tulad ng mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, o hindi naka-personalize. Buksan ang mga seksyong sa ibaba para matuto pa tungkol sa mga salik na ginagamit para magpakita sa iyo ng mga naka-personalize at hindi naka-personalize na ad.
Mga naka-personalize na ad sa GoogleAng mga naka-personalize na ad sa Google ay mga ad na ipinapakita sa iyo batay sa:
- Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mas gusto mong paksa at brand.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-customize ang mga paksa at brand ng iyong ad. - Impormasyon, tulad ng iyong edad at kasarian, na ibinigay mo sa iyong Google Account o tinantya ng Google tungkol sa iyo.
Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan at i-update ang impormasyon ng iyong Google Account. - Aktibidad na na-save sa iyong Google Account, kasama ang mga bagay na hinanap mo sa Google Search, mga video na pinanood mo sa YouTube, mga app na na-install mo sa iyong Android device, mga ad o content kung saan nakipag-interact ka, at ang general area mo habang ginagamit ang Mga Serbisyo ng Google. Ang isang general area ay mas malaki sa 1 square mile at may hindi bababa sa 1000 user para hindi ka matukoy dahil sa general area ng iyong paghahanap, na makakatulong sa pagprotekta sa iyong privacy. Nangangahulugan itong karaniwang mas malaki ang general area sa 1 square mile sa labas ng mga lungsod. Puwedeng magmula ang iyong aktibidad sa anumang device kung saan ka naka-sign in sa Google Account mo.
Matuto pa tungkol sa kung paano kontrolin kung anong aktibidad ang ginagamit para mag-personalize ng mga ad. - Aktibidad mula sa mga site na nakikipag-partner sa Google na naka-save sa iyong Google Account.
Matuto pa tungkol sa naka-save na aktibidad mula sa mga site na nakikipag-partner sa Google. - Kung nasa European Economic Area ka, ang paggamit sa data ng aktibidad sa Google Account mo para sa pag-personalize ng mga ad ay napapailalim sa iyong mga setting ng mga naka-link na serbisyo.
Matuto pa tungkol sa mga naka-link na serbisyo.
Halimbawa:
- Puwede kang makakita ng ad para sa isang bagong kotse dahil nanood ka ng video sa YouTube tungkol sa mga pinakabagong sasakyan ngayong taon.
- Puwede kang makakita ng ad sa YouTube tungkol sa pagluluto dahil naghanap ka ng mga recipe sa Google Search.
- Puwede kang makakita ng ad para sa mga sapatos na pantakbo dahil na-customize mo ang iyong mga ad sa Ang Aking Ad Center na makakita pa tungkol sa paksang Fitness.
Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mga mas gusto mong paksa at brand ng ad, ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google. Hindi ginagamit ang mga kagustuhang ito para mag-personalize ng mga ad sa mga site at app ng partner. Bisitahin ang mga setting ng ad ng Partner para kontrolin ang mga naka-personalize na ad sa mga site at app ng partner.
Ang mga hindi naka-personalize na ad sa Google ay ipinapakita sa iyo ayon sa mga salik na tulad ng oras ng araw, paksa ng website na binibisita mo, kasalukuyan mong lokasyon, o pinakakamakailan mong paghahanap.
Halimbawa:
- Puwede kang makakita ng ad ng restaurant para sa mga espesyal na tanghalian dahil tanghali sa timezone mo.
- Puwede kang makakita ng ad para sa lokal na tubero dahil naghahanap ka ng mga serbisyo ng tubero.
Tungkol sa mga ad sa mga site at app ng partner
Ang mga website, tulad ng mga site ng balita, site ng pamimili, at app ay madalas na may space na nakareserba para sa mga ad. Kapag gusto ng site at app na magpakita ng mga ad, puwedeng makipag-partner ang mga ito sa Google o sa ilang iba pang provider ng teknolohiya ng ad para pamahalaan ang mga space na iyon at magpakita sa mga bisita ng mga nauugnay na ad.
Milyon-milyong site at app ang nakikipag-partner sa Google para makatulong na pondohan ang kanilang content gamit ang mga ad na binabayaran ng mga advertiser. Partikular na ginagamit ng mga site at app ng partner na ito ang teknolohiya ng Google para magpakita ng mga ad. Nagpapakita ang mga ito ng mga ad sa Google Display Network, isang platform ng Google na tumutulong sa mga advertiser na magpakita ng mga ad sa mga site sa buong web.
Ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner ay puwedeng naka-personalize o hindi naka-personalize. Bagama't ang mga site ng partner na ito ay hindi pagmamay-ari o pinapatakbo ng Google, puwede mong piliing i-personalize o hindi ang mga ad na nakikita mo sa mga site na ito gamit ang Google Display Network.
Hindi lahat ng website o app ay gumagamit ng teknolohiya ng Google para magpakita ng mga ad. Halimbawa, posibleng may sariling mga platform sa pag-advertise ang mga site at app ng social media.
Ang mga naka-personalize na ad sa mga site ng partner ay posibleng batay sa iyong:
- Impormasyong ibinigay mo sa website o app na iyon gaya ng iyong email address, edad, o kasarian
- Mga pakikipag-ugnayan sa content sa website o app na iyon
- Mga pakikipag-ugnayan sa mga ad sa website o app na iyon
- Aktibidad sa Google Account depende sa iyong mga setting sa Google.
- Mga setting ng account para sa website o app na iyon
Halimbawa:
- Puwede kang bumisita sa isang site ng balita at makakita ng ad para sa isang magazine tungkol sa pagluluto dahil nagbasa ka dati ng artikulong tungkol sa pagkain sa website na iyon.
- Puwede kang bumisita ng website at makakita ng ad para sa isang bagong kotse dahil nagbasa ka ng isang artikulo tungkol sa mga bagong kotse ngayong taon.
Ang mga hindi naka-personalize na ad sa mga site at app ng partner ay ipinapakita sa iyo ayon sa mga salik na tulad ng oras ng araw, ang paksa ng website na binibisita mo, o ang iyong pangkalahatang lokasyon.
Halimbawa:
- Puwede kang makakita ng ad ng restaurant para sa mga espesyal na tanghalian dahil nagbasa ka ng blog tungkol sa mga recipe na pangtanghalian.
- Puwede kang makakita ng ad para sa negosyo sa pagbububong dahil nasa isang website ka tungkol sa pag-aayos ng tahanan.
I-on o i-off ang mga naka-personalize na ad
Nagbibigay ang Google ng maraming paraan para ma-on o ma-off mo ang mga naka-personalize na ad. Puwede mong kontrolin ang iyong mga setting para sa mga naka-personalize na ad:
Sa Mga Serbisyo ng Google
Kapag naka-sign in ka sa iyong Google AccountHabang naka-sign in ka sa iyong Google Account, kinokontrol ng Ang Aking Ad Center kung naka-personalize ba ang mga ad sa mga serbisyo ng Google at sa mga site at app ng partner. Para i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account:
- Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
- Piliin ang I-ono I-off, sa tabi ng "Mga naka-personalize na ad."
- Kumpirmahin ang iyong napili.
Pumunta sa Ang Aking Ad Center
Kapag na-on mo ang mga naka-personalize na ad sa Ang Aking Ad Center:
- Ang mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google ay posibleng mukhang mas nauugnay dahil sa mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, at puwedeng gamitin ang iyong impormasyon at aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga produkto at brand na nakakainteres sa iyo.
- Puwede ring i-on ang mga naka-personalize na ad sa mga site ng partner, at posibleng mukhang mas nauugnay ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner dahil puwedeng gamitin ang iyong impormasyon at aktibdiad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga produkto at brand na nakakainteres sa iyo
Kapag na-off mo ang mga naka-personalize na ad:
- Hindi ipe-personalize ang mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google– ibig sabihin, ibabatay ang mga ito sa mga pangkalahatang salik tulad ng oras ng araw o ang paksa ng video, website, o app na tinitingnan mo.
- Hindi ipe-personalize ng Google ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner.
- Ide-delete ang iyong mga preference sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mga paksa at brand na na-customize mo.
- Hindi gagamitin ang impormasyon o aktibidad na naka-save sa iyong Google account para magpakita sa iyo ng mga ad.
Saan nalalapat ang setting na ito:
Ang pag-on o pag-off ng mga naka-personalize na ad sa Ang Aking Ad Center ay nakakaapekto sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in.
Posibleng hindi available ang setting na ito sa iyo:
Posibleng hindi available sa iyo ang setting na ito dahil naka-off na ang mga naka-personalize na ad sa mga serbisyo ng Google. Posibleng naka-off para sa iyo ang mga naka-personalize na ad, halimbawa, dahil ipinapakita ng iyong Google Account na wala ka pang 18 taong gulang.
- Ang pag-on o pag-off ng mga naka-personalize na ad kapag naka-sign in ka ay hindi nakakaapekto sa mga ad na ipinapakita ng Google o sa mga ad na nakikita mo sa mga site na may kani-kanyang platform ng mga ad.
- Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mga mas gusto mong paksa at brand ng ad, ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google at hindi ginagamit para mag-personalize ng mga ad sa mga site at app ng partner.
Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account, sine-save ang mga setting ng ad sa iyong device o browser. Ang pag-on o pag-off ng mga naka-personalize na ad kapag nag-sign out ka sa iyong Google Account ay nakakaapekto sa mga ad na nakikita mo depende sa kung saan mo babaguhin ang iyong mga setting. Puwede mong i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad kapag nag-sign out ka sa iyong Google Account:
Para sa Google Search
Kinokontrol ng mga naka-personalize na ad sa Google Search ang mga ad na nakikita mo kapag naka-sign out ka sa iyong Google Account at gumagamit ka ng Google Search
Dahil kinokontrol ng Mga naka-personalize na ad sa Google Search ang iyong karanasan kapag naka-sign out ka sa Google Account mo, nalalapat lang ito sa partikular na browser o device na ginagamit mo.
Para i-on o i-off ang Mga naka-personalize na ad sa Google Search, kapag nag-sign out ka sa iyong Google Account:
- Pumunta sa Mga Setting ng Ad.
- Piliin ang Maghanap.
- I-on o i-off ang Mga naka-personalize na ad sa Google Search.
- Kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
Para sa YouTube
Kinokontrol ng mga naka-personalize na ad sa YouTube ang mga ad na nakikita mo kapag naka-sign out ka sa iyong Google Account at gumagamit ka ng YouTube.
Dahil kinokontrol ng Mga naka-personalize na ad sa YouTube ang iyong karanasan kapag nag-sign out ka sa Google Account mo, nalalapat lang ito sa partikular na browser o device na ginagamit mo.
Para i-on o i-off ang Mga naka-personalize na ad sa YouTube, kapag nag-sign out ka sa iyong Google Account:
- Pumunta sa Mga Setting ng Ad.
- Piliin ang YouTube.
- I-on o i-off ang Mga naka-personalize na ad sa YouTube.
- Kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
Para sa Web
Kapag nag-sign out ka sa iyong Google Account, puwede mong i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa mga site ng partner. Nalalapat lang ang opsyong ito sa partikular na browser o device na ginagamit mo
Para i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa mga site ng partner, kapag nag-sign out ka:
- Pumunta sa Mga Setting ng Ad.
- Piliin ang Web.
- I-on o i-off ang Mga naka-personalize na ad sa mga site na nakikipag-partner sa Google
- Kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
Kapag na-on mo ang mga naka-personalize na ad:
Posibleng mukhang mas nauugnay ang mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google dahil puwedeng gamitin ang iyong impormasyon at aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga produkto at brand na nakakainteres sa iyo
Kapag na-off mo ang mga naka-personalize na ad:
- Hindi gagamitin ang impormasyon o aktibidad na naka-save sa iyong Google account para magpakita sa iyo ng mga ad.
- Hindi ipe-personalize ang mga ad na nakikita mo– ibig sabihin, ibabatay ang mga ito sa mga pangkalahatang salik tulad ng oras ng araw o ang paksa ng video, website, o app na tinitingnan mo.
Posibleng hindi available ang setting na ito sa iyo:
Posibleng hindi available para sa iyo ang mga setting sa itaas dahil posibleng pigilan ng browser o device mo ang paggamit ng cookies para sa mga naka-personalize na ad sa maraming website.
- Ang pag-on o pag-off ng mga naka-personalize na ad kapag naka-sign out ka ay hindi nakakaapekto sa mga ad na ipinapakita ng Google o sa mga ad na nakikita mo sa mga site na may kani-kanyang platform ng mga ad.
- Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mga mas gusto mong paksa at brand ng ad, ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.
Sa mga site at app ng partner
Kapag naka-sign in ka sa iyong Google accountPara i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa mga site ng partner, kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account:
- Pumunta sa Mga Setting ng Ad ng Partner
- Para i-on o i-off ang Makakuha ng mga naka-personalize na ad kapag bumibisita ka ng mga site na nakikipag-partner sa Google
- Kumpirmahin ang iyong napili.
Kapag na-on mo ang mga naka-personalize na ad:
Kapag na-on mo ang mga naka-personalize na ad, posibleng magmukhang mas nauugnay ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng parnter dahil puwedeng gamitin ang iyong impormasyon at aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga produkto at brand na nakakainteres sa iyo.
Kapag na-off mo ang mga naka-personalize na ad:
- Hindi gagamitin ang impormasyon o aktibidad na naka-save sa iyong Google account para magpakita sa iyo ng mga ad.
- Hindi ipe-personalize ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner– ibig sabihin, ibabatay ang mga ito sa mga pangkalahatang salik tulad ng oras ng araw o ang paksa ng video, website, o app na tinitingnan mo.
Saan nalalapat ang setting na ito:
Ang pag-off ng mga naka-personalize na ad sa Mga Setting ng Ad ng Partner ay nakakaapekto sa mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in
Posibleng hindi available ang setting na ito sa iyo:
Posibleng hindi available sa iyo ang setting na ito dahil naka-off na ang mga naka-personalize na ad sa mga serbisyo ng Google. Posibleng ma-off ang mga naka-personalize na ad para sa iyo, halimbawa, dahil:
- Ipinapakita ng iyong Google Account na wala ka pang 18 taong gulang.
- Posibleng pigilan ng iyong browser o device ang paggamit ng cookies mo para sa mga naka-personalize na ad sa maraming website.
- Ang pag-on o pag-off sa mga naka-personalize na ad sa mga site at app ng partner ay hindi nakakaapekto sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google.
- Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad sa Ang Aking Ad Center, mao-off din ang mga naka-personalize na ad sa mga site at app ng partner.
- Ang pag-on o pag-off ng mga naka-personalize na ad kapag naka-sign in ka ay hindi nakakaapekto sa mga ad na ipinapakita ng Google o sa mga ad na nakikita mo sa mga site na may kani-kanyang platform ng mga ad.
- Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mga mas gusto mong paksa at brand ng ad, ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google at hindi ginagamit para mag-personalize ng mga ad sa mga site at app ng partner.
Para i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa mga partner na site, kapag naka-sign out ka sa iyong Google Account:
- Pumunta sa Mga Setting ng Ad ng Partner
- Para i-on o i-off ang Makakuha ng mga naka-personalize na ad kapag bumibisita ka ng mga site na nakikipag-partner sa Google
- Kumpirmahin ang iyong napili.
Kapag na-on mo ang mga naka-personalize na ad:
Posibleng mukhang mas nauugnay ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner dahil puwedeng gamitin ang iyong impormasyon at aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga produkto at brand na nakakainteres sa iyo
Kapag na-off mo ang mga naka-personalize na ad:
- Hindi gagamitin ang impormasyon o aktibidad na naka-save sa iyong Google account para magpakita sa iyo ng mga ad.
- Hindi ipe-personalize ang mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner– ibig sabihin, ibabatay ang mga ito sa mga pangkalahatang salik tulad ng oras ng araw o ang paksa ng video, website, o app na tinitingnan mo.
Saan nalalapat ang setting na ito:
Ang pag-off sa mga naka-personalize na ad sa Mga Setting ng Ad ng Partner, habang naka-sign out ka sa iyong Google Account, ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakikita mo sa partikular na browser o device na ginagamit mo.
Posibleng hindi available ang setting na ito sa iyo:
Posibleng hindi available ang setting na ito dahil puwedeng pigilan ng iyong browser o device ang paggamit ng cookies para sa mga naka-personalize na ad sa maraming website.
- Ang pag-on o pag-off sa mga naka-personalize na ad sa mga site at app ng partner ay hindi nakakaapekto sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google.
- Ang pag-on o pag-off sa mga naka-personalize na ad kapag naka-sign out ka ay hindi nakakaapekto sa mga ad na inihahatid ng Google o ang mga ad na nakikita mo sa mga site na may kani-kanyang platform ng mga ad.
- Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center, tulad ng mga mas gusto mong paksa at brand ng ad, ay nakakaapekto lang sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google at hindi ginagamit para mag-personalize ng mga ad sa mga site at app ng partner.
Sa iyong mga device
Mga mobile deviceAng mga ad na nakikita mo sa iyong mga mobile device ay puwedeng i-personalize batay sa Advertising ID nito. Kung minsan, nili-link ng Google ang advertising ID na iyon sa isang cookie sa pag-advertise sa parehong device para maiugnay ang mga ad sa maraming mobile app at mobile browser. Halimbawa, puwede itong mangyari kapag nakakita ka ng ad sa loob ng isang app na naglulunsad ng web page sa iyong mobile browser.
Puwede mong kontrolin ang iyong Advertising ID sa bawat device na ginagamit mo.
Para kontrolin ang mga naka-personalize na ad sa iyong mga Android device, puwede mong:
- I-reset ang advertising ID ng iyong device para palitan ng bago ang kasalukuyang ID. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad ang mga app, pero posibleng hindi gaanong nauugnay o interesante sa iyo ang mga ito sa loob ng maikling panahon.
- I-delete ang advertising ID ng iyong device para i-delete ang advertising ID at hindi magtalaga ng bago. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga ad ang mga app, pero posibleng hindi na gaanong nauugnay o interesante sa iyo ang mga ito. Hindi ka makakakita ng mga ad batay sa advertising ID na ito, pero puwede ka pa ring makakita ng mga ad batay sa iba pang salik, gaya ng impormasyong ibinahagi mo sa mga app.
Mare-reset o made-delete ang iyong Advertising ID, pero posibleng may sariling mga setting na gumagamit ng ibang uri ng mga identifer ang mga app, na puwede ring makaapekto sa mga uri ng ad na nakikita mo.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-reset o i-delete ang iyong advertising ID.
Sa YouTube app sa iyong Android device
Kung naka-sign in ka:
Habang naka-sign in ka sa iyong Google Account, kinokontrol ng Ang Aking Ad Center kung naka-personalize ba ang mga ad sa mga serbisyo ng Google at sa mga site at app ng partner. Matuto pa tungkol sa mangyayari kapag na-off mo ang mga naka-personalize na ad sa Ang Aking Ad Center.
Para i-off ang mga naka-personalize na ad sa iyong YouTube app:
- Piliin ang Account Mga Setting.
- Mag-scroll papunta sa "Privacy" "Mga setting ng Google ad" at mapupunta ka sa Ang Aking Ad Center.
- Piliin ang I-on o I-off sa tabi ng "Mga naka-personalize na ad."
- Kumpirmahin ang iyong napili.
Kung naka-sign out ka:
Kapag na-off mo ang pag-personalize ng ad sa iyong YouTube app habang naka-sign out, hindi ipe-personalize ng Google ang mga ad sa app sa device na ito. Ang mga ad na ihahatid sa YouTube app sa device na ito ay ibabatay sa mga pangkalahatang salik gaya ng oras ng araw o paksa ng video na pinapanood mo. Matuto pa tungkol sa kung ano ang mangyayari kapag na-off mo ang mga naka-personalize na ad habang naka-sign out ka.
Para i-off ang mga naka-personalize na ad sa iyong YouTube app habang naka-sign out ka:
- Piliin ang Account Mga Setting.
- Mag-scroll papuntang "History at Privacy" at i-off ang Payagan ang mga naka-personalize na ad.
- Kumpirmahin ang iyong napili.
Kung gumagamit ka ng Nakakonektang TV sa Android TV, Google TV, o ng YouTube app sa iyong TV, makokontrol mo kung naka-personalize ang mga ad sa iyong device mismo.
Para i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad, gamit ang iyong remote o nakakonektang mobile device:
- Sa ad, piliin ang Mga Opsyon sa Ad. May lalabas na bagong screen na may espesyal na URL, isang QR code, at ilang opsyon.
- Piliin ang Naka-on/naka-off ang mga naka-personalize na ad.
- Piliin ang I-on/I-off
Posibleng i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa iyong Android TV batay sa Advertising ID nito. Puwede mong kontrolin ang iyong Advertising ID sa bawat nakakonektang TV na ginagamit mo.
Para kontrolin ang mga naka-personalize na ad sa Android TV, puwede mong:
- I-reset ang advertising ID ng iyong device para palitan ng bago ang kasalukuyang ID. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad ang mga app, pero posibleng hindi gaanong nauugnay o interesante sa iyo ang mga ito sa loob ng maikling panahon.
- I-delete ang advertising ID ng iyong device para i-delete ang advertising ID at hindi magtalaga ng bago. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga ad ang mga app, pero posibleng hindi na gaanong nauugnay o interesante sa iyo ang mga ito. Hindi ka makakakita ng mga ad batay sa advertising ID na ito, pero puwede ka pa ring makakita ng mga ad batay sa iba pang salik, gaya ng impormasyong ibinahagi mo sa mga app.
Matuto pa tungkol sa kung paano baguhin ang iyong mga setting ng ad sa Android TV.
Maraming nakakonektang TV device ang sumusuporta sa mga identifier para sa pag-advertise at nag-aalok ng mga paraan para makapag-opt out ang mga user sa naka-personalize na pag-advertise. Pinananatiling updated sa website ng Network Advertising Initiative ang isang buong listahan ng mga device na iyon, at ang mga paraan kung paano makakapag-opt out ang mga user.
Sa iba pang ad network
Sa AdChoicesIsa ang Google sa maraming ad network na nagpe-personalize ng mga ad batay sa iyong aktibidad online. Pumunta sa AdChoices para kontrolin ang mga ad mula sa Google at iba pang ad network.
Kontrolin ang data na na-save mula sa mga site ng partner sa iyong Google Account
Kapag binisita mo ang mga site na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad, puwedeng i-save sa iyong Google Account ang data ng pag-browse mula sa mga site at app ng partner. Ginagamit ang impormasyong ito para makatulong na mag-personalize ng mga ad sa mga browser at device na ginagamit para ang mga ad na makikita mo ay para sa mga produkto at brand na nakakainteres sa iyo.
Simulan o ihinto ang pag-save ng data sa iyong Google AccountPara simulan o ihinto ang pag-save ng data sa iyong Google Account mula sa mga site at app ng partner:
- Pumunta sa Mga Setting ng Ad ng Partner
o
Sa isang ad na nakikita mo, piliin ang IsaraSuriin ang mga setting para sa mga ad na ito. - Lagyan ng check o i-uncheck ang I-save din ang data sa iyong Google Account mula sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google.
- Kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
Pumunta sa Mga Setting ng Ad ng Partner
Kapag huminto ka sa pag-save ng data mula sa mga site ng partner sa iyong Google account:
- Hindi ise-save ng Google ang alinman sa iyong data ng pag-browse sa hinaharap mula sa mga site ng partner sa Google Account mo.
- Hindi gagamitin ng Google ang aktibidad at impormasyon ng iyong Google Accoujnt para mag-personalize ng mga ad sa mga partner na site at app.
Saan nalalapat ang setting na ito:
Nalalapat lang ang setting na ito sa mga browser o device kung saan ka naka-sign in sa iyong Google Account.